Chapter 7

1.8K 90 4
                                    

Francine pov..

               "Malapit nang magsimula ang event, kaya huwag ka nang gumala dyan. Asikasuhin ko lang muna yung iba." Bilin sa akin nang handler kong bading na mabilis  ko namang kina tango. Bago nito hinarap ang iba kong kasamahan. 


              Napa buga ako nang hangin, tsaka naghanap nang mauupuan. Puno na dito sa loob nang dressing room kaya nagpasya akong sa labas nalang. Mataas itong suot kong heels, baka mangawit agad yung mga paa ko kapag matagal akong naka tayo.. Pag labas ko nang dressing room, may nakita akong bench at may babaeng naka upo. Mag-isa lang naman ito at mukhang abala sa kanyang cellphone.   Maluwag pa yung espasyo kaya nagsimula na akong naglakad palapit dito.


              Akmang uupo na sana, nang biglang may humatak sa akin mula sa likuran..  Naramdaman ko ang  mahigpit na paghawak sa kaliwa kong braso.  "Ouch!!"  Napa daing nalang ako sa sakit--- Althea??  Napa awang ang aking labi nang magpagsino sa kung sinong humila sa akin.


                "Anong ginagawa mo dito!? Talaga bang sinusubaybayan mo ako!"  Gigil niyang turan bago ako pabalyang binatawan.. Nang nagkaharap na kaming dalawa. Hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil kaagaad n naagaw nang atensyon ko ang  dibdib nito.Halos kalahati nalang   kasi yung natatapakpan na aking  kina singhap at kinalunok ko nang sunod sunod.


                Naka puting dress siya- hindi pala kundi nakapang bridal gown!?  I-ikakasal ba sya?  Curious na tanong nang isip ko.. Sobrang sexy nito at-- "Kinakausap kita kaya sa akin ka tumingin, huwag dyan sa dibdib ko!" Untag tuloy nito. Nag-init ang magkabila kong pisngi sa pagkapahiya, pagka tapos napa kurap kurap ang aking mga matang napa-iwas nang tingin.. "Alam kong maganda ang katawan ko, inggit ka no!" Taas kilay at halatang nang-iinis lalo.


           Humahanga lang, never ko siyang kina inggitan.  Kung alam lang nito, siya ang  inspirasyon ko kaya nagkaroon din ako nang hilig sa fashion show.. At isa ako sa mga baguhan sa larangan nang pagmomodelo.  "Masyadong m-mataas yang suot mong heels,  baka mamaya hindi maiwasang maidulas ka." Concern kong turan.


          Pansin ko kasing tumangkad siya, kaya hindi ko napigilang pasadahan ulit sya nang tingin mula taas pababa..  Ano ba kasing ginagawa niya dito?  Don't tell me- kasama din siya sa fashion show??  Oo nga no!  Bakit hindi ko iyon kaagad naisip? Kaya siya gagagihin dahil dito--Bigla akong  nakaramdam nang excitement dahil sa wakas mapapanood ko na siya. Actual ko na itong makikita kong papaano rumampa sa entablado.


              "Ano bang pakialam mo at tsaka huwag mo ngang iniiba ang usapan!." Pagtataray parin nito.  Hindi ko naman siya sinusundan e, kasali kaya ako sa event ngayong gabi--.


             "Francine let's go!!" Tawag  bigla nang handler ko sa akin. Na halos sabay pa naming kina lingon ni Althea. Napa ngiwi pa ako nang bigla ulit nitong hinawakan ang aking braso.. Isusumbong ba niya ako sa bading kong handler!? Eih,  sa w-wala naman  akong ginagawang masama.



             Sa pagkaka-alam  ko kasi, matalik na magka-ibigan ang manager ni Althea at itong may hawak sa akin.. Hindi naman halata no, halos alam ko na lahat ang buong detalye tungkol sa kanya.



              Nagpalit lipat ang tingin nitong si Althea  sa akin  at sa handler kong si Tita Rafa.   "Oh, Miss Althea Guzman!" Magiliw na bati nito nang mukhang nakilala siya nito. Mabilis pa sa alas kuwatrong nagmarcha papalit sa kinatatayuan namin. Halatang nabigla pa itong si Althea nang nagbeso si Tita Rafa sa kanya. Dahilan para mapa bitaw itong isa  sa braso ko. 


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon