II

123 31 57
                                    

~Punto de Vista de Elisa~

Paakyat pa lamang kami ni Amelia ng hagdan palapit sa pinto ng casa ay bigla na lamang itong bumukas. Inilabas nito ang aking ina na hawak ang kanyang saya at nagmamadaling lumapit sa amin. Pagkalapit ay hinawakan nito agad ang aking isang kamay at ang aking pisngi na tila pinagmamasdan ako nito.

Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala na madalas kong makita sa kanya, kung paano mangunot ang kanyang noo, kung paano niya pagmasdan ang aking kabuoan at kung paano gumalaw ang kanyang mga labi na tila ba’y may sinasabi ngunit walang kahit na anong boses o tinig na maririnig.

Pakatapos niya akong pagmasdan ay umayos at tumuwid ito ng kanyang tindig, ang kanyang mukhang may bahid ng pag-aalala ay napalitan ng pagka-seryoso, ngunit mababakas pa rin sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

“Saan ka ba nanggaling, Elisa? Pinag-alala mo kami ng iyong ama, ni hindi ka manlang nagsabi kung saan ka pupunta.”, may pag-aalalang sabi sakin ni Ina.

Napayuko na lamang ako sa kanyang turan.

“At hindi mo pa kasama si Amelia, paano kung may masamang nangyari sa’yo? Alam mo naman ang iyong kon— “

“Paumanhin po, hindi na po mauulit.”, pagputol ko sa kanyang sinasabi at pilit na ngumiti sa kanya.

Tila naman natauhan si Ina sa ginawa ko at bumakas ang pagsisisi sa kanyang mukha.

“Nabanggit po sa akin ni Amelia na pinapahanap n’yo daw po ako ni Ama.”, pag-iiba ko ng usapan.

“A-ah…oo, may sasabihin daw sa iyo ang iyong ama. Hinihintay niya tayo sa kanyang opisina.”, medyo nautal na sambit ni Ina at kita sakanya ang pagkagulat dahil sa aking pagtatanong.

Saglit akong pinagmasdan muli ni Ina saka ibinaling ang tingin kay Amelia, “Amelia, maaari mo ba kaming ipagkuha ng maiinom at paki-dala ito sa opisina ni Señor Edgardo ninyo.”, pag-uutos nito kay Amelia.

“Opo, Señora.”, tugon ni Amelia sa aking ina.

Bumaling sa akin ng tingin si Amelia at ngumiti sa akin bago ito umalis at nagtungo sa kusina. Pagka-alis ay muling itinuon sa akin ni Ina ang kanyang atensyon.

Halina at tumungo na tayo sa iyong ama.”, kinuha ni Ina ang aking kanang kamay at saka ako nito hinila patungo sa opisina ni Ama.

Habang binabagtas ang daan patungo sa opisina ay marahang hinihimas ni Ina ang aking kamay na kanyang hawak tanda na siya ay kinakabahan na siya ring nakapag-pasiklab ng kaba sa aking dibdib.

Inay, maaari ko po bang malaman kung ano po ang gustong sabihin sa akin ni Ama?”, hindi ko mapigilang tanong kay Ina dahil sa patuloy na pag-usbong ng kaba sa aking dibdib.

Tumingin siya sa akin, “Mas mabuti sana kung sa kanya mo nalang mismo malaman.”, malumanay na tugon nito sa akin at hinigpitan ang hawak sa aking kamay.

Tinungo namin ang hagdan sa gitnang bahagi ng señorìo at inakyat namin ito upang marating ang ikalawang palapag ng señorìo. Pagtungtong namin sa itaas na bahagi ay sumalubong sa amin ang isang malaking larawan ng aming pamilya, kung saan nakaupo sa gitna si Ama habang kaming dalawa naman ni Ina ay nakatayo sa magkabilang gilid nito. Aming tinungo ang kanang bahagi ng palapag at binagtas ang daan upang marating ang opisina ni ama sa dulo ng pasilyo.

Bago namin tuluyang marating ang opisina ay may madadaanan muna kaming apat na pinto, apat na pintong nagkukubli ng iba’t-ibang mga silid. Ang unang pintong aming nadaanan ay isang silid para sa mga panauhin at ganoon din ang kasunod nito, ang sumunod ay ang kwarto nina Ama’t Ina at ang sumunod naman ay ang silid aklatan ng señorìo at ang kasunod naman nito ay ang opisina na ni Ama.

Pagtapat sa pinto ng opisina ay marahang kumatok si Ina at nagbigay alam sa tao sa loob ng silid na kami ay nasa labas ng silid, ilang sandali lamang ay may narinig kaming isang mahinang tinig na nagpapahintulot sa amin upang pumasok sa silid.

Pagpasok sa silid ay agad na mapapansin ang kalinisan ng buong silid, wala manlang makikitang kalat at alikabok sa paligid. Mapapansin din na napapalibutan ng raketa ng mga libro ang silid, isang malaking lamesa sa gitna, mga upuan at maliit na lamesa sa harap nito para sa mga panauhin.

Subalit ang mas kapansin-pansin sa lahat ay ang taong nakaupo sa likod ng malaking lamesa sa gitna ng silid. Kapansin-pansin sa mukha at tindig nito ang pagiging makapangyarihan at pagiging strikto na bumabalot sa personalidad ng taong ito.

Seryosong mukha ang taglay nito, ang kanyang mukha na pawang minsan lamang ito kung ngumiti. Ang mukha niya ay makikitaan na ng mga kaunting kulubot tanda na ng kanyang katandaan, ang kanyang dating malago at kasing itim ng gabing langit na kanyang buhok ay tila ba’y unti-unti ng numinipis at nagkukulay abo. Ang kanyang kulay tsokolateng singkit na mga mata na kapag ikaw ay pinagmasdan ay agad na sisiklab ang kaba sa iyong dibdib dahil sa paraan niya ng kanyang pagtitig, ang kanyang matangos na ilong at manipis na mga labi ay talagang nakapagpa-depina ng kanyang pagkakakilanlan.

Suot ang kanyang salaming pambasa ay nakayuko ito, pinagmamasdan ang papel na kanyang hawak na tila ba’y binabasa ito, sa isang kamay naman ay hawak ang isang panitik na yari sa isang balahibo ng ibon at sa isang gilid naman ay isang lalagyan na naglalaman ng pangtinta nito.

Ang taong ito ay kinatatakutan ng marami at hindi pinagtatangkaang kalabanin ng sino man.

Siya si Señor Edgardo de Silva, asawa ni Señora Elena de Silva. Kilala bilang isang strikto at makapangyarihang tao, ngunit mas kilala siya bilang ulo ng pinakamayamang angkan dito sa bayan ng Sta. Cruz.

At siya ang aking Ama.

Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon