~Elisa de Silva~
Isa lamang akong simpleng babae na may isang simpleng pangarap, at iyon ay aking mahanap at makasama ang lalaking aking mamahalin ng lubusan.
Ngunit hindi ko alam na dahil mismo sa akin ay hindi ko matutupad ang aking pangarap.
Ipinagkasundo sa isang kaibigan, ang aking kababatang bigla na lamang naglaho matapos mangyari ang isang hindi inaasahan, isang bagay na hindi niya kasalanan.
Umalis siya ng walang pasabi at hindi manlang nag-paalam, kay bilis at kay dagli. Ang mga liham na nais ko sa iyo ay makarating ay tila ba'y parang hangin, sakanya na hindi manlang tinutugunan, walang pakielam at pawang binaliwala lamang.
At ngayon na siya ay nakabalik na ay hindi ko alam ang aking gagawin, hindi alam ang mararamdaman ngunit kita sa kanyang mga mata ang deteminasyon, tapang at isa pang emosyon na pamilyar sa aking mga mata ngunit hindi ko mawari.
Isang emosyon na matagal ko ng nakikita sa kanyang mga mata simula nung mga bata pa lamang kami, isang emosyon na hindi ko alam ang tawag at hindi alam ang pakiramdam.
Handa na ako sa aking kapalaran sa piling mo ngunit...
Dumating siya.
Isang estranghero na bigla na lamang nagpakita sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang panahon at sa hindi mawari na dahilan ay naramdaman ko sa kanya ang dapat na maramdaman ko para sa iyo, sa iyo kung saan nakatadhana na ang aking buhay.
Sa kanya ko naramdaman ang emosyon na matagal ko ng pinapangarap na makamit, emosyon na aking minimithi ngunit ito ay mali...
Dahil may una kaysa sa akin.
Tadhana na mismo ang nagsasabi na hindi kami para sa isa't isa ngunit bakit ganoon, kahit na ganito ang aming mga kalagayan ay hindi pa rin tumitigil ang aking puso sa pagsigaw ng kanyang pangalan.
Ang pangalan niyang parang isang apoy na nakakapaso.
Sa bawat banggit ng kanyang pangalang bawal ay mas lumalalim ang pag-ibig na hindi dapat.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...