~Punto de Vista de Carlo~
Matapos ang ginawang pagpapakilala sa amin ni Heneral Almario ay hindi maipagkakaila ang naging pagbabago ng kilos ni Señor Edgardo.
Marahang ipinatong ng señora ang kanyang isang kamay sa taas ng magkasalikop na kamay ng señor, “Edgardo, may problema ba?”, may pag-aalalang tanong ng señora sa kanyang asawa.
Agad na tumingin ang señor sa kanyang kabiyak at ipinatong ang kanyang kamay sa kasalukuyang nakapatong din na kamay nito sa kanya at malimit lamang itong ngumiti at umiling.
“Wala, may bigla lamang akong naalala.”, at ibinaling nito ang kanyang tingin sa aking direksyon na siyang nakapag-patuwid ng aking likod.
“Carlo Natividad ba kamo ang iyong pangalan, ginoo?”
Tumango ako rito, “Tama ho kayo, Señor. Bagama’t ito ay isinunod lamang sa pangalan ng aking ama.”
Tumango lamang ang señor sa aking sinabi at kinuha nito ang isang kopa at suminsim dito ngunit hindi nakalampas sa akin ang mga panaka-naka nitong pagtingin sa akin.
Lumipas ang ilang minuto ay wala ni isa ang nagsasalita at puro tunog lamang ng mga kasangkapan ang maririnig sa paligid at hindi rin maipagkakaila ang namumuong tensyon sa paligid.
“Mga ginoo, kung inyong gugustuhin ay maaari na kayong tumuloy sa inihandang mga silid para sa inyong pamamalagi rito.”, baling sa amin ni Señora Elena sa amin ni Juan bilang pang-basag katahimikan at tensyon na rin.
Aking ibinaling ang aking tingin kay Juan na nakatingin din pala sa aking direksyon at katulad ko ay hindi rin nito alam ang gagawin.
Pumaibabaw ang tunog ng mahinang pag-ubo sa paligid at nabaling ang aming atensyon kung saan ito galing.
“Tama ang señora, Feliciano, Natividad, tumungo muna kayo inyong mga silid upang magpahinga.”, ang Heneral Almario at tumango ito sa aming direksyon.
Wala kaming nagawa ni Juan kundi ang tumayo na lamang at sa aming ginawa ay ngumiti ng munti ang señora at tumango ng marahan.
“Dolor.”, sa ginawang pagtawag ng señora ay pumasok muli ang ginang na sumalubong sa amin kanina.
“Señora.”
“Dolor, maaari mo bang ihatid ang mga ginoong panauhin natin na kasama ni Señor Emir sa kanilang mga silid at kung maaari na rin ay pasabi kay Amelia na hanapin niya si Elisa.”, bilin ng señora sa ginang.
“At kung maaari Dolor ay pasabi rin kay Amelia na huwag niyang babanggitin ang aking pagdating.”, may ngiting pahabol ng heneral sa ginang.
Sa sinabing ito ng heneral ay agad na nabaling ang atensyon ng señor at señora.
“Emir.”, naiiling na tawag ng señora sa heneral habang ang señor naman ay tumawa na lamang.
“Masusunod po, Señor.”, nakangiting tugon ng ginang.
Isang buntong hinga ang pinakawalan ng señora, “Salamat, Dolor.”, saka ito bumaling sa direksyon namin ni Juan. “Sundan ni’yo na lamang si Dolor at kayo ay kanyang gagabayan patungo sa inyong mga silid.”, nakangiti na nitong turan sa amin.
Yumukod na lamang kami sa kanyang sinabi at nagpasalamat at saka sinundan ang ginang na nagngangalang Dolor.
“Dito po, mga ginoo.”, at siya ay nagsimula ng maglakad patungo sa labas ng silid tanggapan.
Paglabas ng silid tanggapan ay lumiko kami sa kaliwa at agad na aming nakita ang pangunahing pinto ng casa.
Nagtataka man ay patuloy na lamang naming sinundan si Manang Dolor palabas ng casa at kami ay umikot ng lakad patungo sa likod at doon ay aming natanaw ang isang maliit na bahay panuluyan, katulad ng mismong casa ay yari ito sa bato at may puting kulay. Ang kaibahan lamang nito mula sa casa ay may isang palapag lamang ito at mas maliit ang estraktura nito kaysa sa casa.
Habang papalapit sa bahay panuluyan ay aking napansin kabuoan ng kalupaan ng mga de Silva. Kitang kita ang malaking pagkakaiba ng kanan at kaliwang bahagi nito, ang kanan ay sobrang linis na halos hindi kakikitaan ng mga naglalakihang puno ngunit kung mayroon man ay mabibilang lamang ito gamit daliri ng isang kamay habang ang kaliwang bahagi naman ay puro kakahuyan na mistulang gubat ang itsura.
“Narito na po tayo mga ginoo.”, natigil ang aking pagmamasid sa paligid at nabaling ang aking atensyon kay Manang Dolor na nakatayo sa tapat ng pinto ng bahay panuluyan.
Kanyang binuksan ang pinto ng bahay, “Tuloy na ho kayo mga ginoo.” , at kami ay pumasok na sa loob at pinagmasdan ang kabuoan nito. Sa aking pagmamasid ay aking napansin sa salang bahagi ay naroon ang aming mga gamit.
“Ang inyo pong mga gamit ay nasa sala. Kung kayo po ay may kailangan ay inyo lamang po kaming tawagin.”, pagkatapos niya itong sabihin ay nagpasalamat na lamang kami at siya ay umalis na.
Ang kabuoan ng bahay ay maluwag at maaliwalas, kulay puti ang loob nito katulad ng sa labas, ang mga kagamitan at kasangkapan ay gawa sa kahoy, karamihan nito ay sa narra at sa kawayan, at ang mga durungawan naman ay yari sa mga kapis.
“Carlo, tulungan mo ako dito.”, nakita ko si Juan na inuumpisahan ng buhatin at kunin ang mga kustal at maletin na aming dala.
Aking dinaluhan si Juan sa kanyang ginagawa at bumuhat ng mga maletin upang maiayos na ang mga ito sa kanya-kanyang lalagyan.
Habang aming ginagawa ang aming pag-aayos ay aming napag-alamanan na ang bahay na ito ay may limang bahagi. Mula sa pagpasok sa pangunahing pinto ng bahay ay unang makikita ang sala na nasa kanang bahagi pagpasok ng bahay kung saan may malaking durungawan kung saan makikita ang patag na bahagi ng kalupaan ng mga de Silva, ang pangalawa at ang pangatlong bahagi ay ang mga silid pahingahan na parehong nakalagak kaliwang bahagi ng bahay, ang pang-apat at ang panglima naman ay paliguran at ang kusina na parehong nasa likurang bahagi ng bahay.
Ngayon ay narito ako sa aking silid, kung saan ang silid na aking tinutuluyan ay ang silid na malapit sa pangunahing pinto ng bahay. Ang loob ng silid ay ordinaryo lamang, sa iyong pagpasok ay unang bubungad sa’yo ang dalawang may katamtamang laki ng durungawan na nakalagak sa kabilang bahagi ng silid kung saan makikita ang mga kakahuyan, sa baba ng isang durungawan na katapat ng pinto ay may isang nakalagak na isang mesa at taburete kung saan nakapatong dito ang isang lampara, sa gitnang bahagi nakalagay ang isang higaan at sa gilid naman nito ay nakalagay ang isang malaking aparador.
Aking ipinatong ang aking mga gamit sa higaan at lumapit sa durungawan upang pagmasdan ang mga matatayog na puno sa kakahuyan.
Akin lamang patuloy na pinagmamasdan ang ganda nito ng may naka-agaw ng aking pansin, isang binibini ang aking nakita na. Isang binibini na kung pagmamasdang mabuti ay pawang kasing edad lamang ito ni Isabel, ang binibini ay may simpleng kasuotan lamang at walang kahit na anong suot na palamuti sa katawan, siya ay may bitbit na isang libro, ang kanyang mga kilos ay kakikitaan ng pagiging elegante at pines, ngunit hindi isa sa mga ito ang naka-agaw ng aking pansin.
Ang naka-agaw ng aking pansin ay ang kanyang ginagawang paglalakad papasok ng kakahuyan.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
Storie d'amoreSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...