Chapter 27

1.5K 73 18
                                    

Francine pov..

          "A-ano po kasi Tita..." Tarantang turan ni Althea. Mabilis pa syang dumistansya sa akin. Dahilan upang makaramdam ako nang kirot sa dibdib.. Ramdam ko namang nakakahalata na si Mama at kung sakali mang mag-uusisa nga ito. Nakahanda na ang paliwanag ko, pero sa lagay ba to' mukhang hindi pa handa si Althea..

          "Ma! Huwag niyo po sana kaming pag-iisipan nang masama.. Ibig ko pong sabihin- kahit kami hindi rin po namin alam kong ano ba itong pinasok namin--."

           "Halika.. May pag-uusapan tayo..'' Putol naman nito sa sinasabi ko. Pero sa malumanay na tono. Kaya lan, hindi ko parin maiwasang makaramdam nang kaba. Bago marahang bumaling sa ang aking katabi.. "Althea, maiwan ka muna namin sandali.." Turan pa ni Mama na kinasinghap ko. A-ano kaya ang sasabihin nito..

          "Sumunod ka nalang sa akin.." Nauna na syang lumabas nang pintuan. Ni hindi man lang ako hinintay na tumugon.. Habang pinagmamasdan ko nang husto si Althea, pilit kong binabasa kong anong nasa isip niya nang sandaling iyon.

           "Sige na.. Sundan mo na si Tita!" Taboy pa nito sa akin pagkatapos. Wala man lang ba syang--. "Kung anumang sasabihin nang Mama mo.. Erespeto nalang natin sya Francine.." A-anong ibig niyang sabihin!? Papaano kong tutol si Mama sa aming dalawa! Sasang-ayon nalang ba kami nang ganun nalang!? Tapos, bigla pa siyang nag-iwas nang tingin.

             "Mahal kita Althea at sigurado na ako sa nararamdaman ko!" Seryoso ko namang wika. Bago nagpasyang tumayo sabay talikod. Hindi ko kasi maiwasang makaramdam nang kirot at hanggang sa tuluyan akong lumabas nang pinto. Wala na akong narinig mula dito na lalong kinasikip nang aking paghinga.

          Naabutan ko si Mama sa may Hallway na tila malalim ang iniisip. Pero nang makita ako- mabilis itong naglakad papalayo. Kaya napasunod nalang ako, habang walang humpay ang paghugot ko nang malalim na paghinga. Nakasunod lang ako sa kanya, hanggang sa marating namin ang labas nang hospital. Sa may malawak na garden, kung saan may mangilan-ngilang nakatambay.

           Hindi parin mai-alis alis ang kaba ko.. Nang marahan itong naupo sa bakanteng sementadong banko. Pagkatapos, nagsenyas na maupo ako sa tabi nito. Mabilis naman akong tumalima at naupo sa gawing kaliwa..

          Namayani ang nakabibinging katahimikan, nang narinig ko syang sunod sunod na napabuntong-hininga.. "Kailan pa to'."  Pagkuwa'y mahina pero may diin nyang wika. Habang nilalaro-laro ko ang mga daliri sa kamay ko.. Nang, dumoble na yata ang kabog nang dibdib ko. Mabait si Mama, sa pagka tanda ko ni minsan hindi pa niya ako napagbuhatan nang kamay.

         Sabagay, pareho din naman sila ni Papa. Ayoko lang noon ipakita pero sobra akong naapektuhan at nasaktan sa biglaan nilang paghihiwalay. Sa totoo lang, umasa akong babalik din kaagad si Papa. Hanggang sa umabot na nang taon, subalit ni anino nito ay hindi ko na nakita pa. Ni hindi ko alam kung may komunikasyon ba sila nang Mama.

            "Hindi ko alam kong dapat ba akong matuwa na nagkita kayong muli.." Turan nito nang muling magsalita. Dahilan upang marahan akong napabaling sa kanya.. "P-pero alam kong hindi ko naman mapipigil kong anuman ang nararamdaman ninyo para sa isa't isa. Dugtong pa niya na kina-awang nang aking mga labi..

           "Ang sa akin lang, ayokong matulad ka- kayo sa akin!" Bigla nalang syang tumitig sa aking mga mata. A-anong ibig nitong ipakahulugan--.  "Ayokong maulit sa inyo ang nangyari sa amin ni Alicia." Tukoy nito sa Mommy ni Althea. Na awtomatiko kong kinasinghap.

             S-sila ni Tita Alicia- may naging relasyon noon!? Papaano nangyari yun- ibig kung sabihin, bakit sila naghiwalay.. Bakit hindi sila ang nagkatuluyang dalawa!? Muling napahugot nang malalim na paghinga si Mama. "Haiskul nang maging kami ni Alicia.. Nasa huling taon na kami noon, pero elementary palang nang nagsimula ang aming pagkakaibigang dalawa."

"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon