IX

47 13 14
                                    

~Punto de Vista de Danilo~

Aking ramdam ang kabang bumabalot sa aking kalooban.

Noong una pa lamang nung kami ‘y naghihintay nila Ama’t Ina sa silid tanggapan ng señorìo ng mga de Silva kasama si Señor Edgardo para sa pagdating nina Señora Elena at ni Elisa ay grabe na ang kabang aking nadarama. Noong sila naman ay tuluyan ng nakarating sa silid na aming kinapu-pwestuhan ay nabigla ako ng tayo at saglit na natigilan ng aking masilayan si Elisa.

Nakakabighani ang kanyang kagandahan.’

Kinailangan pa akong kalabitin ni Ina upang ako’y mabalik sa realidad at tuluyang aking mabati ang mga bagong dating na mga binibini.

Nang kami naman ni Elisa ay pinapunta sa hardin sa likod ng kanilang señorìo ay saglit na napalitan ng pag-aalala ang kabang aking nadarama para kay Elisa. Kapansin-pansin ang kanyang katahimikan at pagka-walang kibo habang naglalakad sa hardin, halata sa kanyang mukha na may bumabagabag sa kanyang kalooban at ng aking nalaman ang dahilan nito ay lungkot at galit para sa sarili ang aking naramdaman.

Tinanong niya ang dahilan ng aking biglaang pag-alis papuntang Europa.

Hindi ako kaagad nakasagot sa kanyang tanong at napayuko na lamang, dahil dito ay agad niyang nahulaan ang dahilan ng aking pag-aalis, ang nangyaring pag-atake ng sakit niya noon noong kami ay mga bata pa lamang.

Hanggang ngayon ay akin pa ring sinisisi ang aking sarili dahil sa nakaraan, hindi ko pa rin magawang patawarin ang aking sarili dahil sa aking ginawa. Isinugod noon si Elisa sa ospital dahil sa kahangalang aking ginawa at namalagi sa ospital ng ilang araw.

Kahit na ang sabi sa akin ng mga tao sa aking paligid na hindi ko kasalanan ang nangyari ay alam ko sa aking sarili na kasalanan ko ang nangyari. Kahit na sinabi nila sa akin na hindi nalagay sa peligro ang buhay ni Elisa ay alam ko ang katotohanan, dahil kitang-kita ng aking mga mata ang nangyari noon, kung paano siya unti-unting napaluhod hanggang sa tuluyan siyang napahiga sa sahig, kung paano na ang kanyang katawan ay nangisay, kung paano niya hawakan ang kanyang dibdib at ang paghabol niya ng kanyang paghinga at kung paano unti-unting pumikit ang kanyang mga mata.

Nang mangyari ang mga bagay na yun ay wala akong nagawa, tila ba ako’y naestatwa sa aking kinatatayuan, nakamasid kay Elisa habang siya ay naghihirap, kung paano na ang paligid ay biglang bumagal at ang aking mga tainga ay nabingi at walang madinig. Kita ng aking mga mata kung paano nagkagulo noon ang buong señorio dahil sa nangyari sa kanilang munting Señorita, si Amelia na kaagad sumigaw at humingi ng tulong, kung paano na si Señora Elena ay umiiyak at parang hindi alam ang gagawin sa anak, si Señor Edgardo na agad kinarga si Elena upang maisakay sa karwahe.

Nabalik lamang ako sa reyalidad noon nung ako ay hinila ni Ama upang sumunod sa mga de Silva papunta sa pinaka-malapit na ospital.

Matapos mangyari ang lahat ay alam ko sa aking sarili na kainlanman ay hindi ako sinisi ni Elisa dahil sa siya na mismo ang nagsabi sa akin noon na wala akong dapat na ika-sisi ng aking sarili. Sa kanyang taglay na kabutihang loob ay hindi niya ako sinisi sa lahat kahit na nalagay na sa peligro ang kanyang buhay.

‘Ngunit kahit na gayon ay alam ko parin sa aking sarili ang aking dapat na gawin.’

Ang tunay na dahilan ng aking pagpunta ng Europa ay upang doon mag-aral ng medesina.

Nag-aral ako doon ng mededsina upang humanap at matuto ng mga posibleng paraan at lunas upang magamot ang sakit na dinaramdam ni Elisa.

‘Upang ang kanyang paghihirap sa kanyang sakit ay aking mawakasan.’

At ngayon na ako’y nakabalik na dito sa aking bayang tinubuan kung saan ako nararapat ay handa na akong gawin ang matagal ko nang dapat ginawa, kinakabahan man ang aking damdamin ay kailangan itong lagpasan para sa damdamin na matagal ng nakatago na ngayon ay handa ng isigaw.

At muli ngayon ay narito ako sa loob ng señorio ng mga de Silva, kaharap ng aking pwesto ay doon naka-upo si Elisa at katabi nito sa kanan si Señora Elena habang si Señor Edgardo naman ay nasa punong upuan, katabi ko naman sa aking kaliwa si Ina kaharap si Señora Elena habang si Ama naman ay nasa aking kanan, katulad ni Señor Edgardo ay nasa isa pang punong upuan si Ama kaharap ang ginoo.

Dinig ang mga tawanan at kwentuhan mula sa munting kasiyahan na nagaganap ngayon sa silid, mahina akong umubo na dahilan ng biglaang pagtahimik at pagtuon ng kanilang atensyon sa akin.

Sandali akong tumingin kay Elisa na nakatingin din sa akin at kita sa kanyang mukha ang pagkalito at lumingon ako kay Señor Edgardo na ngayon ay maharang sumisimsim sa kanyang tsaa habang nakatingin sa akin.

~Punto de Vista de Elisa~

Muling umubo ng mahina si Danilo.

Señor Edgardo…”, sabi ni Danilo kay Ama.

“Alam ko po, Señor, na inyong nalalaman ang tunay na dahilan ng aming pagpunta dito sa inyong señorìo at alam ko rin po na ang dahilan ng aming pagpunta dito ay dahil lamang sa isang kasunduan, ngunit…”

Tumingin sa akin si Danilo at ngumiti ng munti bago muling itinuon ang kanyang buong atensyon kay Ama.

“Gusto ko pong pormal na ipaghinging permiso sa inyo, Señor Edgardo, Señora Elena, kung maaari ay aking hingin ang kamay ng inyong anak na si Señorita Elisa upang aking maging kabiyak.”

Sa sinabing ito ni Danilo ay nanlalaki at nabibiglang tinignan ko siya, ngunit ang kanyang buong atensyon ay nanatiling na kay Ama lamang. Napatingin din ako kay Ama na ngayon ay nakasandal na sa kanyang upuan at seryosong nakatingin kay Danilo na wari’y inuusisa ang binata.

Pinapangako ko po sa inyo na aking aalagan at mamahalin ng lubos si Elisa, hanggang sa walang hanggan.”, pagpapatuloy pa ni Danilo.

Matapos itong sabihin ni Danilo ay wala ni isa ang nag-salita. Ilang saglit lamang ay muling kinuha ni Ama ang kanyang kopita ng tsaa at marahan itong pinapaikot at pinagmamasdan ang galaw ng tsaa.

“Masyadong maikli ang walang hanggan, iho.”, tugon ni Ama kay Danilo at saglit na sumsim ng tsaa at tinignan ang binatang ginoo habang hawak ang kopita sa kanyang kamay.

“Hanggang sa dulo ng walang hanggan.”, tugon ni Danilo habang nakatingin sa akin.

Ibinaba ni Ama ang kopita sa lamesita sa gitna naming lahat at pinagsalikop ang kanyang mga kamay at saka tumingin kay Señor Crisostomo na nasa kanyang katapat na upuan lamang.

“Manang-mana sa iyo si Danilo, Crisostomo.”, nakangiting turan ni Ama sa ginoo.

Napangiti na lamang si Señor Crisostomo at parehong tumayo ang mga nakatatandang ginoo at nag-kamay habang ang dalawang ginang naman ay nag-beso habang nagbabatian.

Nabibiglang naka-upo lamang ako habang nagaganap ang lahat ng ito at nakamasid sa mga tao sa paligid. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa tapat ng aking kinauupuan si Danilo at nakangiting nakatingin sa akin.

Marahan niyang kinuha ang aking kamay at inilapit niya ito malapit sa kanyang mga labi at… “Amor.” mahina niyang sabi at saka pumikit at marahang hinalikan ang aking kamay.

‘Amor…’

Mi Amor (1898) el amor no escrito no contadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon