~Punto de Vista de Elisa~
Muli ay narito ako sa hardin sa gitna ng kakahuyan, dumaretso ako sa upuan na nasa isang gilid at doon ay naupo.
Agad kong binuksan ang librong aking dala mula sa pahina kung saan ako’y nahinto sa pagbabasa, ngunit hindi ko pa lamang natatapos basahin ang unang pangungusap ay may naka-agaw bigla ng aking pansin kung saan naroon ang mga bulaklak. Sinarado ko muli ang libro at ito’y inilapag sa lamesa at tumayo. Lumakad ako kung saan naroon ang naka-agaw ng aking pansin at hindi nga ako nagkamali ng aking akala, isang inakay.
May kaunting kadiliman man sa parteng iyon ng halaman ngunit hindi ako maaaring magkamali na isang inakay nga ang naroon sa ilalim. Malamang ay nahulog ito mula sa pugad, halata ito dahil sa itsura nitong taglay na wala pang gaanong balahibo, tanda na hindi pa ito marunong lumipad.
Mula sa aking pwesto ay akin itong nakikita ngunit ito’y hindi ko magawang abutin sa kadahilanang may pagka-masukal ang halamang kanyang kinabagsakan.
Yumuko ako upang aking mas lalo itong makita at upang humanap ng paraan kung paano ito maaaring makuha, nang may marinig akong ingay.
Napatuwid ako ng aking tindig at hinarap ang direksyon kung saan nanggaling ang tunog, ngunit wala akong nakitang tao o hayop sa kapaligiran, ngunit hindi ako maaaring magkamali na may kasama ako ngayon dito sapagkat may naririnig akong pagkaluskos.
“Sino ang nariyan?”, ang aking tanong habang patuloy na inililibot ang aking paningin sa kapaligiran sa pag-asang ako’y makikitang kakaiba.
Sa aking pagtatanong ay aking napansin ang biglang pagtahimik ng paligid. Sa isiping ito ay aking naisip na baka nga ay guni-guni ko lamang ito. Ibabalik ko na sana ang aking atensyon sa inakay ng muli ay may narinig akong kaluskos, ang kaibahan nga lang sa kanina ay malakas ito kumpara sa kanina na pawang hindi na ito nagtatago.
Ilang sandali lamang ay biglang lumabas si Amelia, hinihingal at pawang nagmamadali.
Hingang maluwag ang aking naramdaman sabay hawak sa aking dibdib.
“Amelia, tinakot mo ako. Sa aking akala ay kung sino ang iba pang narito bukod sa akin.”, may ngiting pahayag ko sa kanya.
“Elisa, narito ka lang pala. Ang aking akala buong akala ay nasa iyong silid ka, iyon naman pala ay narito ka.”, medyo hinihingal pa niyang tugon sa akin.
Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “May problema ba?”
Hindi agad sinagot ni Amelia ang aking tanong sa halip ay lumapit siya sa akin at hinatak ang aking kamay saka ito nagmamadaling lumakad sa kanyang pinanggalingan palabas habang hila ang aking isang kamay.
“Kanina ka pa hinahanap ng Señora.”
“Sinabi ba sa’yo ni Ina kung bakit?”
Hindi agad naka-sagot si Amelia sa aking tanong at parang ito’y nag-aalinlangan pa.
“Ame—“, hindi na natuloy pa ang aking pagbanggit sa kanyang pangalan nang kanya akong inunahan.
“Alam ko ang iyong ibig sabihin Elisa, ngunit hindi ko maaaring sabihin.”, napa-buntong hinga ng na lamang ako at tumango.
Ako’y mag-uumpisa na sanang maglakad ng kanya akong pigilan.
“Ngunit ang dahilan nito’y patungkol na tunay namang makakapag-panabik sa iyo sa kadahilanang ito ay matagal mo ng hinihintay.”
Sa kanyang sinabi ay napa-kunot ako ng noo sa pagtataka ngunit ng aking maintindihan ang kanyang sinabi ay isang malapad na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
Mi Amor (1898) el amor no escrito no contada
RomanceSiya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama ni...