~Punto de Vista de Elisa~
Oras na tumapat ang karwaheng aming sinasakyan sa señorio ay agad itong huminto at agad ring bumukas ang pinto nito sa tulong ng kutsero at kami ay kanyang inalalayang makababa.
Sa aming pagbaba ay aming nakita ang mayordoma na si Manang Dolor na nagmamadaling bumaba ng hagdan mula sa tapat ng nakabukas na pinto ng señorio hawak ang kanyang saya. Sa kanyang paglapit sa amin ay marahan siyang yumukod bilang isang pagbati sa amin ni Ina.
Matapos ang kanyang ginawa ay humarap siya kay Ina, “Señora, pinapasabi po ng Señor na kayo po ay magpunta sa kanyang opisina at may importante raw kayong pag-uusapan.” Mahinang turan nito kay Ina.
Aking nakita na pagkatapos itong sabihin ni Manang Dolor ay tumango at nagpasalamat sa kanya si Ina at sa akin naman ibinaling ni Ina ang kanyang atensyon at marahang hinaplos ang aking kanang pisngi.
“Elisa kung maaari ay dito ka na at kami lamang ay may pag-uusapan ng iyong ama.”
Tumango na lamang ako at marahang ngumiti kay Ina upang ipag-bigay alam sa kanya na aking naiintidihan ang kanyang sinabi.
Sa ginawa kong ito ay ginantihan na lamang ako ni Ina ng ngiti at maingit niyang pinisil ang aking kanang pisngi na kanyang ikinatawa.
Matapos ang tagpong iyon ay tumalikod na sa amin si Ina at tuluyan ng pumasok ng señorio upang puntahan si Ama. Nang wala na si Ina sa aking paningin ay aking hinarap si Manang Dolor.
“Manang, si Amelia po?”
Agad namang itinuro sa akin ni Manang Dolor ang kusina kung saan naroroon si Amelia. Nagpasalamat na lamang ako sa kanya at pumasok na rin ng señorio upang tumungo sa kusina upang aking makausap si Amelia.
Sa aking pagdating sa kusina ay marami ang naroroon ngunit hindi naman ako nahirapang hanapin si Amelia, siya ay nakataikod mula sa aking pwesto at nasa kanyang harap naman ang lababo at pawang siya ay may hinuhugasan.
Mahina akong umubo at akin namang naagaw ang atensyon ng limang tao na abala sa kusina kasama na roon si Amelia. Nung ako ay kanilang nakita ay agad nila akong binati at ganoon din naman ako sa kanila.
“Maaari ko bang maka-usap saglit si Amelia?”, tanong ko sa kanilang lahat na agad naman nilang sinang-ayunan at ako ay nagpasalamat na sa kanila. Ngunit nung ako ay tuluyan ng dapat na papasok ng kusina ay umambang aalis ang mga tao ngunit akin silang pinigilan.
“Hindi na kailangan. Ipagpatuloy n’yo na lamang ang inyong mga ginagawa.”, kita sa kanilang mukha ang pagtataka ngunit ako ay nagpatuloy na lamang sa pagpasok ng silid at marahang hinila si Amelia palabas at muli ay nginitian ang mga natirang tao sa loob ng kusina.
“Elisa?”, may pagtatakang tono na banggit ni Amelia ng aking pangalan.
Hindi ko na lamang sinagot ang pag-tawag niya sa akin at patuloy lamang ako sa aking paghila sa kanya hanggang sa kami ay makarating sa destinasyon kung saan walang masyadong tao.
~Punto de Vista de la tercera persona~
Isang mahinang katok ang bumasag sa tamihik na paligid ng opisina ni Señor Edgardo dahilan ng biglaang pagka-gilta ng ginoo mula sa isang malalim na pag-iisip.
“Adelante.”, ang ginawang pag-tugon ng ginoo sa katok at ang naging permiso ng tao mula sa kabilang bahagi ng pinto na pumasok.
“Ed—“, ang nakangiting mukha ng taong bagong pasok ng silid ay biglang napalitan ng pagkabahala nang kanyang makita ang seryosong mukha ng ginoo. “May problema ba?”
Isang buntong hinga lamang ang isinagot ng ginoo sa tao at ito ang kanyang sinenyasan na maupo sa isa sa mga upuan para sa mga panauhin at dito ay sumunod ang ginoo habang kanyang hawak ang papel na kaninang kanyang binabasa at naging dahilan ng kanyang malalim ng pag-iisip. Tinungo ng ginoo ang kabiserang upuan at umupo dito at saka iniabot sa tao ang sulat na kanyang hawak upang iparating na kanyang basahin ito.
Pinagmamasdan lamang ng ginoo ang mukha ng tao habang kanyang binabasa ang carta na ipinadala sa kanila, kitang-kita ng ginoo kung paano nagpabago-bago ang reaksyon ng mukha nito mula sa pagkaka-kunot ng noo na napunta sa pagkabigla hanggang sa mapunta sa pagkabahala ito.
“Edgardo, ano ang ibig sabihin nito?”, naguguluhang tanong sa ginoo.
“Elena...”
“Ano ang ibig sabihin dito ni Kuya Emir na magsasama siya ng mga sundalo sa kanyang pagdating? Ano ang kanyang ibig sabihin na baka may hindi magandang mangyari, na nanganganib tayong lahat?”, tarantang tanong ni Señora Elena sa asawa.
Tumayo si Señor Edgardo at lumipat ng upuan upang kanyang matabihan ang kanyang kabiyak upang ito ay pakalmahin, kanyang hinawakan ang mga nanginginig nitong mga kamay at tumingin dito. Hinanap ni Señor Edgardo ang mata ng Señora at nung tumingin na rin ito sa kanya ay marahan niyang hinimas ang mga kamay nito.
“Hindi ko rin alam Elena ngunit ang aking masisiguro ay alam ni Emir ang kanyang ginagawa at malamang na may dahilan din siya kung hindi niya inilagay sa kanyang sulat ang dahilan nito.”, marahang pagpapaliwanag ni Señor Edgardo sa kanyang asawa ngunit hindi sumagot sa kanya ang asawa at nakayuko lamang ito.
“Hintayin na lamang natin siya upang atin ding malaman mula sa kanya mismo ang mga nangyayari.”
Biglang tumingin ang Señora kay Señor Edgardo at kita dito ang kanyang nanlalaking mga mata ay puno ng takot, “Paano si Elisa?”, nagulat ang Señor sa turan ng kanyang asawa at kanyang nakita ang mga luhang nangingilid sa mga mata nito.
“Edgardo, hindi ko kakayanin na malagay sa panganib si Elisa. Edgardo.”, at umiyak ang Señora sa bisig ng kanyang asawa.
Hinigpitan ni Señor Edgardo ang kanyang pagkaka-yakap sa kanyang asawa habang kanyang naiisip ang kaninang binanggit ng kanyang asawa na nakapagtanim ng takot sa kanyang kalooban. Ang maisip na maaaring malagay sa panganib ang kanilang pinaka-mamahal at nag-iisang anak.
‘Diyos ko, huwag naman po sana.’
~Punto de Vista desconocido~
Narito sa aking silid at aking hinahanda at inaayos ang mga gamit na aking kakailanganin para sa aming paglalakbay ay ako’y nakaramdam ng presensya sa aking likurang bahagi.
Aking itinigil ng saglit ang aking ginagawa at dumaretso ng aking tindig atsaka nilingon ang nagmamay-ari ng presensyang iyon. Sa aking paglingon ay aking nakita ang isang pigura ng binibini na nasa katapat ng aking pinto at ako ay ay pinagmamasdan na may malamlam ng mga mata at may bahid ng kalungkutan ang kanyang maamong mukha.
Ako ay sumenyas sa kanya na siya ay lumapit subalit hindi siya gumalaw mula sa kanyang kinaroroonan. Aking nakita na kanyang hinapit ang kanyang sarili at binalot ang sarili ng balabal. Bahagya siyang yumuko at maririnig mula sa kanya ang mahinang paghikbi.
Ako ay napa-buntong hininga na lamang at ako na mismo ang lumapit sa kanya. Nang ako ay tuluyan ng nakalapit ay aking siyang hinagkan na mas nagpalakas ng kanyang paghikbi at aking ramdam ang pagkabasa ng aking damit sa may bahaging dibdib.
“Kailangan mo ba talagang umalis?”
Napapikit na lamang ako sa kanyang naging turan at ako ay dumistansya ng kaunti at aking pinagmasdan ang kanyang mukha na ngayon ay basa ng kanyang mga luha. Aking pinahid ang kanyang mga luha gamit ang aking mga hinlalaki.
“Paumanhin ngunit kailangan.”, mahina kong hinging patawad sa kanya. Sa aking sinabi ay mas lalong tumulo ang kanyang mga luha.
Siya ay huminga ng malalim at tumingin sa akin na may pilit na ngiti. “Pakiusap ko sa’yo na mag-iingat ka...” Aking nakita ang paglandas muli ng mga maliliit na butil ng luha mula sa kanyang malamlam ng mga mata. “Pakiusap ko rin na ikaw ay magbalik dito ng buo at wala na kahit ng anong pinsala, bumalik ka dito sa San Rafael...dito sa aking piling, Carlo.”
Aking pinagdikit ang aming mga noo at pumikit.
“Pinapangako ko. Pinapangako ko na ako ay babalik dito sa iyong piling, Isabel.”
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...