Althea pov..
"Uhm.." Maagap nitong hinablot ang hawak kong cellphone. Pero bago yun, napansin ko ang isang brown envelop. Pasimple niyang sinukbit sa bulsa- sa likod nang suot niyang pantalon. "Ma- mag-uusap lang po kami sandali ni Althea sa kuwarto. Magalang pa nitong paalam kay Tita Fiona, bago ako inalalayang pumasok muli nang bahay..
"Oh siya, mabuti pa nga at magpahinga na kayong dalawa.." Turan naman ni Tita Fiona na lihim kong kina hugot nang malalim na paghinga..
Wala naman sana akong balak pakialaman ang mga gamit ni Francine. Lalong lalo na yung phone nito- kaso tunog kasi nang tunog at ayaw syang tantanan kung sino man yung tumatawag.. Nang tiningnan ko kung sino, sakto namang may nag message--.
"Babe, magpapaliwanag ako.." Malumanay niyang wika. Pagka pasok na pagkapasok namin sa loob nang kuwarto. Mabilis na sinarado ang pinto. Ako naman ay marahang naupo sa gilid nang kama. Nang maagap niyang ginagap ang dalawang kamay na kina-awang nang aking mga labi. Bigla kasi siyang lumuhod sa aking harapan.
"G-gusto ko lang namang pag-ipunan yung magagastos para sa panganganak mo.." Turan nito. Na kina-iwas ko naman nang tingin, tsaka mariing napakagat sa pang-ibaba kong labi. "G-gusto kong maging maayos kayo ni baby.." Hindi naman niya kailangang gawin to' dahil kung tutuusin sobra sobra na itong ginagawa nilang pagtulong sa akin.
Si Tita Fiona, inaalagaan kaming mabuting mag-ina. Bukod sa financial, kung tutuusin lahat ay binigay na nila sa akin.. "May pera na akong nakalaan para dyan, tsaka willing naman akong tulungan ni Tita Ash e.." Turan ko naman.
Nalaman ko kasing- nakikitira pala siya sa kaibigan niya ngayon. Ayon na din sa pagkakaintindi ko sa nabasa kong text message. Si Ligaya- sya din yung tumatawag sa kanya.. "Kelan pa to Francine!?" Hindi ko natiis na hindi itanong. Lumipat sya- umalis sya nang dorm na wala akong kaalam alam..
"Babe.. Gusto ko lang naman, makatipid para maka-ipon--."
"Bakit ayaw mong sagutin yung tanong ko?" Maagap kong putol sa kanyang sinasabi. Pero sa malumanay namang paraan. Dati oo inaamin kong masungit ako sa kanya- napagtataasan ko sya nang boses. Pero dala lang naman yun sa stress tungkol dito sa kalagayan ko. At wala akong ibang mapagbuntunan, yung galit ko kay Jared. Siya lahat ang sumalo nun..
Kaya nagpapasalamat ako nang malaki kasi hindi nito ako iniwan. Sobrang thankful talaga ako--. "Nakakahiya na kasi kay Tita Ashtrid mo, kung tatanggap pa tayo nang tulong mula sa kanya.." Wika na naman niya. Na kina pikit ko nang mariin. O sya- hindi ko na sya kukulitin tungkol sa bagay na yan.
Sabihin na nating maliit na bagay lang yun para pagtalunan pa. Ang sa akin lang- ayoko lang na ilaan nito sa akin ang lahat. Kailangan din naman niya nang perang panggastos sa sarili- pag-aaral niya.. Akala ba niya hindi ko kaagad napansing- nangangayat sya..
"Basta ipangako mo sa akin na ito na ang una at huling maglilihim ka.." Seryoso kong wika. Bago marahang humarap muli sa kanya. Pero wala akong nakuhang tugon.
"Tumayo ka na nga dyan!" Untag ko nalang. Dahil bigla akong naawa sa kanyang itsura. Huwag na sana siyang maglilihim at magsisinungaling sa akin. Dahil yun ang pinaka ayaw ko sa lahat! Yung sinungaling.. Katulad nalang nang ginawa ni Jared- kaya kahit anong sabihin niya. Hinding hindi na ako naniniwala. Hindi ko na nga sinasagot yung mga tawag niya, dahil wala din lang patutunguhan ang aming usapan. Wala na syang mapapala.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
عاطفيةGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...