Althea pov..
"Althea! G-gusto mo din ba nang kwek kwek, tara kumain muna tayo!" Talaga lang ha! At may gana pa akong alukin sa kabila nang pagtataray ko. Pagkatapos, mabilis itong tumayo at dumistansya sa katabi nyang lalaki.
Akala ko ba may boyfriend syang nagngangalang Oliver- bakit kitang kita kong nakikipag-date pa sya kung sino-sino!? Tapos itsura palang nang lalaki, hindi na mapagkakatiwalaan. Pasimple kong ingos sabay napapa-buga nang hangin sa kanilang harapan.
"Busog ako!" Walang ganang tugon ko. Habang, sa lalaking kasama nito naka focus ang aking mga mata. Hindi ko kasi mapigilang, pasadahan ito nang tingin at suriin mula ulo hanggang paa. Mukhang napansin yata nito ang ginawa ko, kaya maagap itong napa-iwas nang tingin.
"Ah- S-si Kuya Jerson nga pala katrabaho ko sya. Kasama ko syang nagpapa-part time sa university.." Masigla pang pakilala ni Francine dito. And so what- and I don't care! As if naman interesado akong malaman. Napapa-eye roll ko namang tugon sa isip-isip ko, habang nakahalukipkip nang sandaling iyon. "Kuya Jerson, si Althea nga pala--.
"Tara na kasi, di ba sabi ko naman uuwi na tayo!" Putol ko at kontra kaagad sa kanyang sinasabi. Ayoko nang magtagal ang usapan, dahil naalibadbaran ako sa totoo lang!Kaagad naman itong napipilan at napa-awang ang mga labi. Tapos, nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa ungas nyang kasama.
Wala pa sana akong balak umuwi, dahil maaga pa. At pupunta dapat ako sa isang shopping mall malapit lang dito. Para, magtingin tingin nang mga gamit pang baby- kung hindi lang nahagip nang mga mata ko itong si Francine. Nakita syang masayang nakikipag-usap sa lalaking yan, tapos mukhang ang saya saya pa nilang dalawa. Habang pinagmamasdan ko sila sa hindi kalayuan.
Hindi ko maintindihan ang sarili, pero bigla nalang nag-init ang aking ulo nang makita ang ganung eksena.. Sa akin nga, hindi sya ganyan e- tapos makikita ko lang syang masaya at komportableng kausap nang kong sino!? Sa dorm, halos hindi nito ako kinikibo. Kung hindi pa ako ang unang iimik sa kanya, hindi magsasalita. Tapos, masyado pang seryosong kausap- pero nagagawa pala nitong ngumiti sa iba!? Ngitngit nang aking kalooban.
Basta! Hindi ko lang maiwasang makaramdam nang inis.. Para akong ibang tao sa kanya, samantalang ginagawa ko naman lahat para bumawi sa lahat nang pagkukulang ko. Hindi ba nito na-appreciate yun!? Tss!!
"S-sabi ko nga, uuwi na tayo!" Medyo natataranta nitong sabi. Hindi malaman kong lalapit ba siya sa akin o babalingan ang lalaking kasama. Akmang hahakbang na sana, nang kitang kita nang dalawang mata ko. Nang marahang hinawakan nang Jerson na yun ang isa niyang braso. Hindi ko tuloy napigilang mapasinghap nang iyon! At lalo yatang nadagdagan ang inis ko.
"Francine, teka lang-" Pigil nitong turan. Habang hindi binibitawan ang braso nang kababata ko. Konting konti nalang mabubuldyak na sa akin ang lalaking ito! Nagtataka namang nagbaling si Francine sa kanya.
"Ano kasi- yung inorder mong kwek kwek at squidballs, e-take out mo nalang kaya, sayang kasi!" Turan nito. Hindi ko napigilang mapa-irap nang sandaling iyon. Masyado kasing over-acting ang kumag, para yun lang! Pwedeng pwede ko naman ibili si Francine at ipagluto kahit ilang kilo pa yan!
"Ahm!" Eksaherada kong tikhim. Dahilan upang halos sabay pa silang napabaling sa akin. "Ang dami dami nating stock na ganyan sa bahay, kumakain ka pa dito! Hindi mo pa sigurado kung malinis o ano.." Pagtataray ko.
Pati tuloy yung mga nagtitinda napabaling sa akin, lalo na yung nasa malapit sa amin. Talagang tinignan ako nito nang masama. Kahit na magalit pa sa akin lahat nang mga tinderang yan, ayoko lang syang iwan kasama nang lalaking halata namang pinopormahan sya!
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomansGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...