Time Check: Bago dumating ang mga Bartolome sa señorìo ng mga de Silva.
~~~
~Punto de Vista de Danilo~
Narito ako ngayon sa aking silid at naghahanda ng aking sarili para sa aming pagbisita sa kanila Señor at Señora de Silva.
'Pagbisita kay Elisa.'
Nakaharap sa isang salamin, aking pinagmamasdan ang aking sarili.
Sa harap ko ay isang lalaki ang pinagmamasdan ako pabalik suot ang kanyang barong na may ternong pang-ibaba, bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha.
Lamlam ang kanyang mga mata at mga munting butil ng pawis ang namumuo sa kanyang nuo dahil sa nadarama.
Ako'y naupo sa aking higaan, napapikit at napahawak sa aking noo.
Aking naisip ang sitwasyon na aking...aming kinakaharap, parang kailan lamang nang una kong nakita si Elisa, parang kailan lamang nang kami ay mga bata pa lamang at walang muwang sa mundo, mga munting bata na puro kasiyahan lamang ang nadarama.
Napangiti ako ng maalala ang unang beses na aking nakilala ang munting señorita de Silva.
~Punto de Vista de la tercera persona~
*Pagbabalik-tanaw*
~Abril 25, 1884~
Isang labing-anim na taong gulang na batang lalaki ang nakaupo sa loob ng umaandar na karwahe kasama ang kanyang mga magulang.
Hawak ang isang kahon ng regalo habang nakatanaw sa mga nadadaanang puno ng kanilang karwahe habang sila ay patungo sa señorìo ng mga de Silva.
"Malapit na tayo sa ating destinasyon.", sabi ng kanyang ama na dahilan ng kanyang pagtingin dito at nakita niyang nakatanaw ang kanyang ama sa labas ng karwahe.
Ilang sandali lamang ay tumigil ang karwahe na kanilang sinasakyan sa tapat ng isang señorìo, ilang sandali ay bumukas ang pinto ng karwahe at sila ay bumaba dito.
Agad na sumalubong sa kanila ang isang kulay puti na may dalawang palapag na casa, mga bintanang gawa sa kapis, pintong malaki na gawa sa isang kahoy. Ang paligid ay napapalibutan ng mga naglalakihang puno at mga bulaklak, sa kanang bahagi ng señorìo ay makikita ang patag na lupa at makikita dito ang ilang mga kabayo na pagmamay-ari ng mga de Silva, habang ang kaliwang bahagi naman ay isang kakahuyan.
Kita ang engrandeng ayos ng buong señorìo para sa ika-labing tatlong kaarawan ng kaisa-isang anak nina Señor at Señora de Silva. Puno ng mga palamuti ang paligid at nagkalat ang mga panauhin sa paligid.
Pinagmamasdan ng batang si Danilo ang paligid at hindi niya namalayan na naiwan siya ng kanyag mga magulang na ngayon ay tumungo na upang pumasok sa loob ng casa.
"Halina, Danilo.", tawag pansin ng kanyang ina sa kanya ng malamang hindi ito sumusunod sa kanila papasok ng casa.
Agad na sumunod ang batang si Danilo sa kanyang mga magulang papasok ng señorìo at doon niya agad nakita ang isang batang babae na may kausap na isa pang batang babae habang sila ay nagtatawanan.
Kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mga mata, ang mga matatamis na ngiti na kanyang iginagawad sa kanyang kausap na dahilan ng paglabas ng puyo sa kanyang magkabilang pisngi at ang kanyang nakakahalinang tawa na kahit sino man ay mahahawa sa kanyang tawa.
Pagkapasok ay kanyang nakita kung paano tumatakbong lumapit ang batang babae hila ang kasama nito papalapit sa kanila, taglay pa rin ang kanyang matimis na ngiti.
" Señora Leonora, Señor Crisostomo!", magiliw na tawag nito sa mga magulang ni Danilo na dahilan ng mahinang pagtawa ng kanyang mga magulang.
Yumukod si Señora Leonora upang makapantay ang batang babae at hinaplos ang buhok nito, "Magandang kaarawan, Elisa.", malambing na sabi nito sa bata na mas lalong ikinangiti nito.
"Crisostomo, Leonora, mabuti't nakarating kayo.", dalawang pigura ng tao ang papalapit sa kanilang pwesto at umayos ng tindig si Señora Leonora at ngumiti sa mga bagong dating.
"Edgardo, Elena.", ganting bati ng kanyang ama sa dalawang tao.
Biglang tumakbo ang batang babae papunta sa dalawang tao at yumakap sa binti ng matandang lalaki at siya ay kinarga nito habang tumatawa.
Kitang-kita kung gaano kalapit ang batang nagngangalang Elisa sa kanyang ama at kita rin sa mata ng mga magulang nito kung gaano nila kamahal ang kanilang unika iha.
Nang makalapit sa kanilang pwesto ay agad na nakipagkamay ang ama ni Danilo sa matandang lalaki habang karga ang batang babae at nagyakapan ang dalawang ginang sa isa't isa.
"Mabuti at nakarating kayo, Leonora, kay tagal na nung huli ninyong pagbisita dito.", Sabi ng ginang sa ina ni Danilo.
"Oo nga Elena, hindi ako makapaniwala na ito na si Elisa, kay ganda at giliw na bata.", at parehong tumawa ang dalawang ginang.
Si Elisa na ngayon ay ibinaba na ng kanyang ama mula sa bisig nito ay lumapit sa dalawang ginang na nag-uusap at malapit din pwesto si Danilo.
"Elisa...", tawag pansin ni Señora Leonora kay Elisa at sinenyasan nito si Danilo na lumapit.
Lumapit si Elisa sa ginang nang siya ay tawagin nito, habang ang batang si Danilo naman ay nahihiyang lumapit sa mga ito.
"Ito nga pala si Danilo.", Sabi ng ginang ng may ngiti sa kanyang mga labi.
Matamang tinignan ni Elisa si Danilo ng ilang minuto na dahilan ng biglang pagsiklab ng kaba sa dibdib nito. Lumipas pang muli ang ilang minuto na tinitignan lamang ni Elisa si Danilo, lalayo na dapat ang batang lalaki ng bigla siyang hinawakan nito sa kamay at ngumiti.
"Ako nga pala si Elisa.", at mas lalong lumapad ang ngiti nito na siyang naging dahilan ng pagngiti din ni Danilo at ang pag-gaan ng loob nito.
*Kasalukuyan*
Yun ang unang beses na nakita ko si Elisa at yun din ang umpisa ng pagmamahal ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...