XIX

9 2 0
                                    

~Punto de Vista de Isabel~

Naka-upo sa silyang tumba-tumba na yari sa kahoy ng akasya sa teresa ng aming bahay. Nakatanaw sa kapaligiran, matatanaw sa itaas ang haring araw na naka-pwesto sa silangan, ang nakapaligid ditong kulay bughaw na kalangitan, ang mga ibong malayang sa kanilang paglipad sa himpapawid. Sa bandang ibaba naman ng lahat ng ito ay ang aming munting baryo sa loob ng bayan ng San Rafael, makikita rito ang mga munting bahay kubo, ang mga batang naglalaro kasama ang kani-kanilang mga kaibigan, ang mga nakatatandang gumagawa sa kani-kanilang mga gawain.

Mula sa pagmamasid ay napa-yuko ako at aking pinagmasadan ang hawak ng aking mga kamay na nakapatong sa aking mga hita. Isang simpleng singsing na yari sa tanso.

“Isabel.”, napalingon ako sa aking gilid at doon ko nakita ang aking ina na nakatayo, hawak ang isang pamunas.

“Ina?”

“Halina’t kumain na tayo ng agahan.”, nakangiti nitong sambit at umalis na.

Sa kanyang sinabi ay aking isinuot sa kwintas na aking suot ang singsing at sumunod na kay Ina.

Pagdating sa kainan ay aking nadatnan si Ama na naka-upo na sa kabisera ng lamesa at si Ina naman sa kanyang kanang bahagi. Nang kanila akong makita ay agad na gumuhit sa kanilang mga labi ang isang ngiti.

Agad akong umupo sa aking pwesto ng upuan sa hapag-kainan at nagsimula na kaming magdasal bago kumain.

“Aking naiisip si Juan.”, biglang sambit ni Ina sa gitna ng aming pagkain, kanya ko siyang nakita na nakatingin sa upuan na aking katabi kung saan naka-pwesto dapat ang aking kapatid.

Aking nakita ang paghawak ni Ama sa kamay ni Ina na nakapatong taas ng hapag.

“Huwag kang mag-alala, Linda. Nasa maayos silang kalagayan lalo pa’t kasama nila si Heneral Almario.”, pagsisiguro ni Ama kay Ina.

Sa sinabing ito ni Ama ay aking nakita ang pagwala ng pag-alala sa mukha ni Ina at ngumiti ito kay Ama.

“Tama ka nga, Ismael. Hindi dapat ako mag-alala.”, tugon ni Ina kay Ama at nagpatuloy na silang kumain.

Napa-ngiti ako sa tagpo nilang ito dahil kitang-kita ang pag-alaga at ang pagmamahal nilang dalawa. Akin ng ibinaling ang aking atensyon sa pagkaing nakahain sa aking plato at mag-uumpisa na muling kumain ng tawagin ni Ina ang aking atensyon.

“Kay Carlo ba galing iyan?”

“Po?”, aking tanong balik sa kanyang sinabi ng may pagtataka ngunit ng makita ko siyang nakatingin sa aking may bandang dibdib ay napatingin din ako dito at doon ko nakita ang singsing na nakasabit sa aking kwintas.

“Ahhh opo.”, sabay aking tango sa kanya at akin ding nakita ang kanyang pag-ngiti pabalik sa akin at muling kumain.

Akin na rin sanang uumpisahan muli ang pagkain nang mabaling ang aking atensyon kay Ama na nakatingin lamang sa akin.

“Bakit po, Ama?”, ngunit wala siyang naging tugon at umiling lamang ito at nag-umpisa na rin muling kumain.

~Punto de Vista de Carlo~

“Maghanda na kayo at malapit na tayo, isang bayan na lamang ang layo natin sa Sta. Clara.”

Mula sa malalim na pag-iisip ay pawang nabalik ako sa reyalidad ng aking marinig ang tinig ni Heneral Almario.

“Lalim ng iniisip mo.”, pahayag ni Juan na dahilan ng pagbaling ng aking atensyon sa kanya.

“Hindi, wala ito.”

Biglang nabalik ang aking pag-iisip sa mga pangyayari kanina bago kami umalis ng bahay panuluyan.

*Pagbabalik-tanaw*

Napamaulagat ako sa lakas ng katok nagmumula sa pinto ng aking silid at ang malakas na pagtawag sa akin ng aking pangalan ng tao sa labas.

“Carlo?”

Ako ay dahan-dahang bumangon sa aking higaan at umupo dito, napahilamos ng aking mukha gamit ang aking dalawang mga kamay upang kahit papaano ay matanggal ang antok na aking nararamdaman.

‘Isang panaginip?’, aking tanong sa aking sarili.

Hindi nagtagal ay tuluyan na akong tumayo at lumapit sa pinto sa kadahilanang patuloy pa rin na pagkatok at pagtawag ni Juan sa aking pangalan at sa paglipas ng oras ay palakas ito ng palakas.

“Carlo?”

“Carlo!”

“Car—“, agad na sumalubong sa aking ang naka-uniporme ng si Juan, ang bibig nito ay nakabuka pa at ang isang kamay nito ay nakataas pa na naka-ambang kakatok ng aking biglang binuksan ang pinto.

Nang kanya naman akong nakita ay agad niyang binaba ang kanyang kamay kasabay ng pagkunot ng kanyang noo.

“Ang tagal mo.”, reklamo niya at saka pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan na mas lalong ikinakunot pa ng kanyang noo.

“Kakagising mo lang?”

Tanging tango lamang ang aking naging tugon sa kanyang tanong.

Isang buntong hinga lamang ang kanyang pinakawalan. "Kung gayon ay magmadali ka’t maghanda sapagkat malapit na tayong magpatuloy sa ating paglalakbay.”, at katulad ng nauna ay tanging tango lamang ang aking naging tugon sa kanya na kanya ring ginawa at marahang kong isinara ang pinto.

Ako ay tumungo sa silid paliguran at naglinis ang aking katawan, matapos ay lumabas na rin ako agad at nagbihis ng aking uniporme gaya ni Juan at inayos ang aking mga gamit.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay natapos ako sa aking ginagawa at lumabas na ng silid-pahingahan at bumaba ng hagdan. Doon ay nakita ko si Juan na nag-aabang sa aking sa may pinto ng gusali, agad ko siyang nilapitan at doon ay nakita ko rin ang kalesa na nag-aabang sa labas ngunit aking napansin na wala ang heneral.

"Ang heneral?”, kasabay ng aking tanong kay Juan ay siya ring pag-uumpisa nito ng lakad patungo sa naghihintay na kalesa.

Nasa kanyang silid pa.”

Sa tugon ni Juan ay tumango na lamang ako at agad na inilagay ang kustal (bag) ng aking mga gamit sa likurang bahagi ng kalesa.

“May nangyari ba?”, biglang sambit ni Juan.

“Ha?”

“Minsan ka lamang tanghaliin ng iyong gising at kadalasan ay nauuna ka pa sa manok kung gumising.”, seryoso niyang sabi ngunit sa bandang dulo ang natawa ito sa kanyang sariling biro na akin ding ikinatawa.

Hindi nagtagal ay natigil ang kanyang pagtawa at tumingin ng daretso sa pinto ng bahay panuluyan at doon namin nakita ang Heneral na papalabas. Sa kanyang pagtapat sa amin ay sabay kaming sumaludo ni Juan na tinanguan lamang ng Heneral at dumaretso ito ng sakay sa harapang bahagi ng kalesa na siya naming sinundan din ng sakay sa likuran.

“Ngunit kapag ito ay nangyari ay aking nalalaman na may hindi magandang nangyari”, sa kanyang sinabi na napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakamasid sa kapaligiran.

Yumuko na lamang ako at pinagsalikop ang aking mga kamay. “Wala. Wala, Juan.”

*Kasalukuyan*

Tama, wala iyon. Isa lamang iyong walang kabuluhang panaginip.'

Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon