~Punto de Vista de Elisa~
Nang tuluyan ng mawala ang pag-aalala sa aking dibdib ay nag-kwentuhan na lamang kami ni Danilo ng aming mga alaala nung kami ay mga bata pa, ngunit ay hindi rin iyon nagtagal at bumalik din kami kung saan ginaganap ang salu-salo sa kadahilanang baka kami ay hinahanap na ng mga nakakatanda.
Ngayon ay naka-upo na muli kami ni Danilo sa aming mga dating pwesto sa hapag-kainan at ngayon ay binabalitaan kami ng mga nakatatanda tungkol sa kanilang mga napag-usapan tungkol sa kasal.
“Aming napag-desisyunan na gaganapin ang inyong pag-iisang dibdib sa parokya ng San Agustin sa Intramuros ng Maynila.”, pagbibigay alam ni Ama sa amin.
Aking nakita na marahang tumango ang ibang mga nakatatanda sa kanyang sinabi bilang tanda ng pagsang-ayon ng mga ito.
Marahang umubo si Señor Crisostomo na nakapag-pabaling ng aking atensyon sa kanya, “At gaya ng unang napag-usapan ay gaganapin ang selebrasyon sa iyong ika-dalawampu’t limang kaarawan, Elisa, sa susunod na taon.” , seryosong pahayag ng ginoo sa akin.
Tumango na lamang ako sa kanila at ngumiti ng tipid.
“Amin ding napag-usapan na sa susunod na taon, pagkatapos ng selebrasyon ng bagong taon tayo ay maghahanda na ng inyong susuotin para sa kasal ninyo.” , magiliw na pahayag ni Señora Leonora na sinang-ayunan naman ni Ina at ngayon ay inumpisahan na nila ang pag-uusap tungkol dito.
Puno ng tawanan ang paligid dahil sa kasiyahang namumuo sa bawat tao, dahil dito ay hindi ko na rin naiwasan ang maki-isa sa kanilang mga pag-uusap ng may ngiti sa aking mga labi.
Aking napansin na nakatitig sa akin si Danilo kaya ito ay aking nginitian na siya rin namang kanyang ginantihan. Kita ko sa kanyang mga mata ang saya na kanyang nadarama at sigla sa kanyang mga kilos, ang mga nakatatanda naman ay kita rin ang galak sa kanilang mga tawanan at pakikipag-usap sa isa’t isa.
Hindi nagtagal ay kinailangan ng umalis ng mga Bartolome upang bumalik na sa kanilang tahanan dahil na rin sa paglalim ng gabi. Narito kami ngayon sa harap ng señorìo at hinihintay ang karwahe ng mga Bartolome na maghahatid sa kanila pauwi.
Ilang sandali lamang ay nakita naming lahat na papalapit na ang karwahe at huminto sa harap naming lahat at binuksan ng kutsero ang pinto nito.
Nakita ng aking mga mata na ang mga nakatatanda na nagpapa-alam na sa isa’t isa, si Señor Crisostomo at si Ama ay nagkamayan ng may ngiti sa kanilang mga labi, sina Señora Leonora at Ina naman ay nagyakapan at inilapat ang pisngi ng bawat isa sa kanilang mga sarili at nagtawanan.
Ang aking akala ay papasok na sa kanilang karwahe ang mga nakatatandang Bartolome ng lumapit sa aking tapat si Señora Leonora.
Marahan akong yumukod dito ngunit ako’y nagulat nang kanya akong niyakap ng mahigpit, ilang sandali lamang ay kumalas na siya sa kanyang yakap sa akin ngunit ang kanyang mga kamay parin ay nakahawak sa aking magkabilang mga braso.
Ngumiti ito sa akin ng malapad at ang kanyang mga tingin na iginawad sa akin ay parang may hinihintay.
Ngumiti ako ng alanganin sa kanya, “Señora Leonora?”, pagtawag ko sa kanya. Aking nakita na pagkatapos kong banggitin ang aking sinabi ay bigla na lamang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at ang kislap ng kanyang mga mata ay biglang nawala at ito ay napalitan ng pagkadismaya at pagtatampo.
Sa kanyang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ay hindi ko maiwasan ang pagtataka, akin namang nakita ang pag-ngiti ng aking mga magulang kasama si Señor Crisostomo na may ngiti sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa amin habang si Danilo naman na nasa likod ni Señora Leonora ay mahahawig ang kanyang ekspresyon sa aking sarili.
“Elisa, hindi iyan ang tama kundi ay “Mama”, sa sinabing ito ni Señora Leonora ay ang kaninang pagtataka na aking nadarama ay napalitan ng pagkagulat.
“ “M-Mama”? “ , pagku-kumpirma ko rito at kita ko ang pagtango ng ginang sa akin.
“Tama, Mama na dapat ngayon ang itawag sa akin, anak.”, at kanyang hinaplos ang aking mukha. Lumingon ako ng tingin sa kanila Ama’t Ina at aking nakita ang kanilang pagtango sa aking gawi.
“M—Masusunod po, Seño—Mama.” , nahihiya kong tugon dito. Kita ko ang pagbalik ng sigla sa kanyang mukha, ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi at ang kislap ng kanyang mga mata at ako ay niyakap ulit ako nito ng mahigpit na akin ding ginantihan.
Kumalas na ito sa kanyang yakap sa akin at marahan muling hinaplos ang aking mukha.
“Kung gayon ang ibig sabihin nito ay “Papa” na ang itatawag mo sa akin, Elisa.” , nabaling ang aking atensyon kay Señor Crisostomo at kita ko sa kanya ang kaparehong malawak na ngiti at kislap ng mga mata na taglay ni Seño—Mama.
“O—Opo, Pa—Papa.”, sa aking nakita ay aking nakita ang mas paglawak ng ngiti ni Papa.
Pagkatapos nito ay muling nagpaalam sina Señor at Señora Bartolome sakanila Ama’t Ina at tuluyan ng pumasok sa loob ng karwahe. Aking sinundan lamang sila ng ngiti habang may ngiti sa aking mga labi.
“Elisa.”, muli ay may marahang tinig ang tumawag sa aking pangalan at paglingon ko sa pinanggalingan nito ay nakita ko si Danilo sa aking harapan.
Aking siyang nginitian at aking hinihintay ang kanyang mga susunod na sasabihin.
“Hmmm.”, aking tugon sa kanya dahil sa hindi nito muling pagsasalita.
Marahang umiling ang ginoo at ako ay kanyang ginawaran ng munting ngiti lamang.
“Hanggang sa susunod, binibini. Hiling ko sana ay maging maayos ang iyong gabi.”, kanyang pahayag at maingat na kinuha ang aking kanang kamay at yumukod at ipinikit ang kanyang mga mata at inilapit ang aking kamay sa kanyang mga labi at ito ay dinampian ng munting halik. Pagkatapos niya itong gawin ay tumuwid na ito ng kanyang tindig at ng hindi parin binibitawan ang aking kamay.
“At sa iyo rin, Ginoo.”, aking tugon sa kanya.
Kanya ng binitawan ang aking kamay at tumalikod na sa akin at tumungo na sa gawi nina Ama’t Ina upang sa kanila ay magpaalam at pumasok na sa loob ng karwaheng naghihintay.
Sa kanyang pagpasok ay isinara na ng naghihintay na kutsero ang pinto ng karwhe at madali na tumungo sa kanyang pwesto sa harap ng sasakyan upang kanya na itong paandarin. Marahan niyang ipinitik ang lubid na kanyang hawak na nakakabit sa kabayo sa harap ng karwahe at ito na ay nagsimulang umandar.
Aming sinundan ng aming mga tingin ang papalayong karwahe, at nang ito’y tuluyan ng mawala sa aming mga paningin ay pumasok na kami sa loob ng señorìo. Kami ay dumaretso na ng tungo sa hagdan na magdadala sa amin sa ikalawang palapag at nang kami ay nasa mataas ng bahagi ng hagdan ay nagpaalam na sina Ama’t Ina sa akin na sila ay tutungo na sa kanilang silid upang magpahinga at ganoon din ako. Sila ay tumungo na sa kanang bahagi ng palapag kung nansaan ang kanilang silid habang ako naman ay sa kaliwa.
Pagpasok ko ng silid ay aking nakita ang isang bagay na nakapatong sa aking higaan. Paglapit ko rito ay aking mas naaninag ito ay napag-alamang ito ang bungkos ng bulaklak na bigay sa akin ni Danilo.
Ito ay aking kinuha at inilapit sa aking mukha upang amuyin ang mabangong halimuyak nito. Nang akin itong maamoy ay napangiti na lamang ako ng may lungkot habang iniisip ang simbolong hatid ng mga bulaklak na ito.
“Pulang rosas...pag-ibig.”
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...