~Punto de Vista de la tercera persona~
Sa kaparehong gabi.
Isang binata ang makikitang nakatayo sa balkonahe ng kanyang silid, pinagmamasdan ang mga bituin sa madilim at maulap na kalangitan na tila malalim ang kanyang iniisip. Nang dahil dito ay hindi niya napansin ang isang ginang na pumasok sa kanyang silid.
“Mukhang mas malalim pa ang iniisip mo kaysa sa lalim ng gabi ngayon, Iho.”, tawag pansin ng ginang sa binata.
Mula sa pagmamasid sa kalangitan ay lumingon ang binata sa pinaggalingan ng boses at nakita niya ang isang pigura sa tapat ng kanyang nakasarang pinto.
Nakasuot ito ng isang simpleng kulay kremang baro’t saya, ang buhok nitong abot hanggang likod at may ilang mga hibla na kulay abo ay nakalugay.
Isang munting ngiti lamang ang iginawad ng binata sa taong nakamasid sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa kalangitan na ngayon ay wala ng ulap at kanyang tanaw na ang liwanag ng bilog na buwan at ng mga bituwin.
Bumuntong hininga lamang ang ginang at tumungo sa tabi ng binata at sabay nilang pinagmasdan ang paligid.
Mga lamparang nakasabit sa mga poste upang magbigay liwanag sa lahat.
Ang madalas na tahimik na gabi, ngayon ay makikita ang kasiyahan at kapayapaan sa buong bayan. Mga mamamayan na naglalakad sa kalsada, ilang mga kalesang naglalakbay at naghahatid ng kanilang mga pasahero at ang iba naman ay pauwi na sa kanilang mga pamilya, tawanan ng mga batang naglalaro at kasiyahan sa bawat bahay ang iyong maririnig.
“Nag-aalala ka ba sa mga maaaring mangyari?”, tanong ng ginang sa binata.
Tumingin ang binata sa ginang na ngayon ay nakatingin lamang sa kanya at hinihintay ang kanyang tugon.
Napayuko ang binata, “Nag-aalala po ako, Ina. Nag-aalala po ako na baka sa oras na kanyang malaman ang tungkol sa kasunduan ay kamuhian niya ako.”, bakas ang lungkot at pagkabahala sa tono ng binata.
“Danilo, alam mong hindi magagawa ni Elisa ang bagay na yan.”, pagtitiyak ng kanyang ina. “Mabait at maunawaing tao si Elisa, higit na alam mo yan. Sa paglipas ng panahon ay mauunawaan niya rin ang lahat at magiging masaya kayo sa inyong magiging pagsasama.”
Napapikit na lamang si Danilo sa pahayag ng kanyang ina. Sa pahayag ng kanyang ina ay hindi pa rin naibsan ang kanyang dinaramdam, patuloy lamang ang kanyang pag-aalala sa sitwasyon na kanilang kinalalagyan.
Oo, kanyang nalalaman na hindi ugali ni Elisa ang mamuhi sa isang tao, ngunit iba na ngayon. Matagal ng panahon ang nakalipas at hindi sa sila mga bata pa, hindi na ito isang larong bata na kanilang ginagawa nung sila ay mga bata pa, ito ay pag-iisang dibdib na.
Alam ng binata kung gaano kahalaga ang pakikipag-isang dibdib para kay Elisa, alam niya kung paano ito pinangarap ng dalaga at kung ano ang mga naging kahilingan nito tungkol dito at ang kanilang sitwasyon ay hindi isa sa mga pinangarap ng dalaga.
Nang walang nadinig na tugon ang ginang mula sa kanyang anak ay isang buntong hinga ang kanyang pinakawalan at tuluyan ng iniwan ang binata sa kanyang silid.
Matagal ng alam ni Danilo ang tungkol sa kasunduan, labing-walong taong gulang pa lamang siya ng sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang at ni Señor de Silva ang tungkol dito.
Lubos ang kanyang gulat ng kanyang malaman ang tungkol dito ngunit labis din ang kanyang kagalakan. Matagal ng may gusto ang binata para kay Elisa kaya naman ay walang mapag-sidlan ang kanyang kagalakan ng malaman ito. Simula pagkabata pa lamang ay may lihim na siyang pagtingin sa dalaga, hindi lamang sa angking kagandahan nito kundi pati narin sa kabutihang taglay nito.
Ngunit kasiyahang kanyang nadama ay unti-unting napalitan ng pag-aalala at pangamba sa kadahilanang baka hindi siya tanggapin ng dalaga bilang kanyang magiging kabiyak. Pangamba at pag-aalala na baka magalit at ipagtabuyan siya ng dalaga.
Pangambang baka siya ay kamuhian ng babaeng kanyang pinapangarap at takot na baka hindi siya mahalin ng pinakamamahal niya.
Pangamba at pag-aalalang baka huli na ang lahat para sa kanya, na baka may ibang iniibig ang dalaga.
“Sana nga…”
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...