XX

11 2 0
                                    

~Punto de Vista de Carlo~

Ilang oras pa ang itinagal ng aming paglalakbay ay narito kami ngayon sa isang kalsada na puno ng mga nakahilerang puno sa magkabilang gilid ng kalsada na nagbibigay silong mula sa mainit ng sikat ng araw. 

Ilang sandali pa ay pumasok ang kalesang aming sinasakyan sa isang tarangkahan at amin ng natanaw ang may dalawang palapag na kulay puting señorìo, ang mga bintana nitong gawa sa kapis at ang mga naglalakihang pinto nito na yari sa isang matibay na uri ng kahoy. Ang buong paligid ng señorìo ay napalilibutan ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak at mga naglalakihang puno ng kahoy.

Sa aking paglingon sa kanang bahagi ng señorìo ay aking napagmasdan ang patag ng lupa nito at sa di kalayuan ay may parang maliit na bahay kubo, at sa kaliwang bahagi naman ay kakahuyan lamang.

Sa pagtapat ng kalesang aming sinasakyan sa pinto ng señorìo ay agad na bumaba ang Heneral na may malaking ngiti sa kanyang mga labi na ngayon ko lamang nakita sa kanya, dahil minsan lamang ngumiti ang Heneral Almario, dahil mas kilala ito sa kanyang pagiging matapang at pagka-strikto.

Sa pagbaba ng Heneral ay siya ring sunod naming pagbaba ni Juan mula sa kalesa bitbit ang aming mga kustal ng gamit.

Sa pagtapat namin nina Juan at ng heneral sa pinto ng casa ay siya ring paglabas ng isang ginang sa isang silid, bitbit ang isang basket ng mga tela. Sa kanyang paglabas sa silid ay nabaling ang kanyang atensyon sa amin at mababakasan ng pagkagulat at kasiyahan ang kanyang mukha.

Nagmamadali siyang lumapit sa amin habang bitbit ang basket na may malaking ngiti sa kanyang mga labi, sa kanyang pagtapat sa heneral ay magalang itong yumukod, “Senor Emir.”

Bahagyang tumawa ang heneral, “Dolor.” masayang banggit ng heneral sa pangalan ng ginang.

Iginaya kami ng ginang na nagngangalang Dolor sa isang silid na mukhang silid tanggapan dahil sa itsura nito. Ang paligid ng silid ay napapalibutan ng mga aparador na mukhang yari sa kahoy ng narra na puno ng mga palamuti habang sa gitnang bahagi naman ng silid ay isang pangkat ng mga stipa sa may maliit mesa sa gitna.

Ang heneral ay naupo sa pang-isahang upuan habang kaming dalawa ni Juan ay naka-tayo sa magkabilang gilid nito. Sa pag-upo ng heneral ay kanyang inilibot ang kanyang paningin sa paligid at saka muling itinuon ang kanyang atensyon sa naghihintay na ginang.

“Sina Elena at Edgardo?”

“Nasa opisina ho, Señor. Akin pong ipagbibigay alam sa kanila ang inyong pagdating.”, may ngiting wika ng ginang at yumukod ito at umalis.

“Wala pa ring pinag-bago ang lugar na ito.”

“Heneral?”, tanong ni Juan sa Heneral.

“Wala. Akin lamang naaalala ang nakaraan.”, may ngiting banggit ng heneral at tumayo at tumungo sa isang aparador kung saan may mga nakalagay na mga litrato.

Kanyang kinuha ang isang litrato at pinagmasdan itong mabuti na may ngiti sa kanyang mga labi.

“Emir!”

~Punto de Vista de la tercera persona~

Isang malakas na tinig ang nakapag-pabaling ng atensyon ng mga ginoo sa entrada ng silid tanggapan kung saan ito nagmula. Doon nakatayo ang señora ng casa na may malaking ngiti sa kanyang mga labi habang ang asawa naman nitong señor ay nasa gilid lamang nito na may munting ngiti lamang.

Agad na ibinaba ni Heneral Emir ang litrato na kanyang hawak sa dating kinalalagyan nito at muling ibinalik ang atensyon sa mga bagong datin na ngayon ang Señora ay hawak ang kanyang saya habang nagmamadaling lumapit sa kanya at ito ay pinasalubungan ng isang mahigpit na yakap, ang asawa naman nito ay naka-sunod lamang.

Ilang sandali lamang ay kumalas na sa yakap ang señora at tumabi sa kanyang asawa na ngayon ay nakipag-kamay sa heneral.

Sila ay tumungo stipa at naupo sa kanya-kanyang mga upuan. Ang heneral ay bumalik sa dating nitong pwesto habang ang señor at señora ay magkatabing naupo sa pang-maramihang upuan sa tapat ng heneral at ng mga kasama nito.

“Maligayang pgdating sa inyo, Emir. Kumusta ang inyong byahe patungo dito?”, pagbati ni Señor Edgardo.

“Salamat, Edgardo. Nakakapagod, lalo pa at malayo ang aming nilakbay.”

“Bakit hindi ka manlang nagpasabi na ngayon ang inyong dating, kung sana ay napaghandaan namin ang inyong pagdating.”, si Señora Elena sa kapatid.

“Ano ka ba naman Elena parang hindi mo kilala ang iyong kapatid.”, may ngiting wika ni Señor Edgardo sa asawa.

“Tama si Edgardo, Elena, parang hindi mo ako kilala. Aking mas gusto ang sopresa kaysa sa nagpapasabi.”, sa sinabing ito ni Heneral Emir ay parehong natawa ang nakatatandang ginoo.

“Tigilan ninyo na nga iyan, ako ay pinagkaka-isahan na naman.”, may panghuhusgang wika ni Señora Elena na mas lalong ikinatawa ng nakatatandang ginoo at ang hindi na rin mapigilan na pag-ngiti ng dalawang binata sa likod ng kanilang heneral.

“Emir, sino nga pala ang iyong mga kasama?”, Señor Edgardo habang nakatingin sa dalawang binata.

“Paumanhin sa aking pagiging makakalimutin.”, at bumaling sa mga binata. “Sila nga pala ang aking mga pinagkakatiwalang mga kasama, sina Koronel Juan Feliciano at Kapitan Carlo Natividad.” 

Marahang yumukod ang dalawang binata sa señor at señora bilang paggalang.

“Maupo kayo, maraming pwesto para sa lahat.”, paanyaya ni Señora Elena sa dalawa.

Nagkatinginan ang dalawang binata at tumingin sa kanilang heneral na sila ay tinanguan lamang at sila ay naupo.

Sa kanilang pag-upo ay siyang pagpasok ni Manang Dolor sa silid tanggapan na may tulak na carrito na naglalaman ng mga pagkain at inumin para sa mga panauhin habang nasa gilid nito si Amelia.

“Amelia, si Elisa?”, tanong ng señora kay Amelia habang naglalagay ito ng mga pagkain sa mesa.

“A-ahm... Señora.”, may pag-aalinlangang tugon ni Amelia sa señora.

Magsasalita na sana ang señora ng bigla na lamang tumawa ang kanyang kapatid.

“Tama nga ako, wala pa ring pinagbabago ang lugar na ito.”, at kinuha ang kopita na nakalaan sa kanya at sumimsim ng tsaa.

‘Wala.’

Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon