PRÓLOGO

151 34 68
                                    

Sa istoryang ito ay maiuulat ang pag-iibigang hindi naisulat ng kasaysayan.

Pag-iibigang natabunan ng panahon at ng pagkakataon.

Apat na katauhan ang magtatagpo, apat na puso ang sisigaw ng pag-ibig na kanilang tinataglay.

Isang pusong umaasang mamahalin siya ng matagal na niyang iniibig.

“Kaya kong ibigay sa'yo ang mga bagay na hindi niya kayang ibigay at higitan naman ang mga bagay na kanyang ibinibigay, pakiusap ko lamang sa iyo na huwag mo akong iwan.”

Isang pusong umaasa sa pangakong sa kanya ay binitawan.

“Akala ko ba ako lang?! Nangako ka sakin! Nangako ka sa akin na ako’y iyong babalikan at tutuparin ang lahat ng mga pangakong iyong binitawan sa akin!”

Isang puso ang nakagapos sa piling ng iba.

“Wala akong pakielam sa kanilang mga iisipin at sa kanilang mga sasabihin dahil mahal kita at iyon ang mahalaga!”

Isang puso na nakakulong sa isang kasunduan.

“Maling mali na ipagpatuloy pa natin ito, una pa lamang ay mali ng tayo. Nakatadhana ako sa iba habang ikaw naman ay may pinangakuang iba.”

Sa kalagitnaan ng nalalapit na kasalan at trahedya ay uusbong ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang puso na hindi maaaring magsama.

“Mahal na mahal kita, hanggang sa susunod na buhay ay ikaw lamang ang aking mamahalin at patuloy na mamahalin.”

“Ikaw at ikaw parin hanggang sa dulo ng walang hanggan, Amor.”

Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon