Chapter 45

2.3K 97 73
                                    

Althea pov..

           Mariin akong napa-kuyom nang dalawang kamao. Napasinghap, nang  nahigit ko nang husto ang aking hininga. At kusa nalang naghabulan ang aking mga luha. Pero mabilis at marahas ko din lang itong pinahid.


        Matapos umamin si Papa dito sa korte, na matagal na pala nitong pinagbubuhatan nang kamay si Mama. Paano niya nagawa ang lahat nang ito' sa mahabang panahon!? Sobrang hirap paniwalaan, dahil alam ko kong gaano nito kamahal si Mama- at pinahahalagahan ang aming pamilya!


         Hindi mai-aalis ang pagiging malambing nito kay Mama kapag kaharap ako. Kahit mismo sa amin ni Aki, malumanay siya kong magsalita. Pwera nalang kung pinapayuhan niya ako at talaga namang napaka seryoso sa lahat nang kanyang mga sinasabi.


            Kunsabagay, sa akin nga hindi siya nagdalawang-isip na saktan ako sa pisikal. Sa isang pagkakamali ko lang! Pero para sa akin, napatawad ko na siya nang sandaling pagbuhatan niya ako nang kamay. Ang hinding hindi ko maaaring palampasin- lahat nang mga pinag-gagawa nito kay Mama!


            Gusto ko siyang sugurin nang sandaling yun, gusto ko syang sumbatan! Habang matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya--.


           "Bahala na ang korte kong ano ang karampatang parusa para sa kanya." Halos pabulong namang wika ni Jared. Nang maagap akong pinigilan at mahigpit itong humawak  sa isa kong braso.


           "At tsaka, yung mawawalan na nga lang siya nang karapatan saiyo at bunso mong kapatid! Masakit na yun para sa kanya. Isa na yung mabigat parusa.." Dagdag pa nitong turan. Dahilan upang unti-unti kong hinamig ang sarili..


           Nagbaling ako sa bandang kaliwa- kay Mama katabi ang abugado nito. Mas piniling huwag nalang sumama si Mama Fiona, na siya namang nag-alaga saglit kay baby Alfred. At tsaka, para na din hindi siya ang mapagbalingan ni Papa..


           Bakas ang kasiyahan sa awra nang aking Ina, dahil kusang lumabas na sa bibig ni Papa ang katotohanan. Sa wakas tuluyan na siyang makakalaya sa pagmamalupit at pagtitiis nito kay Papa nang mahabang panahon. Yun din lang naman talaga ang gustong mangyari ni Mama, kaya nagpang-abot sila dito sa korte at nagkaroon nang ganitong mga tagpo.


        At mukhang dito na magtatapos lahat nang mga agam-agam sa puso at isipan nang Mama ko. Ang tanging hangad ko din lang, ay maging maligaya siya sa piling nang tunay niyang minamahal. Na walang iba kundi kay Mama Fiona..


        Lihim akong napangiti nang mapait- nang kusa nalang sumagi sa isip ko si Francine. Halos dalawang buwan na din ang nakalipas, simula nang nanggaling siya sa bahay ni Jared. Nang tuluyan na niya akong sinukuan. Mukhang napagod na ito, sa lahat nang pasakit na idinulot ko.


          Ni hindi ko na siya nakikita sa University.. Maski ang kanyang mga kaibigan ay hindi ko na din nakakasalubong. Masakit sobra- pero kailangan kong tanggapin dahil kasalanan ko lahat nang ito. Naging duwag ako sa maraming pagkakataon. Hindi lang yun- sobrang gulo nang utak ko. Wala akong sariling panindigan--.

          "Althea.. Tara na!" Untag bigla nang katabi ko. Na awtomatiko ko namang kinabaling dito. Ni hindi ko namalayang, tapos na pala ang hearing sa linggong ito. At sa susunod na linggo, doon na malalaman kong anong resulta. Kong guilty nga ba si Papa.. Pero, umaamin naman na siya- kaya wala nang rason para baguhin o baliktarin pa nito ang mga binitawan niyang salita.


            Napatitig naman ako kay Jared. Ngayong natapos na ang problema nang pamilya ko. Ito na din siguro ang pagkakataon para kausapin ko siya nang masinsinan. Para sabihin sa kanya lahat kong anong nasa saloobin ko. Kung sino ang siyang nagmamay-ari nang aking puso. Na hindi naman lingid iyon sa kanyang kaalaman.


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon