Francine pov..
Sa pagkakataong iyon, nagsukatan kami nang tingin ni Tito Timothy. Habang prente itong nakatayo sa may naka-awang na pantaong gate.. Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak ni Althea sa isa kong braso. Tila takot na takot nang sandaling iyon.
Pero, ano bang dapat niyang ikatakot- ako nga mukhang na-immune na yata! Sa dami ba naman nang pinagdaanan ko, simula nang nagkita uli kami ni Althea. Nagkasama sa iisang bubong hanggang sa- nahulog ako nang tuluyan sa kanya. Nang hindi sinasadya. At ganun din siya sa akin. At nagkaroon nang panandaliang relasyon.
Dahil sa isang pagkakamali ay walang alinlangan niyang tinapos ang anumang meron sa aming dalawa. Dahil sa matinding puot at galit! Nasaktan ako nang sobra, yung tipong halos lumuhod na ako sa kanya at magmaka-awa. Pero nanatiling matigas ang puso nito sa akin.
Kaya ngayon! Tila hindi na ako tinatablan nang kahit anong sakit. Mapa-pisikal man o emosyonal--.
"Tignan mo nga naman no- like mother like daughter!" Diretsahang wika nang Papa ni Althea. At nahulaan ko na agad kong anong tinutumbok nito. At kitang kita ko kong papaano, tumaas ang isang sulok nang kanyang labi. Tsaka, nagtagis ang kanyang bagang.
Kasalanan ba namin, kung sa umpisa palang nagmamahalan na si Mama at si Tita Alicia!? Bago pa man sya dumating sa buhay nang dalawa!? Sabihin na nating sa parte niya oo- hindi ganun kadaling tanggapin. Mahirap, masakit!! Pero hindi naman iyon naging lingid sa kanya.
Nagbulagbulagan at naging makasarili parin ito sa maraming pagkakataon. Kung talagang lalaki siya- hayaan na nitong magdesisyon si Tita Alicia. Kong saan ito magiging masaya at iyon ay sa piling nang Mama ko.
At yung sa amin ni Althea! Hindi ko naman sinadyang mahulog ang loob ko sa kanya. Ganoon din sya sa akin. Dahil halos magkapatid na ang turingan namin noong kami'y mga bata. At kahit sobrang sakit- yung nangyari sa amin.. Na halos katulad na kay Mama noon, nagparaya parin ako!! Dahil sa sobrang pagmamahal at de bale nang ako yung masaktan. Magdusa at--.
"Ano ba talaga ang gusto ninyong mag-inang ipamukha sa pamilya ko!!" Pagpapatuloy parin nito. Habang ako nama'y nanatiling walang kibo. Kahit sa totoo lang, gustong gusto ko na syang sumbatan kong bakit kailangan pa niya akong idamay sa galit nito sa Mama ko.. Pero malaki parin ang respeto ko sa kanya.
Lalo na at medyo tumataas na ang timbre nang kanyang pananalita. Na rinig ko namang kinasinghap nang husto ni Althea. At lalo pang humigpit ang pagkaka-hawak nito sa akin.
"Francine please.." Yugyog nito sa braso kong hawak. "Tama na, umalis kana lang! Ako nang bahalang kumausap kay Papa. Medyo mainit lang ang ulo niya." Pagsusumamo pa nitong bulong sa tainga ko. Na lihim ko namang kina buga nang hangin. Tsaka ko siya marahang binalingan nang tingin. Kaya kitang kita ko ang masidhing takot sa kanyang mga mata.
"Mahal ko po si Althea!" Lakas loob kong bigkas. Habang nanatiling nakatitig sa mga mata nang babaeng pinakamamahal ko. Na halatang kinabigla nito. Base na rin sa ekspresyon nang kanyang mukha.
"Pero hindi ko pinipilit ang sarili sa kanya.." Pagkuwa'y hugot ko nang malalim na paghinga. At naramdaman na parang may tumusok na punyal sa aking dibdib. "Nasa kanya parin ang desisyon kong si Jared man ang kanyang pinili." Hindi katulad ninyong pinagsisiksikan parin ang sarili! Hindi ko na isina-tinig ang mga katagang iyon..
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...