~Punto de Vista de Elisa~
Ako ay mapayapang naglalakad sa hardin na matatagpuan sa likod ng aming señorìo. Dama ang lamig na hatid ng simoy ng hangin dahil isang buwan na lamang ay pasko na, dinig ang mga mumunting ingay gawa ng aking paglalakad at ang mga huni ng ibon sa paligid.
“Elisa.”, lumingon ako sa aking gilid at pinagmasdan ang aking kasama sa paglalakad.
Ako ay ngumiti dito, “Danilo.”, banggit ko sa pangalan nito.
Tama, aking kasama si Danilo dito sa hardin. Kami ay pinapunta dito ni Ama sa kadahilanang may kailangan silang pag-usapan ni Ina kasama sina Señor Crisostomo at Señora Leonora.
“May bumabagabag ba sa iyong kalooban?”, dinig ang pag-aalala sa tinig nito.
Napansin siguro nito ang aking pagiging walang kibo.
Sa totoo lang ay marami akong gustong sabihin at itanong sakanya ngunit hindi ko lamang alam kung paano ko ito sisimulan o kung paano ko ito sasabihin sa kanya.
Tumigil ako sa aking paglalakad na siyang naging dahilan ng kanyang pagtigil din sa paglalakad. Tuluyan akong humarap sa kanya at tumingin sa kanya ng may pagtatanong.
“Elisa?”, muli niyang pagbanggit sa aking pangalan ng kanyang makita ang ekspresyon ng aking mukha.
“Bakit ka biglang nawala?”, tanong ko rito. Kita ko ang pagka-bigla sa kanyang mukha ng madinig niya ang aking tanong.
Hindi ito tumugon sa aking tanong bagama’t yumukod lamang ito.
“Ang sabi nina Señora Leonora ay nagtungo ka raw sa Europa upang doon mag-aral, ilang beses akong sumulat sa’yo ng liham ngunit hindi mo tinugunan ang mga ito.”, pagpapatuloy ko.
“Paumanhin, Elisa, sapagkat kailangan kong gawin iyon.”, mahinang usal nito habang nakayuko.
Sandali akong natigilan at nag-isip.
“Dahil ba sa nangyari noon?”, maingat at nagbabakasakaling tanong ko rito. Bigla itong tumingin sa akin at yumukod muli.
Napabuntong hininga ako at maingat na hinawakan ang mga kamay nitong namumuti dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak nito.
“Huwag mo ng isipin pa iyon, Danilo. Hindi mo kasalanan ang nangyari, mga bata pa lamang tayo noon- “
Bigla itong nag-angat ng tingin na nakapagpatigil sa akin.
“Ngunit hindi sana mangyayari iyon kung hindi ko ginawa ang ginawa kong paghabol sa inyo noon.”, at umiwas siya ng tingin sa akin at marahas na binawi ang mga kamay niyang aking hawak.
Kita sa kanyang mukha ang galit at pagsisisi at ang kanyang mga kamay ay halos mamuti na kung paano niya higpitan ang hawak sa mga ito.
Muli kong kinuha ang kanyang mga kamay at pinagmasdan. Pilit na inibuka ang kanyang mga kamay at bumungad sa akin ang mga palad niyang namumula.
Marahan ko itong hinaplos at tumingin sa kanya at ngumiti.
“Wala kang kasalanan sa nangyari noon, hindi mo alam ang kalagayan ko noon. Tignan mo ako, mabuti ang aking kalagayan kaya huwag mo ng sisihin pa ang iyong sarili.”, sabi ko dito.
“Kalimutan na natin iyon at ang mahalaga ay ang ngayon.”, lumayo ako ng konti at aking tinitigang mabuti ang kabuuan nito.
“Ang laki na ng iyong pinagbago, kung ikaw man ay aking makakasalubong sa daan ay malamang na hindi kita mamumukhaan.”, nakangiti kong turan dito na dahilan ng mahinang pagtawa nito.
“Ikaw din, Elisa, malaki din ang iyong pinagbago, lalo kang gumaganda at ang buti ng iyong kalooban ay mas lalong humigit.”, papuri nito na dahilan na ikinapula ng aking mga pisngi.
Nawalan ako ng sasabihin sa kanyan turan kaya yumuko na lamang ako at saka siya tinalikuran. Dahil sa aking ginawa ay mas tumawa pa ito at pilit gustong tignan ang aking reaksyon habang patuloy naman ang aking pag-iwas sa kanyang ginagawa.
“Señorita, Señorito.”, tawag sa amin ng isang tinig at pareho kaming napatingin sa pananggalingan nito at aming nakita si Amelia malapit sa entrada papasok ng señorìo.
“Pinapatawag na po kayo sa loob nina Señor at Señora de Silva, ganoon din po sina Señor at Señora Bartolome.”, sa sinabing iyon ni Amelia ay inayos na namin ang aming mga sarili at saka lamang naglakad patungo sa kinaroroan ni Amelia.
Paglapit namin kay Amelia ay marahan itong yumukod bilang pagbati.
“Pagbati po, Señorito Danilo.”, pagbibigay-galang ni Amelia kay Danilo.
“Amelia tigilan mo iyan at parang hindi naman tayo naging magkababata.”, nakangiting sabi ni Danilo at napaangat ang tingin ni Amelia sa amin at ngumiti.
Pagkatapos nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad at tumungo sa silid tanggapan kung saan naghihintay ang aming mga magulang. Habang kami’y naglalakad at tahimik lamang na nakasunod sa amin si Amelia.
Sa aming pagpasok sa silid tanggapan ay aming naabutan ang aming mga magulang na nag-uusap patungkol sa kani-kanilang mga negosyo habang sumisimsim ng tsaa. Nang kanilang mapansin ang aming presensya ay tumigil sila sa kanilang pag-uusap at pinaupo kami habang si Amelia naman ay inutusang tumulong muna sa ibang mga kasambahay.
“Elisa.”, tawag pansin sa akin ni Señora Leonora. Nabaling ang aking tingin sa ginang, aking nakita na nakangiti ito sa akin na akin namang ginantihan.
“Señora Leonora.”, ganting pag-bati ko sa ginang.
“Napaka-ganda mo naman, iha.”, papuri nito sa akin.
“Wala pong tatalo sa gandang inyong taglay, Señora.”, ganting papuri ko sa ginang na mas lalo nitong ikinangiti.
“Palabiro ka talagang bata ka.”, tumatawang tugon nito at tumingin kay Ina.
“Kay ganda at buting bata ng inyong anak, Elena, at marunong ding mambola.”, sabi nito kay Ina na dahilan ng pagtawa ng dalawang ginang at ang dalawang ginoo ay nakangiti lamang.
“Parang kailan lang noong kayo ay mga bata pa lamang ni Danilo, naglalaro madalas sa hardin ng inyong señorìo pero tignan mo ngayon isa na kayong ganap na mga dalaga’t binata.”, sabi ni Ina.
“Tama ka, Elena, parang kailan lamang nung sila ay atin pa silang ginagabayan sa paglalakad pero heto sila at malalaki na.”, pag-sang ayon ni Señora Leonora kay ina.
Sila ay nagpatuloy lamang sa pag-uusap at pagbabalik-tanaw sa nakaraan habang ako ay tahimik na nakikinig lamang sa kanilang mga pinag-uusapan habang sumisimsim ng tsaa na nakalaan para sa akin.
Ilang sandali lamang ay isang mahinang pag-ubo ang nakapagpatigil sa munting kasiyahan at pagbabalik tanaw na nagaganap. Napalingon ako sa aking harapan kung saan nanggaling ang pag-ubo at aking napag-alaman na kay Danilo pala ito nagmula.
Dumiretso ito ng upo at bakas sa mukha nito ang pagka-seryoso ngunit mahahalata din dito ang pagiging kabado dahil sa mga munting kilos nitong ginagawa. Tumingin ito saglit sa akin saka itinuon ang buong atensyon nito kay Ama. Dahil sa ginawa ni Danilo ay naguguluhang tumingin din ako kay Ama na seryoso rin ang mukhang nakatingin dito habang sumisimsim ng kanyang tsaa.
Ang mga sumunod na bagay na aking nadinig ay nakapag-pabigla sa akin.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
عاطفيةSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...