~Punto de Vista de Elisa~
Tanaw ang mga matatayog na gusali, mga taong abala para sa kanilang umpisahan ang kanilang araw, mga batang naglalaro sa kanilang mga kapwa bata, mga tindahang puno ng kanilang mga panindang ibinabahagi para sa mga tao sa paligid.
Ganitong tanawin ang makikita mula sa umaandar na karwahe na aming sinasakyan, kasama ko sina Ina at Señora Leonora upang tumungo sa isang kilalang modista sa aming bayan.
Tama, ika-7 na ng Enero ngayon taon ng 1898.
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay kanilang naisipan na ngayon ang tamang araw at panahon upang magpunta sa isang modista para magpagawa ng aking susuotin para sa araw ng kasal sa Abril.
“Ayos ka lang ba, anak?”, dinig kong tanong sa akin ni Ina na dahilan ng aking pagtingin sa kanya mula sa tanawin sa labas.
Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala at gayon din kay Señora Leonora. Hindi ko manlang napansin ang kanilang biglang pagtahimik mula sa kanilang kwentuhan.
Ngumiti ako sa kanila, “Opo.”, tipid kong tugon sa kanila at muling ibinalik ang aking tingin sa labas.
“Kung iyong gusto ay pwede naman natin itong ipagpaliban na muna, iha.”, si Señora Leonora. Sa sinabing ito ay agad kong ibinaling muli sa kanila ang aking atensyon at marahas na umiling at ikunumpas ang aking mga kamay sa aking harapan kasabay ng aking pag-iling.
“Hindi po, ako po ay inyong pagpasensyahan. Ayos lang po ako, ako po ay may iniisip lamang.”
“Maaari ko ba naming malaman kung ano ang iyong iniisip na nagdudulot ng iyong pagtahimik.” , si Ina.
“A-Ahmm.” , at napayuko na lamang.
“Elisa, ako ay nag-aalala para sa iyo. ”,dinig ko ang pag-aalala sa tinig ni Ina. , “Simula nung gabi ng pasko ay ganyan ka na hanggang sa ngayon, nung bagong taon din ay sobra ang iyong pagiging tahimik. Maski si Danilo ay iyong hindi masyadong pinapansin.” , sa sinabing ito ni Ina ay napatingin ako kanyang gawi at kita naman talaga sa kanyang mga mata ang kanyang lubusang pag-aalala.
Nakita ko na hinagod ni Señora Leonora ang likod ni Ina upang ito ay kumalma, “Elena, sigurado naman akong mabuti ang kalagayan ni Elisa.”, at ito ay tumingin at ngumiti na akin ding ginantihan at tumango. "Malamang ay kinakabahan lamang siya sa mga maaaring mangyari.”, pahayag ni Señora Leonora na hindi ko maintindihan ang kahulugan kung kaya’t itinuon ko sa kanya ang aking atensyon at ganoon din si Ina na ngayon ay maaliwalas na ang mukha.
“Tama ka nga, Leonora.”, tugon ni Ina sa kanya na mas lalong nakapag-pagulo sa akin.
Ilang sandali lamang ay nagtawanan sila at bumalik sa kanilang kwentuhan. Napangiti na lamang ako sa kanila at muling ibinaling ang aking atensyon sa labas at tinanaw ang mga tanawin sa paligid.
Nang aking muling maisip ang kaninang sinabi ni Ina tungkol sa akin pananahimik ay napabuntong-hininga na lamang ako at muling binalikan ang naging sanhi nito.
*Pagbabalik-tanaw*
Gabi matapos ang salu-salo para sa Noche Buena ay narito ako sa aking silid at hawak ang isang bungkos ng pulang rosas na bigay sa akin ni Danilo.
Ilang minuto ko itong pinagmamasdan nang ako ay makadinig ng mga mahihinang katok mula sa aking pinto.
“Adelante.”, aking pagbibigay persmiso sa tao upang siya ay pumasok.
Aking nakita na si Amelia pala ang taong nasa likod ng pinto at siya ay pumasok ng aking silid at maingat na sinara ang pinto sa nang siya ay tuluyan ng makapasok.
Aking napansin na ang kanyang mga titig ay nakapako sa bulaklak na aking hawak.
Ito ay aking ginawang senyales upang magtungo sa maliit na kalsunsilyo sa tabi ng aking higaan kung saan nakapatong ang isang maliit na plorera at doon ay inayos ang mga bulaklak.
Pagkatapos ko itong gawin ay muli ay tumingin ako sa kanyang gawi at akin pa ring pansin na ang kanyang tingin ay nakapako magpa-hanggang ngayon ay nasa mga bulaklak.
“Amelia?”, aking tawag pansin sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagtingin na sa akin at siya ay ngumiti.
Siya ay lumapit sa akin upang ako ay tulungang tanggalin ang pang-labas na patong ng aking Maria Clara at ang tanging natira na lamang ay ang kamisa na siyang aking pantulog at ngayon ay kanyang sinusuklayan ang aking kulot na buhok gamit ang payneta.
Tahimik lamang kami habang kanya itong ginagawa at nang siya ay matapos na ay umamba na siyang aalis nang siya’y huminto malapit sa pinto at humarap sa akin.
“May problema ba?”, aking tanong sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas ngunit ako ay walang nakuhang sagot mula sa kanya.
Ang kanyang ginagawang ito ay talagang nakakapanibago sa akin, ngayon ko lamang siyang nakitang ganito ang kanyang mga kilos.
“Amelia?”, tawag ko ulit sa kanyang panglan pero katulad kanina ay hindi niya muli ako tinugon na nagpa-kaba sa akin at ako’y lumapit sa kanyang kinatatayuan.
“Amelia.”, muli kong tawag sa kanya nang ako ay makalapit na sa kanya at ngayon ay aking nakita ang kanyang pagka-gitla na animo’y bigla siyang nabalik sa reyalidad.
“Paumanhin, Elisa.”, sa mahinang tinig na tugon sa akin.
“May bumabagabag ba sa iyo?”, aking tanong sa kanya.
Marahan lamang siyang umiling at ngumiti ng munti at tuluyan ng nagpaalam sa akin nang gabing iyon.
*Kasalukuyan*
Hanggang ngayon ay akin pa ring hindi malaman kung ano ang bumabagabag sa kanyang isip dahil matapos ng tagpong iyon ay umasta si Amelia na parang walang nangyari nang gabing iyon. Kapag siya naman ay aking tinatanong patungkol sa gabing iyon ay iniiba na niya lamang ang paksa ng usapan.
Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa lugar ng aming pakay at binuksan na ng kutsero ang pinto ng karwahe at kami ay inalalayang makababa.
Ako ay nagpasalamat sa kanya at sinundan na sina Ina at Señora Leonora papasok sa isang gawaan ng mga pananamit. Sa labas ng tindahang ito ay makikita na ang harap nito ay puro salamin kung saan maaaring makita ang loob ng tindahan at sa tapat ng mga salamin nito ay doon naka-tanghal ang mga naggagandahang mga damit na gawa ng may-ari ng pagawaan.
Ako ay tuluyan ng pumasok ng paggawaan at doon ay nakita ko sina Ina at Señora Leonora na kausap ang modista at sila ay tumingin sa akin.
Ako ay ngumiti ng lamang ng munti at lumapit na sa kanilang pwesto.
“Magandang umaga sa iyo, Señorita, ako nga pala Dolores.”, pagpapakilala sa akin ng ginang.
“Magandang umaga rin ho sa inyo, Elisa na lamang po.”
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...