~Punto de Vista de Elisa~
Matapos kong madinig ang pahayag na iyon ay bigla na lamang akong nabulunan sa aking kinakain sanhi ng aking biglaang pag-ubo, akin ding nabitiwan ang kubyertos na aking hawak na naging sanhi ng ingay na nagpa-dako ng atensyon nilang lahat sa akin.
Marahang hinagod ni Ina ang aking likod upang maibsan ang ubo na aking nadarama at inabutan ako ng isang basong tubig na aking ininom ng dahan-dahan.
“Ayos ka lang ba, anak?”
Dinig kong tanong sa akin ni Ama, halata sa kanyang tono ang pag-aalala ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha dahil ako ay napapapikit na lamang sa aking patuloy na pag-ubo.
“Elisa…” napatingin ako kay Danilo na tinawag ang aking pangalan at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“Siguro ay nabigla lamang siya.”, pahayag ni Ina habang hinahagod parin ang aking likod.
“Siguro nga.”, pagsang-ayon naman ni Señora Leonora kay Ina.
Nang humupa na ang aking ubo ay uminom ulit ako ng tubig at marahang pinunasan ang aking mga labi gamit ang isang maliit na pañuelo.
Ngumiti ako ng alanganin sa kanilang lahat, “P-Paumanhin po sa inyong lahat kung kayo man po ay aking pinag-alala.” , hinging patawad ko sa kanilang lahat habang isa-isa silang tinignan.
Kita ang pagbabago ng ekspresyon ng kanilang mga mukha, mula sa pag-aalala ay napalitan ito ng kaluwagan ng pakiramdam.
Matapos na masiguro na ayos na ang lahat ay nagpatuloy ng muli kami sa pagkain, ngunit hindi pa rin nakaligtas sa aking paningin ang panaka-nakang tingin sa akin ni Danilo ng may pag-aalala.
Ginawaran ko na lamang siya ng isang tipid na ngiti na kanya rin namang ginantihan at marahang tumango sa aking gawi at nagpatuloy na siyang muli sa kanyang pagkain.“Crisostomo, hindi ba’t parang napaka-aga pa para pag-usapan ang bagay na iyan?”, dinig kong tanong ni Ama kay Señor Crisostomo.
Napa-angat ang aking tingin sa dalawang ginoo at akin ding napansin na hindi lang pala ako ang nabaling ang atensyon sa mga ginoo kundi ay pati na rin sina Señora Leonora, Ina at Danilo ay natigil sa kanilang mga pagkain at nakikinig sa usapan ng mga ito.
“Alam ko ang iyong nararamdaman Edgardo ngunit sa susunod na taon na magaganap ang kasalan kaya sa tingin ko ay tama lamang na ito ay mapag-usapan na ngayon palang.”
Tanging tango na lamang ang naigawad na tugon ni Ama kay Señor Crisostomo at kanya ng binitawan ang kubyertos na kanyang hawak atsaka sumandal sa sandalan ng kanyang upuan.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ama, “Sa tingin ko ay tama ka nga, Crisostomo.”
Sa tugon na ito ni Ama ay kanila ng inumpisahan ang kanilang mga pag-uusap patungkol sa kasal namin ni Danilo. Akin ding napansin na sumali na rin ang dalawang ginang sa pag-uusap.
Yumuko na lamang ako at tinignan ang aking pinggan na hanggang ngayon ay puno parin ng pagkain at halos walang bawas.
Gusto ko man itong kainin muli at ubusin ay hindi ko magawa, para bang nawalan ako bigla ng ganang kumain sa hindi malamang dahilan. Ginalaw-galaw ko na lamang ang pagkain sa aking pinggan na para bang pinaglalaruan ang mga ito.
Isang tapik sa aking kaliwang balikat ang nakapag-pabalik sa akin sa reyalidad at aking tinignan kung sino ito. Nakita ko si Danilo na nakatayo sa aking gilid habang nakalahad ang kanyang kaliwang kamay sa akin. Akin itong inabot at marahan niya akong hinila patayo, magsasalita na sana ako ng siya ay sumenyas na ako ay tumahimik at hinila ako palayo.
Tinungo namin ang isang bahagi ng señorìo kung saan malayo sa pinaggaganapan ng salu-salo. Bilog at ang liwanag na hatid ng buwan ay nakatulong sa aming paglalakad patungo sa amin paroroonan at sa paghahanap ng pwesto sa aming pinuntahan.
Nang kami ay makahanap na ng pwesto ay humarap siya sa akin at ngumiti.
“Maayos na ba ang iyong pakiramdam?”, tanong niya sa akin.
Sa tanong niyang ito ay hindi ko napigilan ang aking pagtataka na siyang dahilan ng pagkunot ng aking nuo at marahang umuling na tanda ng hindi ako pagkakaintindi sa kanyang tanong.
Mas lumawak ang kanyang ngiti at mahinang tumawa sa aking inasal.
“Maayos na ba ang iyong pakiramdam, binibini. Akin kasing napasin na medyo hindi ka komportable sa paksa ng usapan ating mga magulang.” , sa kanyang sinabi na ito ay saka ko lamang naintindinhan ang kanyang punto sa kanyang unang tanong.
Marahan akong umiling sa kanya at ngumiti ng malawak, “Maraming salamat sa iyong pag-aalala sa aking kalagayan, Danilo. Maayos ang aking pakiramdam, medyo nailang lamang ako sa kanilang pinag-uusapan ngunit maayos ang aking kalagayan.” , paliwanag ko sa kanya at aking nakita sa kanyang mukha na para bang nabawasan ang kanyang mga problema.
“Mabuti kung ganoon.”, kanyang tugon sa akin.
Matapos iyon ay saka ko lamang napansin na hawak pa pala niya ang aking kamay, kanyang napansin ang aking biglang pagtahimik at sinundan ng kanyang tingin kung nasaan ang aking atensyon. Nang kanyang makita ang dahilan ng aking pagtihimik ay bigla niyang binitawan ang aking kamay na nakapagpa-tingin sa akin sa kanya at aking napansin na nag-iwas siya ng tingin at para bang namumula ang kanyang tainga at parang may mga namumuong maliliit na pawis sa kanyang nuo.
Sa kanyang itsurang ito ay hindi ko napigilang mag-alala.
“Ayos ka lang ba, Danilo?”
Bigla siyang napatingin sa akin at mababakas sa kanyang mukha ang pagtataka.
“Paumanhin ngunit ano ang iyong sinabi?”
“Ang sabi ko ay ayos lang ba ang iyong pakiramdam, namumula ang iyong mga tainga at ikaw ay pinagpapawisan.”, matapos kong sabihin ito ay hindi ko napigilan ang aking sarili na punasan ang mga butil ng pawis sa kanyang nuo gamit ang aking pañuelo.
Matapos ko itong gawin ay aking napansin na ngayon ay hindi na lamang ang kanyang tainga ang namumula kundi ang kanyang buong mukha at ang kaninang ilang butil lamang na mga pawis ay ngayon ay dumami.
Aking inilapat ang likod ng aking palad sa nuo ni Danilo na siyang dahilan ng kanyang biglang pagpitlag, aking naramdaman na para siyang nilalagnat sa init na aking nadama mula sa kanya, “Mahabaging langit, Danilo, ikaw ay nilalagnat.”
Nagulat siya sa aking sinabi, aalis na dapat ako upang sabihin sa mga nakakatanda ang balitang aking nalaman at tatawagin ang manggagamot ng kanya akong pigilan sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay.
“A-Ahmm...Tanggalin mo sa iyong kalooban ang pag-aalala, Elisa, sapagkat aking nasisiguro na ako’y walang sakit.”, nauutal at mabilis niyang sabi sa akin.
“Sigurado ka ba sa iyong sinasabi?”, may pag-aalala kong paninigurado sa kanya.
Ngumiti ito sa akin, “Aking nasisiguro.”
Sa kanyang pinakita at sinabi ay medyo napanatag na ang aking kalooban ngunit hindi ko parin maiwasan ang mag-alala.
Ngumiti ako sakanya ng munti.
“Kung iyan ang iyong sinasabi, ay nasisiguro ko na ako sa iyo ay naniniwala.”
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...