Chapter 18

2K 103 41
                                    

Althea pov..

          Awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking mga labi at biglang matigilan. Matapos makita, kung papaano kusang napapikit ang mga mata ni Francine, nang ga-pulgada nalang ang pagitan nang mukha ko sa kanya.. God! Sobrang kabog nang aking dibdib, tsaka sunod sunod na napapalunok. Habang titig na titig sa labi nitong bahagyang naka-awang.

           Na tila, nag-aanyayang sunggaban ko na iyon nang halik at hindi na kailangan pang magdalawang-isip. Kaya bago pa ako mawalan nang lakas nang loob, tuluyan ko nang tinawid ang aming distansya.. O my-- Naging triple yata ang kabog nang dibdib ko nang sandaling nagdikit ang labi ko sa mainit at malambot na labi nito.

           Rinig ko syang napa-singhap, pero wala naman akong maramdamang pagtutol dito. Kaya bago pa sya matauhan, kumilos ang dalawa kong palad. Ikinulong ang magkabila nitong pisngi at sinimulang igalaw nang banayad ang aking mga labi.

          "Hmmmn.." Umungol ba sya? Nagawa ko pa talagang itanong sa sarili ko. Dahil hindi ko sure kong sa kanya ba galing ang ungol na yun o sa akin! Mas malakas pa kasi ang kabog nang dibdib ko nang sandaling iyon.

            Hinalikan ko ito sa nang marahan at punong puno nang pagsuyo. Tila nananantya ang bawat galaw nang aking mga labi, baka mamaya kasi hindi ito masiyahan sa aking ginagawa.. Oh gosh! Ibang-iba pala yung pakiramdam kapag gising syang hinahagkan. Kesa yung panakaw na halik, na madalas kong gawin.

           Parang may kuryenteng gumapang sa aking mga ugat, hanggang sa aking kalamnan. Na buong buhay ko ngayon ko palang naramdaman yung ganito. Yung tipong, damang-dama ko ang bawat pagsayad at pagdampi nang labi ko sa malambot na mga labi nito.

          Subalit, ilang segundo nang magkalapat ang aming mga labi pero wala parin akong makuhang tugon mula sa kanya. Lalo tuloy nataranta ang puso ko at biglang may pagdadalawang-isip kung ipagpapatuloy ko pa ba- o itigil nalang ang aking ginagawa-- what the fuck! Kapwa kami natigilan at mabilis syang dumistansya sa akin, nang biglang tumunog nang malakas ang aking cellphone.

            Ugh!! Kung sino ka mang istorbo, humanda ka at mapapatay kita!! Gigil ko tuloy na turan sa isip-isip ko sa sobrang inis!. Bago, napapikit nang mariin, tsaka may pangigigil na sinabunutan ang aking anit. Gamit ang mga daliri sa magkabila kong palad.

          Hindi ko rin maiwasang makaramdam nang paghihinayang, dahil pagmulat nang mga mata ko wala na si Francine sa aking harapan. Habang ang aking phone ay wala paring humpay sa pagtunog, na nasa loob nang aking bag at na naka-patong sa ibabaw nang kama.

         Urghh! Andun na e- naramdaman ko nang gumalaw ang kanyang mga labi.. Laking panghihinayang kong mariing kinagat-kagat ang aking pang-ibaba kong labi. Tsaka napapa-buga nang hangin pagkatapos, habang pinipilit kong pinapakalma ang sarili. Bago nagpasyang e-check kong sino ang istorbong tumatawag.! Mukhang wala yatang balak na ako'y tantanan.

            Muling napabuga nang hangin, bago kumilos at walang ganang kinalkal sa bag ang naturang cellphone. Tsskk! Asan na ba!? Inip ko pang sabi sa sarili dahil nahirapan ako sa paghagilap-- Si Tita Ashtrid! Singhap ko at awtomatikong napapangiwi matapos maalalang nag message pala ako sa kanya kanina.. Mukhang mabubuldyak pa yata ako nito!! Kung ano-ano pa naman ang sinasabi nang utak ko sa kanya kanina.

         "Y-yes Tita!" Taranta kung sabi. Matapos sagutin ang tawag, kahit na pilit kong pinasisigla ang aking himig. Hindi parin kasi ako maka get-over sa halik na pinagsaluhan namin ni Francine. Pinagsaluhan!? Mukhang ikaw lang naman yata itong nag-enjoy e.. Kontra naman kaagad nang isip ko.

"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon