XVII

11 1 0
                                    

~Punto de Vista de Elisa~

Nakatayo at akin ngayon ay kaharap si Amelia. Akin lamang siyang pinagmamasdang mabuti at aking napansin ang kanyang walang pagka-imik at ang kanyang hindi magawang pagtingin pabalik sa akin, tanda na siya ay kinakabahan.

Hindi ako nagsasalita at akin lamang siyang pinagmamasdan ng bigla siyang tumingin sa akin at panagsalikop ang kanyang mga kamay sa kanyang bandang dibdib.

“Paki-usap Elisa, huwag mo naman akong pakatitigan lamang. Alam mo na naman na ikaw ay nakakatakot kapag iyan ay iyong ginagawa.”

Dahil sa kanyang sinabi ay sandali akong pumikit at isang buntong hininga ang aking ginawa saka siya ay tinignan muli.

“Amelia, pwede ba na sabihin mo na sa akin ang bumabagabag sa iyo noong noche buena.” , aking paki-usap sa kanya, akin namang napansin na siya ay biglang napa-isip at sandali lamang ay biglang siyang pinamulahan ng kanyang mga pisngi na akin namang ikinapagtaka at ikina-kunot ng aking noo.

“Amelia, maayos lang ba ang iyong pakiramdam?” ,sa aking tanong ay pawang nagitla ito at tumingin sa akin.

“Ha?” , halos wala sa sariling kanyang tugon sa akin.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo?”, kunot-noong tanong ko sa kanya.

Pumikit ito at isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan, ilang saglit lamang ay kanyang iminulat ang kanyang mga mata at siya ay malamlam na tumingin sa akin. Aking napansin ang kanyang ginagawang paglalaro ng kanyang mga daliri.

“Naisip ko lamang ang mga maaaring mangyari sa oras na maganap na ang pag-iisang dibdib ninyo ni Danilo.” , ang kanyang naging tugon na nakapagpatigil sa akin.

Ito ay kanyang napansin at siya ay nagpatuloy sa kanyang sasabihin.

“Noong makita ko ang mga bulaklak na binigay sa’yo ni Danilo ay noon lamang sumilid sa aking isipan na tunay ngang ikakasal kana.”, isang munting ngiti ang kanyang ibinigay sa akin.

Magsasalita na sana ako ngunit siya ay muling nagpatuloy.

“Lubos ang galak na aking nararamdaman, totoo iyon. Lalo pa’t sa isipin na ang dalawa kong matalik na mga kaibigan ay ikakasal sa isa’t isa...ngunit hindi pa rin mawala sa aking damdamin ang lungkot sa kadahilanang ikaw ay mawawalay na sa amin, Elisa.”, sa kanyang sinabi na ito ay wala akong ibang naging tugon kundi ang yakapin siya ng mahigpit na kanyang ding ginantihan.

Hindi rin nagtagal at siya na rin mismo ang kumalas sa yakap at ang kaninang munting ngiti niya ay napalitan ng ngiting abot sa kanyang tainga at mapapansin din ang lubos na pagka-pula ng kanyang mga pisngi na siyang ikina-kunot ng aking noo.

“Amelia, ayos ka lang ba?”

“Oo, may naalala lang ako.”, at mas naging mapula pa ng kanyang pisngi.

“Ano iyon?”, siya ay tumawa lamang sa aking pagtatanong at dahil dito ang kaninang pagtataka ay napalitan ng pagtataka at dahil sa mga nangyayari ngayon ay may bigla akong naalala.

“Para kang si Danilo.”, sa aking sinabi ay nahinto ang kanyang pagtawa.

“Ganyan din ang mukha niya noong gabi ng pasko.”, siya ay ngumiti lamang sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking mga kamay.

“Sabihin na nating lubos na nagagalak si Danilo ng mga panahon na iyon. Tulad na lamang ng aking nararamdaman ngayon dahil kay Ramil.”

“Ramil?”, labis ang kanyang ngiti habang tumatango.

“Anong mayroon kay R—“, natigil ang aking pagtatanong na may biglang ideya ang pumasok sa aking isipan.

“Kayo ni Ramil.”, hindi ito pagtatanong kundi isang kumpirmasyon na kanyang tinanguan.

Sa kanyang ginawa ay labis na tuwa ang aking naramdaman at walang ano-ano’y hinila siya sa isang mahigpit na yakap habang tumawatawa.

Kumalas ako sa aming yakap at pinakatitigan siyang mabuti. “Kailan pa?”

“Noong katapusan ng Disyembre lamang. Ang kanyang sabi ay aakyat daw siya ng ligaw kapag pumayag daw si inay.”

“At? Pumayag ba si Manang Dolor?”

Masigla siya tumango sa akin. “Oo, noong isang araw.”

Nanatili pa kami ni Amelia ng ilang oras sa hardin at nagkwentuhan tugkol sa kung anong panunuyo ni Ramil sa panliligaw sa kanya at habang siya ay nagkukwento ay kitang-kita ko ang labis niyang tuwa dahil sa binata.

Di rin nagtagal ay nagsimula na kaming maglakad pabalik sa señorìo ng aming mapansin na malapit ng magtanghali dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Sa aming paglalakad ay aming nadaanan si Ramil sa tapat ng lilim ng puno ng mangga at pawang may hinihintay. Nang kanyang mamataan kami ni Amelia ay isang malawak na ngiti ang kanyang ginawa at ganoon din si Amelia sa binata.

Ako ay bumulong kay Amelia na mauuna na ako sa señorìo na dahilan ng kanyang pagka-gitla at akin ding napansin ang pagbaling ni Ramil ng kanyang tingin sa akin na biglang yumukod. Ako ay naiiling na natawa na lamang sa kanila na ikina-pula ng pisngi ni Amelia at nagpatuloy na sa paglakad.

“Pag-ibig.”


Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon