~Danilo Bartolome~
Noong una pa lamang ay may lihim na akong pagtingin sa kanya, pag-ibig na hindi ko masabi dahil sa inuuhan ng kaba ang aking dibdib.
Hindi ko gusto na umalis ng walang paalam, umalis ng biglaan, lumisan ng hindi mo alam, ngunit iyon ay kailangan. Umalis ako ng hindi siya manlang sinisilayan sa huling pagkakataon at ang kanyang mga liham ay aking hindi tinugon.
Umalis ako upang ang pagkakamaling aking ginawa ay malutasan, upang ang kanyang paghihirap ay mawakasan.
Umalis ako ng hindi manlang sinasabi sa kanya ang aking tunay na nararamdaman, ngunit heto ako ngayon nagbabalik mula sa malayong lugar handang ipakita ang matagal ng dinaramdam.
Handang na akong ipadama sa kanya ang aking wagas na pag-ibig para sa kanya, sa sintang aking minimithi at pinapangarap.
Kung ang kasunduan man ang tanging paraan upang ang pangarap ay aking makamit, ito ay aking gagamitin upang ikaw ay matawag na akin.
Panalangin sa Diyos na sana ay masuklian ang aking pag-ibig para sa iyo, sa langit na bughaw ako ay hihiling at sa mga tala na aking pilit na aabutin para lamang ikaw ay aking makapiling.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...