XI

40 8 1
                                    

~Punto de Vista de Elisa~

Mabilis na lumipas ang mga araw at narito kami ngayon sa hardin sa likod ng señorìo. Abala ang lahat para sa gaganaping salu-salo para sa Noche Buena kasama ang mga Bartolome.

Matapos ng tagpong muling pagbisita ng mga Bartolome sa amin at ang ginawang pag-hinging permiso ni Danilo kay Ama ay marami ang nangyari.

Naging mas madalas ang ginawang pagdalaw nina Señor Crisostomo at Señora Leonora upang makipag-kwentuhan sa kanila Ama’t Ina, ngunit ang mas madalas na dumalaw ay si Danilo. Halos tatlong beses sa isang linggo kung dumalaw si Danilo kahit pa na hindi niya kasama sina Señor at Señora Bartolome ay pumupunta siya dito.

Matapos nung araw ng lunes na iyon ay lumipas lamang ang isang araw at araw naman Miyerkules ay nasa aking silid lamang ako nung sinabi sa akin na dumating si Danilo at dumadalaw. Labis ang aking gulat noon at akin siyang pinuntahan sa silid tanggapan kung saan siya naghihintay at akin ding nalaman na hindi niya kasama sila Señora Leonora at siya lamang mag-isa.

Ang aking buong akala ay si Ama ang kanyang sadya at baka sila ay may importanteng pag-uusapan ngunit ang sabi niya ay ako ang kanyang sadya at lubos ang aking pagkagulat nang binigyan niya ako ng isang bungkos ng pulang mga rosas, ang aking paboritong bulaklak.

Sa bawat pagdalaw na kanyang ginagawa ay laging niya akong binibigyan ng isang bungkos ng bulaklak na akin namang labis na ikinatutuwa. Dahil din sa kanyang ginawang mga pagdalaw ay nabuno namin ang mga oras na hindi kami nagkita at nagka-usap ng mahabang panahon, pinag-usapan namin ang lumipas na panahon na hindi kami nagkita, ang mga kaganapan at pangyayari sa lumipas na panahon.

Señorita.”, tumigil ako sa aking ginagawang pag-aayos ng mga lamesa at tumingin sa pinanggalingan ng tinig na tumawag sa aking pangalan.

Aking nakita ang isang ginang na may katandaan ang itsura bilang ebidensya ng kanyang edad na singkwenta’y tres ngunit masigla parin at malakas ang kanyang pangangatawan.

Ngumiti ako dito, “Manang Dolor?” ang ina ni Amelia at ang mayordoma dito sa señorìo.

Marahan itong yumukod at muling tumingin sa akin, “Narito na po ang mga panauhin.”, pagbibigay-alam niya sa akin.

Muli ay ngumiti ako dito at nagsabi ng pasasalamat at umalis na rin ito upang ipagpatuloy ang kanyang natigil na gawain.

Muli akong humarap sa aking naudlot na gawain at pinakatitigan itong mabuti, nang ito ay ayos na sa aking paningin ay pumasok na ako sa loob ng señorìo upang batiin ang mga bagong dating.

Tumungo ako sa harap ng señorìo kung nasaan ang malaking entrada papasok ng señorìo, nakita ko na naroon na sina Ama’t Ina kasama sina Señor at Señora Bartolome na nagbabatian. Nakita ko naman si Danilo sa bandang likod ng mga nakatatanda.

Lumapit ako sakanila ng may ngiti sa aking mga labi.

“Magandang gabi at maligayang pasko po, Señor Crisostomo, Señora Leonora.”, bati ko dito ng nakangiti.

“Elisa!”, si Señora Leonora at tumungo sa aking pwesto at ako’y niyakap na ginantihan ko rin naman. Ilang sandali lamang ay kumalas na kami sa yakap at nakita ko namang nasa kanyang tabi na si Señor Crisostomo.

“Magandang gabi at maligayang pasko rin, iha.”, nakangiting bati sakin ng ginoo.

Gumanti na lamang ako rito ng ngiti at nilingon si Danilo ng aking mapansin na ito ay papalapit sa aking kinatatayuan.

“Magandang gabi at maligayang pasko, binibini.”, si Danilo na ngayon ay marahang kinuha ang aking kamay at marahang hinalikan. Gaya ng nakasanayan na niyang gawin ay binigyan niya ako muli ng isang bukos ng pulang mga rosas. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa kanyang ginawa.

Aking nahihiyang kinuha ang isang bungkos ng mga bulaklak mula sa kanyang mga kamay at saka yumukod.

“Magandang gabi at maligayang pasko din, Danilo, at s-salamat sa mga bulaklak.”, nahihiya kong turan sa kanya.

“Walang anuman, Elisa.”, narinig ko ang kanyang marahang tugon.

Aking pansin na tila ba’y parang tumahimik ang paligid, ngunit ay hindi ko pa rin magawang iangat aking tingin dahil sa aking hiyang nararamdaman.

Ilang sandali lamang ay may narinig akong mahinang ubo na dahilan ng biglang pag-angat ng aking tingin at aking nakita si Ama na nakatingin sa akin…sa amin. Pansin ko sa paligid na lahat sila ay nakatingin sa amin, si Ina, pati na rin sina Señor Crisostomo at Señora Leonora na malalaki ang ngiti sa kanilang mga mukha.

Saka ko lamang napagtanto na hawak pa rin ni Danilo ang aking isang kamay.

Nahihiyang binawi ko ang aking kamay mula sa kanyang hawak at ngumiti sa kanilang lahat.

Halina at tayo’y magtungo sa hardin.”, sabi ni Ama at nanguna sa pagpunta sa hardin ng señorìo.

Bago ako sumunod sa kanila ng pagpunta sa hardin ay ipinaabot ko muna sa isang katulong ang bigay na mga bulaklak sa akin ni Danilo at ipinahatid ito sa aking silid. Matapos kong magpasalamat ay tutungo na sana ako sa hardin ngunit ako ay nagulat ng aking mapansin na nasa aking likod si Danilo at tila ba’y hinihintay ako, ang akala ko ay sumunod na siya sa mga nakakatanda ngunit nginitian lamang niya ako at iginaya upang sumunod na sa pagpunta sa hardin.

Habang patungo sa hardin ay nauuna si Ama at Señor Crisostomo habang nag-uusap kasunod nila sina Ina at Señora Leonora habang kami naman ni Danilo ay nahuhuli.

Paumanhin sa aking inasal kanina, Elisa.”, biglang sabi ni Danilo, dahilan ng aking pagtingin sa kanya.

Ngumiti ako sakanya at marahang umiling, “Wala iyon, Danilo.”, at mas nilakihan ang aking ngiti upang kanyang makita na ayos lamang iyon.

Pagkatapos niyon ay wala ng ni isang kumibo sa amin at tahimik na nagtungo sa hardin kung nasaan gaganapin ang salu-salo.

Padating sa hardin ay kitang naka-ayos na ang lahat, iniaahin na lamang ng mga katulong ang mga pagkaing pang-Noche Buena.

Pumunta na kami sa aming mga kanya-kanyang pwesto, si Ama sa kabisera, si Señor Crisostomo sa kanyang kaliwa at katabi naman nito si Señora Leonora, si Ina naman ay nasa kanan at sumunod naman ako. Aking hihilahin na dapat ang aking upuan sa tabi ni Ina pero ako ay nagulat ng maunahan ako ni Danilo sa gawain at kanyang hinila ang aking upuan upang ako ay tuluyang umupo na lamang. Nang ako ay makaupo na ay nun na lamang siya pumunta sa kanyang pwesto sa tabi ni Señora Leonora, kaharap ng aking pwesto upang doon ay umupo.

Sa ginawang ito ni Danilo ay kita ko ang kasiyahan sa mga mukha ng mga ginang at ng mga ginoo.

Pagka-upo ni Danilo sa kanyang pwesto ay agad din kaming nag-umpisa ng aming pagkain.

“Atin ng pag-usapan ang tungkol sa pag-iisang dibdib nina Elisa at Danilo.”

Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon