Chapter 25

1.6K 76 24
                                    

Althea pov..

             Mabilis kong in-off ang tawag, pagkatapos pasimpleng ibinaba ang cellphone na nasa aking tainga. "Uhm- kamusta ang enrollment.." Tikhim kong turan. Bago napa-iwas nang tingin kay Francine. Habang walang humpay ang pagkabog nang aking dibdib.



                 "A-Althea.." Tila nag-eecho padin sa aking isipan ang baritonong boses ni Jared. Kahit hindi pa sya nagpapakilala alam kong sya iyon, kaya prinanka ko kaagad. Subalit, sya namang pagsulpot bigla ni Francine nang hindi ko man lang naagapan.



            "Ayos lang!" Hugot naman nito nang malalim na paghingang tugon.  Tapos, basta nalang akong nilagpasan na lihim kong kinapag-taka nang sandaling iyon. "Nakakapagod!" Palipad hangin pa nyang bigkas. Tapos, diretso lang sya paghakbang at tumungo sa may kuwarto.



            "Alam kong gutom ka pagdating- kaya maaga akong naghanda nang hapunan." Nangingiwi ko tuloy na wika. Bago nagpasyang sundan ito sa loob.. Halata naman kasing wala siya sa mood, dahil ba- narinig nitong kausap ko si Jared? Wala pa naman kaming napag-uusapan nang mokong na iyon, kaya handa naman akong magpaliwanag--.



           Naabutan kong saktong naghuhubad sya nang blouse habang nakatalikod. Dahilan para awtomatiko akong napalunok, pagkatapos basta nalang napapakagat nang pang-ibabang labi. Lalo na nang sinunod nitong ibinaba ang suot nyang jeans kaya panloob nalang ang natira. Na mabilis na kina-init nang aking pakiramdam, dahil ganun kalakas ang epekto nito sa akin..



           Kaya pati sa sarili ay hindi makaniwalang sobrang bilis akong ma-arouse sa kanya. At hindi maiwasang maikokompara ko talaga sya kay--.  "Busog pa ako, inaya kasi ako ni Ligaya na mag snack bago umuwi.." Tugon nito sa sinabi ko.  Habang pinapanood ko syang nagbibihis nang pambahay.



            Lihim tuloy akong napahugot nang malalim na paghinga..Paborito kasi niya yung hinanda ko, pero de bale maaga pa naman. Sakto lang yun, para sa hapunan.. Pagkuwa'y hindi ko natiis at humakbang ako papalapit sa kanya. Saktong tapos na itong magbihis nang niyakap ko sya mula sa likuran. Na kina pitlag nito, marahil ay nagulat hanggang sa narinig ko ang paghugot niya nang malalim na paghinga.



             Namiss ko sya kaagad, namiss ko yung amoy niya. Kaya lalo ko pang hinigpitan ang pagkaka-yapos ko sabay mariing pinikit ang aking mga mata.. "Althea..." Rinig kong anas niyang bigkas. Bago ko naramdaman ang paghawak nito sa braso kong nakapulupot sa tyan nito. Pagkatapos, masuyo nitong hinaplos haplos na kinasilay nang ngiti sa aking mga labi.




         Hindi maikakailang, hindi na talaga namin kayang ikubli ang aming mga nararamdaman para sa isa't isa. "Nagtatampo parin ako.." Pagkuha'y turan nito. Pagkatapos, marahan akong iginiya paharap sa kanya. Kita ko kong gaano sya kaseryoso habang nakatitig sa aking mga mata.



          Tila nahuhulan ko na ang kanyang sinasabi, kaya naman masuyo kong hinaplos ang kanyang pisngi.. "Magpapaliwag po ako.. hmn!"  Malumanay kong sabi. At mabilis na sinalubong ang kanyang mga mata.. Ibubuka ko na sana yung bibig ko, pero bigla nalang nitong siniil nang halik ang mga labi ko. 



            Napa-ungol nalang ako, tsaka mabilis na gumanti sa mga halik nito.. Sabay, marahang kumilos at ikinawit ang dalawa kong braso sa kanyang batok. At lalong kina-ungol nang maramdamang, marahas at may halong panggigigil ang bawat pagdampi  ang labi nito sa bibig ko.  Lalo na nang halos sakupin na niya nang buo ang labi ko--.



                "Ouch!" Daing ko sa isip. Nang maramdamang kinakagat kagat nito ang pang-ibaba kong labi. Pero lihim din lang akong napapangiti, matapos maisipang ganito pala kung magtampo ang babe ko. Gigil na gigil. Binitawan lang ang mga labi nang kailangan na naming sumagap nang hangin.. At masuyong pinagdikit ang aming mga noo.


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon