~Isabel Feliciano~
Matiyaga akong naghihintay para sa kanilang pagbabalik, dito sa aming bayan na matahimik. Sa aking kapatid na aking pinapahalagahan at para naman sa aking sinta na ako ay pinangakuan.
Sa aking sinta na aking lubos na mahal, panalangin sa Diyos na sana siya ay maging ligtas, sa malayong lugar sila ay tutungo, hiling na sana siya ay magbalik sa akin.
Tapat at lubos ang pagmamahal ko sa kanya at sana ay ganoon din siya. Sintang malayo ang kanyang pupuntahan, baon niya ang puso kong sana ay kanyang pangalagaan.
Aking hawak sa aking puso ang pangakong siya ay babalik at ako lamang ang kanyang mamahalin, patuloy na aking sinasambit sa aking puso't isipan.
Madalas na ako'y nakatingin sa labas ng aking bintana, nakatanlaw sa malayo hinihintay ang kanilang pagbabalik...mas lalo na ang kanyang pagbabalik.
Mahal ko sana ang iyong pangako ay iyong tuparin dahil kahit isang maling pitik lamang ng iyong desisyon ang gawin, puso ko ay mawawasak at madudurog ng ilang ulit.
Hawak ang isang rosaryo sa aking kamay, panalangin ang inyong kaligtasan, pinagmamasdan ang singsing na simbolo ng iyong mga pangako, inaasahan ang iyong pagbabalik na iyong pinangako sa akin.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...