~Punto de Vista de Elisa~
Madilim, tanda ng oras na gabi na.
Nandito ako sa aking silid kasama si Amelia naka-upo sa harap ng aking tokador at ako’y kanyang tinutulungang tanggalin ang lahat ng mga palamuting naka-kabit sa aking buhok at naghahanda na para sa pagtulog.
Kanina pa naka-alis ang mga Bartolome…
‘Ni Danilo.’
“Narinig ko ang nangyari kanina, ang ginawang paghingi ng permiso ni Danilo kay Señor Edgardo.” , napatingin ako bigla sa salamin sa aking harap, kita ang aming repleksyon ni Amelia. Kita kong patuloy lamang siya sa kanyang ginagawa habang kanya itong sinabi sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa kanyang sinabi.
“Nalaman ko ito dahil ito ang naging tema ng usapan ng aking mga kapwa katulong habang gumagawa ng mga gawain.”, pagpapatuloy pa ni Amelia.
Natanggal na lahat ni Amelia ang mga palamuti sa aking buhok at ngayon ay hinayaan na lamang niya ang aking natural na kulot na buhok na hanggang gitna ng aking likod na nakaladlad. Kumuha si Amelia ng payneta at marahang sinuklay ang aking buhok.
“Hindi ko inaasahan ang nangyaring iyon.”, tugon ko kay Amelia.
“Sa totoo lang ay lubos akong napahanga ni Danilo sa kanyang ginawa.”, tuluyan na akong humarap sa kanya dahil sa kanyang sinabi habang ako ay naka-upo pa rin sa silya ng aking tokador, dahilan ng kanyang pagtigil sa pagsusuklay ng aking buhok at tumingin sa akin.
“Bakit mo naman nasabi iyan?”, takang tanong ko dito.
Bago siya nagsalita ay pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay habang hawak ang payneta, “Kilala si Señor Edgardo bilang isang makapangyarihang tao dito sa ating bayan at hindi lamang iyon, kilala rin siya dahil sa kanyang pagiging strikto.”
Tuluyan ng ibinaba ni Amelia ay payneta sa aking tokador, “At ang malamang buong tapang na sinabi niya ang kanyang mga sinabi sa harap mismo ni Señor Edgardo at sa inyong lahat ay sadya namang nakakamangha.”, buong pagkamanghang sabi ni Amelia.
Ngumiti ako ng munti dahil sa sinabing ito ni Amelia at inalala ang mga nangyaring kaganapan kanina, kung paano buong tapang na ginawa ni Danilo ang kanyang ginawa, kung paano niya sinabi ang lahat ng iyon sa harap naming lahat.
Matapos alalahanin ang lahat ng nangyari ay aking napagtanto na talaga namang nakakahanga nga ang ginawang iyon ni Danilo.
Ngunit…
“Sinabi na ba niya sa iyo ang dahilan?”
“Ha?”, aking tugon sa kanya sapagkat hindi ko masyadong naintindihan ang kanyang sinabi.
Bumuntong hininga si Amelia, “Sinabi na ba niya sa iyo ang dahilan ng kanyang biglaang pag-alis noon at ang ginawang hindi niya pagtugon sa mga liham mo?”
Tumango ako sa kanya.
Oo, alam ni Amelia ang lahat ng iyon. Mula sa kwento ng biglaang pag-alis ni Danilo papuntang Europa hanggang sa mga liham na hindi tinutugunan nito. Si Amelia ang lagi kong kasama tuwing ako ay tumutungo sa señorìo ng mga Bartolome upang doon ay iabot ang mga aking liham kay Señora Leonora upang maipasabay sa mga liham na ipinapadala nila kay Danilo noon. Hindi ko rin kasi nalalaman kung saan ang tinitirhan noon doon ni Danilo kaya ako ay nakikisuyo na lamang.
Para bang sinadya na hindi ipaalam sa akin kung saan ba talaga naroroon si Danilo sa Europa.
“Ano raw ang kanyang dahilan?”, kanyang pagtatanong sa akin.
“Dahil daw sa nangyari noon.”, mahina kong tugon sa kanya.
Nangunot ang noo ni Amelia na tila ba’y hindi maintindihan ang aking ipinapahiwatig.
“Noon?”, may pagtatakang tanong ni Amelia.
Tumango ako sakanya, “Noong inatake ako ng aking karamdaman.”
Sa sagot kong ito ay biglang lumungkot ang mukha ni Amelia.
“Elisa…”, mahinang pagtawag niya sa aking pangalan at nakita ko na lamang na siya ay dahan-dahang umupo upang kami ay magpantay.
“Sinabi ko sakanya na wala siyang kasalanan sa nangyari noon ngunit patuloy pa rin niyang sinisisi ang kanyang sarili.”, nakayuko kong sabi sa kanya at pinaglalaruan ang aking mga daliri.
Marahang hinaplos ni Amelia ang aking mga kamay dahilan ng pag-angat ng aking tingin sa kanya at aking nakita ang kanyang seryosong titig sa akin.
“Hayaan mo at lilipas ang panahon ay matututo rin siyang patawarin ang kanyang sarili ngunit kailangan mo ring patawarin ang iyong sarili.”, sa sinabi nitong ni Amelia ay napa-buntong hininga na lamang ako. “Alam ko na sinisisi mo rin ang iyong sarili dahil sa nga nangyari noon, sa pag-alis ni Danilo.” , patuloy nito sa kanyang pahayag saka ay ngumiti siya sa akin ng munti at biglaang tumayo na dahilan ng pagsunod ng aking tingin sa kanya.
Sa kanyang pagtayo ay marahan niya din akong itinayo mula sa aking pagkaka-upo sa upuan ng aking tokador at tinungo ang aking higaan at doon ay marahang niya akong pinaupo.
Matapos niya akong paupuin sa aking higaan ay tumuwid siya ng kanyang tindig at ang kanyang dalawang kamay ay kanyang inihawak sa kanyang bayweng at saka ngumiti sa akin ng pilyo na siya namang aking ikinapagtaka.
“At isa pa, ikakasal na kayo. Hindi pwedeng kayo ay malungkot sa inyong pag-iisang dibdib.”, sabi nito ng may mapanuksong ngiti sa akin.
Natawa ako sa kanyang sinabi, “Sinabi ko nga sa ‘yo na sa susunod na taon pa iyon, sa ika-dalawampu’t lima kong kaarawan. Dalawampu’t apat na taong gulang pa lamang ako ngayon. Mukhang gusto mo na ata akong tumanda agad.”, sabi ko dito ng may pagtatampong tono sa aking boses.
Natawa siya sa aking naging turan at ilang sandali pa kaming nagkwentuhan. Paglipas ng ilang minuto ay umalis na rin si Amelia at nagpaalam na siya ay magpapahinga na dahil maaga pa ang kanyang trabaho sa mga gawain dito sa señorìo bukas. Pag-alis niya ay naghanda na rin ako upang magpahinga at nahiga at ipinikit na ang aking mga mata upang matulog.
Sana nga sa pagdating ng panahon.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...