~Carlo Natividad~
Mula sa aming bayan ay umalis ako kasama ang aking kaibigan, upang maghatid ng balita sa malayong lugar. Paglalakbay namin ay mahirap, ngunit dala ang pangako ko sa kanya kaya ako'y nagsusumikap.
Imahe ng kanyang mukhang may bahid ng kanyang mga luha ay tila nagpawasak ng aking puso, ngunit aking pangako na ako ay babalik sayo ay aking tutuparin ng walang maliw.
Suot ang singsing ng ating pagmamahalan, pinapahalagan ang pangakong sa iyo ay binitawan.
Hindi nais na ikaw ay saktan dahil ikaw ang aking unang sinta at pilit na hindi ito lolokohin.
Ngunit...
Nang kami ay makarating na sa aming destinasyon ay doon ko siya nakita. Babaeng nakatago sa mata ng marami, sa isang lugar na hindi aakalain.
Sa paligid niya ay magandang tanawin, ang mukha niya ay nakakabighani. Alam ng aking isip na hindi ito maaari sapagkat ito ay mali, sigaw ng aking isip ang pangakong aking binitawan, sigaw naman ng aking puso ang damdaming sakanya ko lamang naramdaman.
Alam kong mali na maramdaman ang damdamin na nararamdaman para sa kanya dahil sa pangakong aking binitawan para sa una.
Babaeng kay rikit ano itong ginawa mo sa akin, ako ay iyong binihag sa mahikang hindi maintindihan. Ang dapat na maramdaman para sa naghihintay sa akin sa malayo, bakit ko nararamdaman para sa iyong hindi dapat sa ay sa akin?
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
Storie d'amoreSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...