~Punto de Vista de Carlo~
Kusang ako’y napatuwid ng aking tindig sa aking pagmamasid.
Nabalik lamang ako sa reyalidad nang siya ay tuluyan ng mawala sa aking paningin at nakapasok na sa kakahuyan. Sa kaganapang ito ay madali akong lumabas ng aking silid at ng casa, sa aking pagmamadali ay hindi ko na nagawa pang makapag-paalam kay Juan at tuloy-tuloy lamang ako paglalakad hanggang sa ako’y matapat sa bukana ng kakahuyan, sa bahagi kung saan ko nakita na pumasok ang binibini.
Sa aking pagtapat sa bukana ng kakahuyan ay hindi ko na nakita ang binibini, ngunit sa aking pagyuko ay aking napansin ang mga hawing nagtataasang damo, tanda na ito ay madalas gawing daanan.
Lumingon muna ako sa paligid at nang aking matiyak na walang kung anuman sa paligid ay aking tinahak na ang daan.
May kalayuan ang lakarin na aking tinatahak at mahahalata na ang daan na ito ay patungo sa pinaka-pusod ng kakahuyan dahil sa dami ng puno sa paligid na nagiging dahilan ng bahagyang pagdilim ng paligid dahil sa halos hindi makatagos ang sinag ng araw sa mga dahon nito.
Sandali akong tumigil sa paglalakad at napabuntong-hinga na lamang.
‘Walang patutunguhan ito.’, sa aking isipan.
Aking balak na sanang tumalikod at bumalik sa aking pinanggalingan ng aking mapagtanto na walang maaaring patutunguhan ang aking ginagawang paghahanap sa gitna ng kakahuyan ngunit ito ay naudlot nang mahagip ng aking mga mata ang isang bahagi ng kakahuyan kung saan maliwanag.
Lumakad ako parteng iyon at doon ay aking nakita ang binibini.
Siya ay nakatayo sa isang gilid malapit sa mga bulaklak malayo mula sa aking kinatatayuan. Ang kanyang mukha ay hindi ko labis na mapagmasdan sapagka’t siya ay nakatalikod sa akin ngunit sapat na ang liwanag na nagmumula sa gitnang bahagi ng lugar kung saan malayang nakatatagos ang sikat ng araw upang siya ay aking mapagmasdan.
Sandali kong inialis ang aking tingin sa kanya at pinagmasdan ang paligid. Ang lugar na ito ay hindi tulad ng nasa paligid nito, ang mga puno ay nasa gilid at pawang nakahugis sirkulo, kasama ng mga puno na nakahilera sa gilid ay ang mga halaman na nagtataglay ng iba't ibang klase ng mga bulaklak, ang gitnang bahagi ay malinis at walang kakikitaan na mataas na damo, at sa isang gilid ay doon ko nakita ang isang lamesang bilog at ilang mga upuan.
Muli ay aking ibinalik ang aking paningin sa binibini na ngayon ay nakatalikod sa akin habang kanyang pinagmamasdan ang mga bulaklak, ngunit siya ngayon ay naka-yuko ng lubusan at pawang pinagmamasdan ng mabuti ang mga bulaklak.
Napahawak ako sa aking baywang, yumuko at marahang umiling.
“Ano bang ginagawa ko rito?”, mahinang tanong sa aking sarili.
Sandaling aking ibinalik ang aking tingin sa binibini at ngumiti sa aking sarili, matapos nito ay tumalikod na ako’t lumakad upang bumalik palabas ng kakahuyan, ngunit sa hindi inaasahan ay naka-apak ako ng isang maliit na kahoy at ito ay lumikha ng tunog.
“Sino ang nariyan?”, isang mahinang tinig ang aking narinig mula sa likurang bahagi.
Napalingon ako sa pinanggalingan nito at doon ay aking natanaw ang mukha ng binibini na pawang pilit na tinatanaw ang nasa kanyang paligid.
Marahil ay hindi ako nito nakikita sa kadahilanang ang aking kinapu-pwestuhan ay may sa kadiliman.
Sa isiping maaaring hindi niya nalalaman na may ibang tao rito ay pumasok sa aking isipan ang desisyon na umalis na lamang, dahil kung ako ay magpapakita pa sa kanya ay malamang na baka siya ay matakot lamang sa aking presensya at kung sakali na may ibang tao man ang maaaring makakita sa amin ay magdudulot lamang ito ng hindi pagkaka-unawaan.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...