~Punto de Vista de Carlo~
Tirik na tirik at sadyang nakakasilaw ang sinag ng araw mula sa aking kinatatayuan, ngunit kung gaano kainit ang sinag ng araw ay siya namang kay lamig ng simoy ng hangin.
Matapos ang tagpong nangyari kagabi ay hindi na napawi pa ang kabang aking nadarama.
Muli ay aking naalala ang mga salitang binitawan ng señor matapos na ipahayag sa kanya ng heneral ang kanyang tunay na dahilan ng pagdalaw.
‘Kung sila ay hindi pa natuto noong panahong sinakop at pinamunuan tayo ng Espanya ay wala akong ibang masasabi kundi sila ay mga mangmang.’
Matapos na kanyang sabihin ang mga katagang iyon ay binalot ng tensyon ang buong silid na aming kinalalagakan, naputol lamang iyon nang biglang bumukas ang pinto ng silid at doon namin nakita ang señora na may bakas ng pagka-bahala ang kanyang mukha.
Agad siyang lumapit sa kanyang asawa ng hindi manlang kami tinatapunan ng kanyang pansin na pawang hindi niya napapansin ang nasa kanyang paligid.
Pagpasok ng señora sa silid ay agad kami noong sinenyasan ng heneral na kami ay umuna na ni Juan, ganoon nga ang aming ginawa at kami’y dumaretso na sa aming tinutuluyan.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking naalala at yumuko upang pagmasdan ang bulaklak ng pulang rosas na aking hawak. Nabighani ako sa gandang taglay nito at hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi ito pitasin.
Mula sa aking pagtingin sa bulaklak na aking hawak ay napalingon ako sa aking bandang likuran nung ako’y makarinig ng mahinang pagsinghap.
Sa aking paglingon ay agad na tumambad sa aking paningin ang isang binibini, binibini na kahapon lamang ay aking nakita dito sa mismong aking kinatatayuan, ang binibini na maaaring nagmamay-ari ng payneta na aking nakita, ang binibini na kilala bilang si Señorita Elisa de Silva.
Agad humarap at yumukod, “Señorita.”
Aking napansin na ganito rin ang kanyang ginawa, “Kapitan Natividad.”
Kapwa kami sabay na umayos ng aming mga tindig.
“Paki-usap, ginoo na lamang ang iyong itawag sa akin, Señorita. Wala tayo sa digmaan upang ako’y iyong tawagin sa aking ranggo.”, sa aking sinabi ay aking nakita ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang mga labi ngunit ito’y bigla ring nawala at aking napansin na ang kaninang mapayapa niyang mukha ay napalitan ng pagka-bahala.
“Paumanhin, Ginoo, kung akin lamang nalalaman na may iba palang tao rito ay hindi na sana ako tumuloy pa.”, hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na sagutin pa ang kanyang sinabi ng bigla itong yumukod at tumalikod at saka nagmamadaling umalis.
Ngunit hindi pa ito nakaka-limang hakbang ay akin na lamang narinig ang kanyang pagtili at nakita ko na lamang siyang naka-upo sa lupa.
Madali akong lumapit sa kanyang harapan at inilahad ang aking kamay upang siya sana’y tulungan ngunit hindi niya ito inabot dahil sa ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang mukha.
Umubo ako ng mahina upang aking makuha ang kanyang atensyon at aking nakita ang madahan na paghiwalay ng kanyang mga kamay upang sumilip sa siwang na likha nito.
Sa kanyang ginawa ay aking naramdaman ang simbuyo ng pagtawa ngunit ito ay aking pinigilan at ngumiti na lamang sa kanya.
“Nakikita kita ginoo at ang aking tanging payo lamang sa iyo na huwag ng mong itutuloy pa ang pagtawa na iyong nararamdaman.”, may pagbabantang sambit ng señorita mula parin sa siwang ng kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha.
Sa kanyang sinabi ay hindi ko napigilan ang pagkawala ng mahinang tawa mula sa aking mga labi at dahil dito ay marahas niyang na tinanggal ang pagkakatakip ng kanyang mga kamay mula sa kanyang mukha at pinag-krus ang mga ito sa kanyang dibdib.
Sa kanyang ginawa ay aking malayang nakita ang pamumula ng kanyang buong mukha, ang kanyang mga mata na hindi makatingin sa akin, ang pagkaka-kunot ng kanyang noo, ang kanyang maliit na ilong na minsanang lumalaki marahil ay sa galit at ang kanyang mga labi na matulis pa sa kutsilyo dahil sa pagkaka-nguso.
Sa isiping iyon ay mas lalo akong natawa dahilang ng paggawad nito sa aking ng kanyang tingin na matalim.
Muli ay umubo ako ng mahina at aking mas inilahad sa kanya ang aking kamay sa kanyang harapan.
“Señorita.”, at aking itinuro ang aking kamay na nakalahad sa kanyang harapan gamit ang aking mata. Hindi naman ako nabigo dahil aking nakita na kanya itong tinignan ngunit kanya parin itong hindi tinatanggap.
“Señorita, hindi ho ninyo ata nalalaman na ang lupa ay basa at madulas resulta ng pag-ambon kagabi hanggang kaninang madaling araw.”, sa aking sinabi ay wala pa rin itong naging kibo.
Ngumiti ako rito at, “Kahit na sa aking paningin ay mukhang kayo’y nasisiyahan sa inyong pag-upo sa lupa ay aking ikinalulungkot na sabihin na hindi ho kayo maaaring manatili diyan sa kadahilanang ang inyong kasuotan ay narurumihan na.”
Sa aking sinabi ay mas lalong lumalim ang pagkaka-kunot ng kanyang noo na mas lalong ikinalapad ng aking ngiti.
Narinig ko ang pag-ismid nito sa akin ngunit sa kabila nito ay kanya ng inabot ang aking kamay at siya ay akin ng inalalayan sa kanyang pagtayo.
Nang kanyang maisa-ayos ang kanyang tindig ay tumingin ito sa akin ng hindi manlang kakikitaan ng kahit na anong ngiti sa mukha, ito ay seryoso.
Sa kanyang ekspresyon na iginagawad sa akin ay akin ng pinagsisisihan ang aking ginawang pagtawa kanina, ito’y katulad ni Señor Edgardo nung siya ay aking nakitang seryoso gayun din ang sa Heneral Almario, nakaka-bahala.
Agad kong kinuha ang aking panyolito sa aking bulsa at ito’y aking inihandog sa kanya, na kanya lamang itong sandaling tinitigan at muling ibinalik ang kanyang tingin sa akin.
“Ginoo.”, banggit niya na hindi manlang kakikitaan ng kahit na anong emosyon.
“Señorita.”, may pag-aalinlangang aking tugon.
Ngunit imbis na galit ang aking makita sa kanyang mukha ay bigla itong ngumiti.
“Elisa, Ginoo. Elisa ang aking pangalan.”
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
Storie d'amoreSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...