~Punto de Vista de Carlo~
“Si Isabel ba ang may bigay niyan.”, mula sa aking pagkatulala ay nabaling ang aking tingin sa aking kaliwa kung saan naka-upo ang aking matalik na kaibigan na nakatingin sa kwintas na aking hawak.
Yumuko ako upang pagmasdan ang kwintas at tumango dito. “Oo.”
Ito ay yari sa tanso, ang palawit nito ay isang maliit na bilog kung saan naka-ukit ang isang imahe ng Birheng mahal at sa likod naman ay ang Poong naka-pako sa crus, ang pinaka-kwintas ay may ordinaryong disenyo lamang at ito ay ginagamitan ng maliit na seradura kapag ito ay gustong isuot o di kaya’y tanggalin.
Ang kwintas ay aking isinuot at muling binalingan ng tingin ang aking kaibigan na ngayon ay nakamasid sa tanawin na nadadaanan ng kalesa aming sinasakyan na hila ng isang kabayo habang ito ay minamando ng isang kutsero.
Nang kanyang maramdaman na ako ay nakamasid sa kanya ay kanyang ibinaling sa akin ang kanyang atensyon at ako ay pinakatitigan.
“Paki-usap ko lamang sa iyo, Carlo.”, sa kanyang turan ay alam kong ito ay seryoso at ibinaling dito ang aking buong atensyon dahil minsan lamang maging seryoso ang isang Juan Feliciano at kapag ito ay nagseryoso ay alam na ito ay totoo.
“Huwag na huwag mong sasaktan ang aking kapatid dahil sa oras na iyong gawin ito ay kahit pa na matalik kitang kaibigan ay hindi ako magdadalawang isip na kalimutan ang ating pag-kakaibigan at saktan ka ng labis.”“Oo, Juan. Huwag kang mag-alala dahil wala sa aking isipan na saktan si Isabel at isa pa lubos ko siyang mahal upang siya ay aking saktan.”, habang aking sinasabi ito ay muli kong pinagmasdan ang kwintas na ngayon ay aking suot at hinwakan ito ng mahigpit.
Lingid sa aking kaalaman munting pag-ngiti ni Juan at akin na lamang naramdaman ang mahinang tapik nito at ang marahang pagyugyog nito sa akin na muling nagpabaling ng aking tingin sa kanya at aking nakita ang kanyang malawak na ngiti.
“Hay naku kapatid ko, ano ba itong ginawa mo sa kaibigan ko at naging ganito ito.”, natatawang pahayag nito na ikina-kunot ng aking noo at tinanggal ang kanyang kapit sa aking balikat na mas lalo lamang nitong ikinatawa.
Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena pagdating kay Juan, hilig nito ang asarin ako tuwing aking sinasabi sa kanya kung gaano ko kamahal ang kanyang kapatid. Lagi nitong sinasabi na kapag kami ay nasa labanan ay para akong isang manok panabong na hindi umaatras sa isang laban ngunit pagdating sa kanyang kapatid ay para akong isang tuta kung makapag-lambing kay Isabel.
Sa ingay tumawa ni Juan ay nabaling ang atensyon sa amin ni Heneral Almario. Ito ay lumingon sa amin mula sa kanyang pwesto sa harapan katabi ng kutsero.
“Ano ba ang mayroon sa inyong dalawa at panay ang tawa ni Feliciano?”
“A-ano po k-kasi—“, si Juan na hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil sa kakatawa.
“Wala ho iyon, Heneral.”, aking tugon at tumango naman ito ngunit hindi nakaligtas sa akin ang kanyang nagtatakang tingin kay Juan.
“Sige, tayo ay maghahanap muna ng ating pansamantalang matutuluyan sapagkat malapit ng mag-gabi at malayo-layo pa ang ating lalakbayin patungong Sta. Cruz.”, pagbibigay alam nito sa amin na nakapag-patahimik kay Juan at ibinalik ang kanyang atensyon sa harapan.
Sa sinabing ito ng Heneral ay saka ko lamang napansin ang papalubog na araw sa aming gawing kanluran kung saan naroon ang mahabang bulubundukin at unti-unti na ngang nababalot ng dilim ang paligid.
Hindi rin nagtagal ay huminto ang karwaheng aming sinasakyan sa tapat ng isang bahay panuluyan sa isang bayan na kung tawagin ay Tanawagan, ang ikatlong bayan bago ang Sta.Cruz. Tumuloy kami sa bahay panuluyan, ang estraktura nito ay yari sa matibay na kahoy, may dalawang palapag kung saan naroon ang mga kwartong pahingahan habang sa unang palapag naman ang tanggapan, kusina at kainan at ang kwarto ng mismong may-ari.
Sandaling kina-usap ni Heneral Almario ang may-ari at amin ng tinahak ang mga baitang paakyat sa ikalawang palapag.
Sa aking pagtapat sa pinto ng aking silid ay biglang pumuhit ng tingin ang Heneral sa amin ni Juan.
“Kayo ay magpahinga na at mahaba pa ang ating lalakbayin bukas.”, kami ay sumaludo na lamang ni Juan sa kanya at ito ay hinintay na makapasok sa sarili nitong silid. Nang amin ng natiyak na ito ay nakapasok na sa sariling silid ay akin ng hinawakan ang seradura ng pinto ng sariling kwarto at pinihit ito at tuluyang ng pumasok.
Sa aking pagpasok sa kwartong inilaan para sa akin ay marahan kong isinara ang pinto at isang buntong hininga ang aking pinakawalan at dahan dahang lumapit sa higaan at naupo dito. Kasabay ng aking pag-upo ay aking tinanggal ang panglabas na damit ng aking unipormeng pang-sundalo at ang natira lamang dito ay ang aking pangloob na camiso de chino at pantalon pang-sundalo. Sa ginawa kong ito ay aking narinig ang isang mahinang kalanseng na ginawa ng kwintas na aking suot, ito ay aking inangat gamit ng aking kanang palad at pinakatitigan.
“Isabel.”, mahinang sambit ng aking sarili.
At ito ay aking inilapit sa aking dibdib habang hawak ito ng mahigpit at napatungo sa buwan na maliwanag na aking tanaw sa maliit na bintana ng aking kwarto.
Suot ang damit pantrabaho at hawak ang isang salakot. Magandang tanawin sa aking paligid, napapalibutan ng luntiang mga damo at iba’t ibang uri ng mga bulaklak sa paligid, mga paru-paru na nagsasyawan malapit sa mga bulaklak, mabangong amoy na dulot ng mga bulaklak, malakas na hangin ang aking nadadama.
Mula sa aking pagtanaw sa aking kapaligiran ay aking nakita ang isang pigura ng tao sa di kalayuan, sa unang tingin ay tanging pigura lamang ang aking nakikita ngunit sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay unti-unti itong luminaw at aking naaninag na ang pigura ay isang binibini.
Habang tumatagal ay dumaan sa aking isipan ang isang ideya na pawang pamilyar ang pigura ng binibini sa aking harapan, kung paano ito tumundig kahit pa na ang mukha nito ay hindi ko maaninag sa kadahilanang ito ay nakayukyok sa kanyang dalawang kamay at ang mga balikat nitong yumuyugyog na pawang ito’y umiiyak, ang kasuotan nitong traje de mestiza na sadyang napaka-pamilyar na parang kailan lamang noong ito’y aking nakita na ngayon ay nililipad dahil sa malakas na paspas ng hangin.
Ako ay nag-umpisang mag-lakad patungo dito upang sana ay kausapin ngunit nang tatlong metro na lamang ang aking layo dito ay bigla itong nag-angat ng kanyang mukha kasabay ng kanyang daretsong pag-tingin sa akin at dahil dito ay akin ng nakilalang mabuti ang binibini sa aking harapan.
Ang kanyang maamong mukha na ngayon ay basang-basa mula sa luha na nililikha ng kanyang mga mata at ang patuloy na pag-agos nito at ang dating madalas na emosyon ng kasiyahan at pag-mamahal na makikita dito ay napalitan ng kalungkutan at galit.
Aking nakita ang pagbuka ng bibig nito.
“Carlo.”, banggit nito sa aking pangalan.
Akin na sanang babanggitin pabalik ang pangalan nito ngunit ito ay nagpatuloy ng kanyang salita ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko marinig ang kanyang sinasabi dahil sa isang di pamilyar na tunog ang mas nangingibabaw dito.
Aking napansin ang pagtalikod nito mula sa akin at ang paglakad palayo, ito ay akin ng dapat hahabulin ngunit hindi ko maihakbang ang aking mga paa at kahit pa anong gawin ko ay hindi ko ito maigalaw.
“Isabel!”
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...