XV

18 2 0
                                    

~Punto de Vista de Elisa~

"Ako ay hindi na makapag-hintay sa kung ano ang magiging kalalabasan ng iyong damit, Elisa.", napangiti ako dahil sa giliw ni Señora Leonora o Mama sa kanyang sinabi.

Narito kami ngayon at papasok sa señorio ng mga Bartolome upang ihatid si Mama sa kanila. Katulad ng aming señorio ay may nakahilerang mga puno sa gilid ng daan patungo sa entrada ng kanila lupain at pagpasok ay puno ng mga bulaklak ang paligid ang kaibahan nga lang ay mas malaki ang kanila señorio.

Ilang saglit lamang ay huminto na kami sa tapat ng kanila señorio at bumakas ang pinto ng karwahe.

Naunang lumabas si Señora Leonora at sumunod naman kami ni Ina. Sa aking paglabas ay aking nakita na nakatayo at naghihintay roon ang sina Señor Crisostomo at Danilo.

Nginitian ako ni Danilo na siya namang ginantihan ko.

"Maligayang pagbabalik, Mahal." , agad na salubong ni Señor Crisostomo sa asawa. Agad namang lumapit sa kanya si Señora Leonora at ngumiti ng malaki sa kay Señor Crisostomo at may sinabi.

"Naging masaya ba ang inyong lakad mga binibini?" , tanong sa amin ng Señor.

"Oo at naging maayos din ito." , si Ina ang sumagot.

"Oo, mahal. Tulad nga ng sinabi ko kanina rito kay Elena ay hindi na ako makapg-hintay sa kung ano kalalabasan ng susuotin ni Elisa." , tumatawa pa nitong turan na ikinatawa na rin ni Señor Crisostomo.

"Ako nga rin ay hindi na makapaghintay parang gusto ko na ngang pagmadaliin ang modista sa paggawa.", tumatawa ring turan ni Ina.

Dahil sa kanilang sinabi ay hindi ko maiwasan na dapuan ng hiya at pamulahan ng pisngi.

Tumawa pang lalo si Señor Crisostomo.

"Pagpasensyahan mo na ang iyong Mama, Elisa at talagang kami ay natutuwa lamang at nasasabik dahil iyo namang nalalaman na nag-iisang anak na lalaki namin si Danilo kaya sabik kami sa anak na babae." , naka-ngiting turan sa akin ni Señor Crisostomo na sinang-ayunan agad ni Señora Leonora.

"Ganyan din kami ni Edgardo, sabik sa anak na lalaki dahil ito rin si Elisa ay nag-iisang anak naming babae." , si Ina.

"Hay, kaya dapat kayong dalawa Danilo at Elisa bigyan ninyo kami agad ng mga apo ha."

Bigla na lamang akong napatingin sa naging pahayag ni Señora Leonora at aking nakita na parang wala lang sa kanya ang kanyang sinabi. Nakita ko rin na muli ay sinang-ayunan nina Señor Crisostomo at Ina ang sinabi ni Señora Leonora.

'A-apo?'

Bigla na lamang akong napayuko muli dahil sa hiya at upang akin ding itago ang pamumula ng akin pisngi.

Narinig kong tumawa ng malakas si Señor Crisostomo at ang mahinang pagtawa ng mga ginang ngunit wala akong lakas ng loob na iangat ang aking tingin dahil parin sa hiyang aking nararamdaman.

"Danilo, napaka-pula ng iyong mukha. Aba'y kaunti na lamang ay mukha ka ng kamatis dahil sa iyong pamumula."

Dahil sa sinabing iyon ni Señor Crisostomo ay bigla na lamang akong napa-angat ng tingin at aking pinagmasdan si Danilo at totoo nga ang sinabi ni Ama nito. Sobrang pula ng mukha ni Danilo, ang kanyang buong mukha, tainga at leeg ay namumula at kung siya ay iyong pagmamasdang mabuti ay may mga makikita kang namumuong butil ng pawis sa kanyang noo.

Si Danilo ay hindi makatingin sa amin at nakatingin lamang ito sa ibang direksyon na mahahalatang siya ay nag-iiwas ng tingin mula sa amin.

"Ayos ka lang ba, Danilo?", hindi ko maiwasang mag-alala muli sa kanya dahil ganitong ganito ang kanyang mukha nung gabi ng pasko.

"Ha?"

Sa ginawang tugon ni Danilo ay mas lumakas ang tawanan ng mga matatanda na pawa bang sila ay aliw na alis sa mga nangyayari at dahil naman din dito ay lalong namula ang mapula ng mukha ni Danilo na akin namang ipinagtaka.

Nahawa na lamang ako sa kanila sa kanilang pagtawa dahil sa ginawang patuloy na panunukso ni Señor Crisostomo kay Danilo.

Sa gitna ng mga kaganapang ito ay may narinig kaming tunog ng yapak ng isang kabayo na papalapit sa aming pwesto kaya natigil ang kasiyahang nagaganap at nagawi ang aming atensyon sa isang lalaki sakay ang kanyang kabayo na papalapit sa aming pwesto.

Pagtapat nito sa amin ay aking namukhaan na si Ramil pala ang taong sakay ng kabayo, ang mensahero namin. Dali-dali itong bumaba mula sa kabayong kanyang sinasakyan at lumapit sa amin, ito ay yumukod at bumati sa amin.

"Paggalang po sa inyong lahat, Señor at Señora Bartolome, Señora Elena, Señorita Elisa at Señorito Danilo. Paumanhin po sa inyong lahat kung kayo po ay aking naistorbo.", muli ay yumukod ito at pagkatapos nito ay humurap siya kay Ina at may inilabas na carta. "Pinabibigay po sa inyo ni Señor Edgardo, Señora."

Nagpasalamat si Ina kay Ramil at nagpa-umanhin sa mga Bartolome atsaka ay binuksan ang carta at ito ay kanyang binasa.

Hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Ina habang siya ay nagbabasa ngunit bandang huli ay kita ang kinang sa kanyang mga mata at may munting ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Pagkatapos magbasa ay tiniklop niyang muli ang carta sa orihinal nitong tiklop at humarap sa mga Bartolome.

"Ano raw ang kanyang batid?", tanong ni Señora Leonora.

"Paumanhin sa inyo, Crisostomo, Leonora pati narin sa iyo Danilo ngunit kailangan na naming umuwi ni Elisa."

"Bakit, ngunit hindi pa kayo nagtatagal dito ni Elisa." , malungkot na pahayag ni Señora Leonora.

"Paumanhin, Leonora, ngunit nabanggit ni Edgardo sa carta na sumulat ang aking kapatid na baka ito raw dumalaw." , hindi maitago ni Ina ang kanyang kasiyahan sa kanyang sinabi.

"Ahh, si Emir.", banggit ni Señor Crisostomo.

Tama, hindi naman mahirap hulaan kung sino ang kapatid ni Ina ang darating dahil silang dalawa lang naman ni Tiyo Emir ang magkapatid at si Tiyo Emir ang panganay sa kanilang dalawa. Ang dahilan kung bakit gustong umuwi agad ni Ina ay upang maghanda sa posibleng pagdating ni Tiyo Emir na maaring ngayon o sa mga susunod na araw, hilig kasi ni Tiyo Emir ang hindi pagsabi kung kailan ito dadalaw basta na lamang itong magpapadala ng carta na nagsasabing siya ay dadalaw ngunit walang nakahayag na eksaktong petsa kung kailan ang kanyang pagdating.

Natawa na lamang ako sa aking naisip dahil ang ganitong ugali ni Tiyo Emir ay hindi bagay sa propesyon na kanyang kinuha at ngayon sa aking pagkaka-alam ay namamalagi at nakadestino si Tiyo Emir sa bayan ng San Rafael sa Bulacan.

Aking nakita ang pagtango ni Ina kay Señor Crisostomo ng may ngiti sa kanyang mga labi.

"Oo nga at kailangan niyo ng umuwi ni Elisa lalo na't ang pagdalaw ni Emir ang ating pinag-uusapan." , muling sabi ni Señor Crisostomo na dahilan ng muling pagtawa ng mga nakatatanda na siya na ring aking ikinatawa.

Ilang sandali lamang ay nagpaalam na kami ni Ina sa mga Bartolome at sumakay na sa aming karwahe upang kami ay umuwi na.

"Mag-iingat kayo sa inyong byahe." , Señora Leonora.

"Maraming salamat sa inyo, Crisostomo, Leonora." , si Ina.

Lumapit naman sa bintana ng karwahe si Danilo, katapat ng aking pwesto.

"Mag-iingat kayo, Elisa."

"Oo at salamat, Danilo." , nakangiti kong pasasalamat sa kanya at siya ay ngumiti na rin. Kasabay nun ay ipinitik na ng kutsero ang tali ng mga kabayo at umandar na ang karwahe.

Kumaway kami ni Ina sa kanila hanggang sa amin ng tuluyang malagpasan ang kanilang kinaroroonan.

Sumandal na lamang ako sa aking upuan at inalala ang mga nangyari kanina at ako ay napatawa na lamang.

"Bakit, Elisa?", napatingin ako kay Ina na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Wala naman po, Ina.", nakangiti kong tugon sa kanya ng mas lalong ikinalawak ng kanyang ngiti at tumingin sa tanawin sa labas ng aming sinasakyang karwahe.

Akin na namang inalala ang bagay na iyon na nakapagpangiti muli sa akin.

Ang sobrang pulang mukha ni Danilo.

Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon