VI

89 19 34
                                    

~Punto de Vista de Elisa~

Araw ng lunes.

Nandito ako ngayon sa aking silid kasama si Amelia upang tulungan ako sa paghahanda para sa mga darating na panauhin. Nakaupo ako sa isang bangko sa harap ng tokador sa isang gilid ng aking silid habang inaayusan ni Amelia ang aking buhok.

Tatlong araw na ang nakararaan mula nung araw na ipinaalam sa akin ang tungkol sa pag-iisang dibdib namin ni Danilo.

Tatlong araw na ang nakalipas ngunit hindi parin ako lubos na makapaniwala na ikakasal ako sa kanya.

Lubos na ipinaintindi sa akin ni Ina kung bakit sila nagdesiyon ng ganoon pero hanggang ngayon ay parang ayaw pa rin tanggapin ng aking damdamin ang mga nangyayari.

“Elisa.”, tawag pansin sa akin ni Amelia.

“Hmm.”, habang nakatingin ako sa salamin ng tokador at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

“Wala naman.”, tugon niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng aking buhok.

“Amelia, natatandaan mo pa ba noong mga bata pa lamang tayo ni Danilo, yung isang beses na pinagtaguan natin siya?”, tanong ko kay Amelia ng may ngiti.

Nakita kong napangiti rin si Amelia sa aking sinabi. “Ikaw lang ang nagtago kay Danilo noon, hindi ako kasama. Ako ang pinagtanungan niya kung nasaan ka, pero ang sinabi ko ay hindi ko rin alam kung nasaan ka tapos kunwari ay sinamahan ko siyang hanapin ka.”, sabay kaming napatawa ni Amelia dahil sa alaalang iyon.

“Oo, tapos bandang huli ay ginulat ko siya tapos sabay tayong tumakbo dahil sa paghabol niya sa atin...”, unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi nang aking maalala ang mga sumunod na pangyayari sa alaalang iyon.

Inatake ako ng aking sakit noon at bigla akong nawalan ng malay, sa aking muling paggising ay nakita ko na lamang na nasa silid pagamutan na ako, nasa aking tabi si Amelia habang si Danilo naman ay nasa isang sulok at parang hindi makatingin sa akin ng daretso.

Ilang araw ako noon sa ospital at araw-araw ay dinadalaw ako nina Señor at Señora Bartolome at lagi rin nilang kasama si Danilo. Ngunit ni-isa beses lamang ay hindi ako kinausap ni Danilo, nasa isang sulok lamang siya, tahimik at nakamasid. Ibang-iba sa Danilong aking kilala. Tuwing makikita niyang ako’y nakatingin sa kanya ay umiiwas ito ng tingin at yuyuko na lamang, mananatili siyang nasa ganoon hanggang sila ay magpaalam na upang umuwi.

Yun huling beses na nakipaglaro ng ganoon sa akin si Danilo. Madalas pa rin sila kung bumisita sa amin noon ng kasama si Danilo ngunit ito ay naging mailap at iwas sa akin hanggang sa lumipas ang ilang taon ay bigla na lamang hindi sumama si Danilo sa pagbisita sa amin, ang sabi nina Señor at Señora Bartolome ay nagtungo si Danilo sa Europa upang doon ay mag-aral.

Simula ng araw na iyon ay hindi ko na muli pang nakita si Danilo, ni kahit sa mga sulat na aking pinapadala sa kanya ay hindi niya tinutugunan kaya wala akong balita patungkol sa kanya. Nagkakaroon lamang ako ng balita patungkol sa kanya ay tuwing bibisita sa amin sina Señor at Señora Bartolome at kanilang ibinabalita ang tungkol sa aking kaibigan.

“Tapos na.”, naputol ang aking pag-iisip dahil sa sinabi ni Amelia at napatingin ako sa salamin.

Lubos ako napahanga sa ginawa ni Amelia. Ang natural kong kulot na buhok ay hinati ni Amelia sa dalawa at itinirintas pagkatapos ay ipinaikot sa likod ng aking ulo at niligyan ng mga magagandang horquilla upang hindi matanggal sa pagkakaayos.

Ang aking hugis pusong mukha ay mas lalong nadepina dahil sa klase ng ayos na kanyang ginawa. Kitang kita ngayong ang aking may katamtamang kapal na mga kilay, ang mga mahahaba kong pilik-mata, ang aking medyo bilugan at kulay tsokolateng mata, ang maliit at may katamtamang tangos ng ilong at medyo matambok at mamula-mulang mga pisngi at ang aking manipis na mga labi.

Nilingon ko si Amelia. “Salamat, Amelia, sobrang ganda.”, nakangiti kong papuri sa kanya at saka muling tinignan ang aking sarili sa salamin.

Tunay talagang ako’y kanyang napahanga sa kanyang ginawa.

“Walang anuman, dapat talaga maganda ka dahil ikakasal kana.”, tukso sa akin ni Amelia.

Sa sinabing ito ni Amelia ay nakangusong nilingon ko siya at kita ko sakanya ang isang pilyong ngiti.

“Hindi pa, sa susunod na taon pa.”

“Doon din naman ang punta nun.”, sabi ni Amelia at tuluyan na siyang natawa na nagpatawa din sa akin.

Naputol ang aming tawanan dahil may kumatok sa pinto ng aking silid at sandali lamang ay bumukas ito at bumungad sa amin si Ina at sinabing nakarating na ang mga panauhin.

Pagkatapos noon ay tumayo na ako at inayos ang aking suot, nakasuot lamang ako ng isang simpleng traje de mestiza, mataas na bakya at tinernuhan ng joyas de perlas. Sa aking suot ay natulungan nitong mangibabaw ang aking mala-porselanang kutis.

Sabay-sabay kaming lumabas ng aking silid at tinungo ang daan papunta sa silid tanggapan. Habang tinutungo ang daan ay humiwalay sa amin ng daan si Amelia at tinungo ang daan papunta sa kusina upang doon ay tumulong sa mga gawain.

Habang papalapit sa silid tanggapan ay hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil ito ang unang beses kong makikita si Danilo makalipas ng ilang taong hindi namin pagkikita at pag-uusap.

Nang kami ay makarating sa silid tanggapan ay aking unang nakita sina Señor at Señora Bartolome na kausap ang aking Ama ngunit ang naka-agaw ng aking atensyon ay ang isang binata na biglang tumayo.

Ang binata ay may maamong mukha, may bilugang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi na talaga namang pamilyar sa akin. Siya ay may katamtamang taas at may morenong kutis, ang kanyang katawan ay hindi payat at hindi rin ganoon kalakihan, ito ay katamtaman lamang.

Kanyang suot ang kanyang barong na tinernuhan ng itim ng pang-ibaba, ang ayos ng kanyang buhok ay nakahawi sa isang gilid na isang pang bagay na pamilyar para sa akin.

Kita ko na hindi ito umiimik at nakatayo lamang sa kanyang pwesto, aking nakita na medyo kinalabit ito ni Señora Leonora at aking nakita na medyo napakurap ang binata at saka ito dahan-dahang naglakad sa kinatatayuan namin ni Ina.

“Señora Elena.”, nakangiti nitong turan kay Ina at kinuha ng ang kamay ni Ina at hinalikan ito. Napangiti si Ina sa ginawa ng binata.

Sumunod naman ay bumaling sa akin ang binata at kinuha nito ang aking kamay at gaya ng ginawa niya kay Ina ay hinalikan niya din ito, “Elisa.”

Pagbanggit niya sa aking pangalan na dahilan ng aking pagtitig sa kanya.

“Danilo?”

Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon