~Punto de Vista de Elisa~
“Elisa, Ginoo. Elisa ang aking pangalan.”
Sa aking sinabi ay aking napansin ang pagbakas ng pagtataka sa kanyang mukha. Natawa na lamang ako dahil sa kanyang ipinakita sa akin at dahil din doon ay mas lalo lamang lumalim ang kanyang pagtataka.
Aking kinuha ang panyolito na kanyang ibinibigay sa akin. Nabaling ang kanyang atensyon sa pagkuhang aking ginawa.
“Maraming salamat, Ginoo.”, muli ay tumingin siya sa akin at aking napansin ang pag-iling niya ng malimit na pawang ibinabalik ang kanyang sarili sa reyalidad.
“Seño—“, agad kong pinutol ang kanyang balak na sabihin.
“Tulad ng aking sinabi kanina sa iyo, Ginoo, Elisa ang aking pangalan.”
“Ngu—“
“At tulad lamang ng iyong sinabi kanina ay wala tayo sa labanan upang ikaw ay aking tawagin sa binigay sa iyong ranggo, kung kaya’t tulad ng sa akin ay malayo tayo sa mga mapanuring mata ng lipunan upang ako’y iyong tawagin sa titulong iniatas sa akin.”
“Per—“
“Kung kaya’t mas ikaluluwag ng aking kalooban kung ako’y tatawagin mo na lamang na binibini, kaysa sa aking titulo.”, naka-ngiti kong pahayag sa kanya.
Nakita ko ang kanyang pag-iling dahilan upang mapawi ang ngiti sa aking mga labi.
“Ngunit, Señorita, ito’y hindi maaari.”, sa pagkakataong ito ay ako naman ang pinangunutan ng noo.
“Ang titulong iyong tinataglay ay importante at hindi maaari na balewalain lamang, ito ang sumisimbolo kung gaano ang angat mo sa iba at kung gaano kaimportante ang taong nagtataglay nito.”
Isang buntong-hininga na lamang ang aking pinakawalan sa kanyang sinabi, “Kung gayon ang taglay mong ranggo ang aking itatawag sa iyo, Kapitan.”, at matapos nito’y tumalikod na ako sa kanya at tinungo ang silya na nakalaan at umupo dito.
Agad kong binuksan ang libro na aking dala at nag-umpisa na muling binasa ang laman nito.
Ito ay tungkol sa pinagbabawal na pag-iibigan ng dalawang mag-irog dahil sa ang kanilang mga angkan ay kapwa tutol sa kanilang pag-iibigan sa kadahilanang ang kanilang mga angkan ay magka-away.
Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng libro na aking binabasa kung saan sinasabing nag-tanan ang magsing-irog upang kanilang ipagpatuloy ang kanilang pag-ibig ngunit hindi ko pa natatapos ang unang talata ng aking binabasa ng biglang dumilim ang aking paligid.
Sa pag-angat ko ng aking tingin ay doon ko nakita ang kapitan na nakatayo sa aking gilid at pinagmamasdan ang paligid.
Umubo ako ng mahina upang aking makuha ang kanyang atensyon at hindi naman ako nabigo sa kanyang paglingon sa aking direksyon.
“Kapitan, maaari ko bang malaman kung ano pa rin ang iyong ginagawa rito?”
“Upang ikaw ay samahan at bantayan.”, kanyang pawang walang pakielam na pahayag sabay kibit ng kanyang mga balikat.
Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi, “Bantayan?”
“Opo, Señorita. Bantayan.”, kanyang pag-uulit sa aking sinabi.
Ako’y yumuko na lamang at pinaka-titigan ng libro na ngayon ay aking nasa kandungan na lamang.
“Ngunit hindi ito maaari...”, at aking muling iniangat ang aking paningin upang siya ay titigan. “Ako’y isang babaeng walang asawa kung kaya’t hindi maaari na ako’y bantayan ng isang ginoo na walang ibang kasamang kapwa ko binibini.”
“Mas lalo na kung ang lalaking aking kasama ay lalaking hindi naman nakatakda sa akin.”, mahina kong patuloy habang muling naka-yuko.
“Huwag kang mabahala, Señorita...”, muli akong napatingin sa kanya ngunit aking nakita na hindi nakatutok ang kanyang paningin sa kadahilanang ito’y nananatiling nakamasid sa paligid.
“Ang aking ginagawa ay hindi labag na kahit na anumang kautusan sapagka’t ito’y ipinag-utos sa akin.”
“Ano ang iyong ibigsabihin, Kapitan.”
“Naki-usap ang señora sa heneral na kung maaari ay isa sa amin ni Koronel Feliciano ang mag-bantay sa iyo. At dahil si Koronel Feliciano ay hindi maaari na umalis sa tabi ng heneral ay ako ang kanyang inatasan upang tuparin ang hiling ni Señora de Silva.”
“Si Ina?”, tanong sa aking sarili.
“Ngunit sa anong dahilan upang ang aking ina ay maki-usap ng ganoon sa tiyo?”
Matapos ng aking tanong ay lumingon na ito sa aking direksyon at mababaw na yumukod at kanyang inilapat ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib.
“Paumanhin, Señorita, ngunit aking hindi kita masasagot sapagkat ako’y wala sa posisyon upang sagutin ang iyong katanungan.”
Sa kanyang naging sagot sa aking katanungan ay napasandal akong bigla sa aking kinauupuan at bagsak ang balikat na tumingin sa aking paligid.
Maraming mga katanungan ang lumilipad sa aking isipan, ano at bakit ang dahilan ni Ina upang kanya pang paki-usapan ang tiyo upang isa sa kanyang mga tauhan ay bantayan ako.
Ngunit ang mga katanungan na ito ay hindi masasagot kung ito ay aking hindi aaksyunan, buo na ang aking desisyon na tumayo ako. Akin pang napansin ay pagka-bigla ng kapitan sa aking ginawang biglang pagtayo at agad itong tumingin sa akin.
Walang ano pa man ay lumakad ako palabas ng kakahuyan at pabalik sa casa, at habang aking binabagtas ang daan ay aking nadidinig ang mga yabag ng kapitan na sumusunod sa akin.
“Señorita.”, mahinang pagtawag nito sa akin ngunit ito’y aking hindi pinansin at tuloy-tuloy lamang ako sa paglakad hanggang sa akin ng natanaw ang casa at dire-diretsong pumasok dito.
Sa aking pagpasok ay aking napansin ang biglang pagka-wala ng mga yabag na kaninang sumusunod sa akin ngunit ito’y aking ipinag-sawalang bahala na lamang.
Agad na aking nakita si Manang Dolor at ito’y agad kong nilapitan at tinanong kung nasaan ang ina, agad niyang sinabi sa akin na ito ay nasa kanyang silid. Nagpasalamat lamang ako dito at aking agad na tinungo ang hagdan upang tumungo sa ikalawang palapad at aking agad na binagtas ang daan patungo sa kanilang silid ni ama.
Pagtapat sa pinto ng silid ay kumatok ako dito at pumasok nung aking marinig ang pahintulot ng nasa loob ng silid.
Aking nakita si Ina naka-upo sa silyang tumba-tumba tapat ng durungawan, hawak at gamit ang kanyang pang-burda na kanyang ibinaba nung kanya akong nakita.
“Elisa.”, at kanyang inilahad ang kanyang dalawang mga kamay sa aking direksyon at ako’y lumapit dito at umupo sa kaharap nitong isa pang silyang tumba-tumba.
Nang ako’y maka-upo na sa kanyang tapat ay ngumiti lamang siya sa aking at muling kinuha ang kanyang pang-burda at ito’y kanyang ipinagpatuloy.
“Isa itong himala sapagka’t minsan lamang na ikaw mismo ang magpunta sa akin pagka’t madalas na kailangan pa na ikaw ay aking tawagin o ipa-hanap kay Amelia upang ikaw ay aking masilayan.”, may ngiti niyang sabi sa akin.
“Ina.”
Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at muli niyang ibinaba ang kanyang pang-burda at itinuon ang kanyang tingin sa akin, ngunit ngayon ay kakikitaan ito ng kaseryosohan.
“Ngunit akin ding nalalaman na kapag ito’y nangyayari ay may hindi ka sang-ayon sa aking naging desisyon at may ibig kang sabihin sa akin.”
Tulad niya ay isang buntong-hininga rin ang aking pinakawalan bago aking ipaalam sa kanya ang aking ibig.
“Ina, ano ang ibig sabihin ni Kapitan Natividad?”
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...