Francine pov..
"Kailan niya ba balak lumipat?" Tanong ni Jared. Habang kami ay magka-usap sa messenger, naka videocall pa nga sya. Pumayag ako dahil nasa open area naman ako ngayon, andito kasi ako sa may soccer field nang university.. Half day lang ang pasok ko at hindi ko naman schedule ang paglilinis, pero tinatamad pa akong umuwi.
Dito ko din naisipang magreview, lalo kasi akong hindi makakapag concentrate sa pagre-review pag doon sa dorm. Nalulungkot ako tuwing naiisip na aalis na si Althea, kung kailan naman nanunumbalik na sa dati yung pagkakaibigan naming dalawa. Napapangiti tuloy ako nang mapait.
"Pagkatapos siguro nang exam?" Di siguradong tugon ko.. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam ang tungkol sa bagay na yun. Natatakot akong alamin, baka mamaya biglang sagot- bukas na bukas din. Tsk! Lihim akong napa buga nang hangin nang maramdamang sumisikip ang aking paghinga.
Hindi ko kasi alam kong anong napag-usapan nila ni Mama, noong nagpunta si Mama sa dorm.. Nang sinadya kong umalis nung araw na yun. Nagpaalam na pumuntang market para bumili nang aming pananghalian.. Sinadya ko ding medyo natagalan bago umuwi, yung tipong tapos na talaga silang makapag-usap.
Pagkatapos nun, hindi ko na binalak tanungin si Althea, maski si Mama. Kaya wala akong idea, kung papaano nagtapos ang kanilang usapan. Ni hindi mga din nagkukuwento sa akin yung huli, kaya mas mainam na ako'y manahimik na lang.
"Sigurado ka bang magiging okay lang sya doon?" Tanong nito. Awtomatiko tuloy akong napakunot noo sa kanya. Para bang sinasabing wala syang bilib kay Mama. Hello? Naging pangalawang Ina na ni Althea ang Mama ko at ramdam kong pantay lang ang pagtingin nito sa aming dalawa.
"Kung wala kang tiwala sa Nanay ko, di umuwi kana para ikaw itong mag-alaga sa iyong mag-ina! Total obligasyon mo naman talaga yan!" Sarkastiko kong litanya nang hindi ko napigil ang aking emosyon. Stress na ako sa lahat nang nangyayari, tapos dadagdag pa sya.
Bigla naman syang napatawa nang mahina. "Ito naman galit agad! Ang ibig ko lang naman sabihin, bakit hindi kaya ikaw sumama doon. Para atleast namomonitor ko parin yung mag-ina ko kung sakali.." Paliwanag naman nito. Gustong gusto ko nga ring gawin yun- pero diyos ko, mamamatay na ako sa biyahe niyan. At mamumulubi sa pamasahe.
"Pwede naman, hangga't hindi pa nagsisimula yung klase.." Turan ko nalang. Syempre gagawa din ako nang paraan para makasama sya- hugot ko nang malalim na paghinga pagkatapos.. Hindi ko na din maintindihan itong sarili ko, itong nararamdaman ko..
Bakit kailangan kong maramdaman ang ganito kay Althea. Alam kong maling mali ito, kaibigan ko siya- hindi lang yun kundi para na kaming magkapatid. Dapat andirito ako naka suporta sa kanya, sumusuporta sa kanila ni Jared. Pero bakit- nasasaktan na ako nang husto, sa tuwing naiisip kong isang araw babalik na itong si Jared.
Babawiin ang kanyang mag-ina at bubuo sila nang isang masayang pamilya. Kaya naman, hangga't maaga, hangga't hindi pa ganun sumisibol itong nararamdaman ko. Kailangan ko nang supilin, kailangan ko nang ibaling ang atensyon ko sa iba.. Tsaka, all this time ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae. Tapos sa kababata ko pa.
Sinisimulan ko na nga syang iwasan, maski doon sa dorm. Ilang gabi na akong hindi tumatabi sa kanya sa pagtulog. Kahit, hirap na hirap akong dalawin nang antok noong una, pero ramdam kong unti unti nang nasasanay ang katawan ko. Siguro, ganun din itong feelings ko basta ang gawin ko lang siguro magpaka busy sa ibang bagay.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...