Chapter 7

46 2 0
                                    

Chapter 7

"Bakit hindi mo isinama si Ryan at Rj?" tanong ni Marcus sa amin habang nasa biyahe kami pauwi ng San Pablo Laguna dahil bibisitahin ko si Lola.

"Ryan was busy at his restaurant. Si Rj naman ay ayaw sumama." sabi ko habang abala sa pagtitipa sa aking cellphone.

Kausap ko si Miray at nakisuyo ako na kung pupwedeng utusan ko sya sa pagbili pa ng ilang kulang sa shop. Malapit na din talagang matapos ang pastry ko, bukas ay ipapalagay ko na ang pangalan ng pastry na nagawa ko.

"Are you messaging someone?" tanong niyang bahagya pang sumilip sa phone ko habang nagmamaneho sya.

"Stop! Maaksidente tayo sa pinagagagawa mo!" singhal ko dito at inoff na ang phone.

"Babayadan mo na talaga ang araw ko."

Umirap ako sa kawalan. "You are the owner of your restaurant. Ikaw na ang nagpapa sweldo sa sarili mo, duh!"

Humalakhak sya. "May meeting talaga ako ngayon, Chanel."

Nagulat ako at tiningnan sya. "Why did you tell me?!" ako pa iyong nainis kahit dapat ay siya.

"I canceled it. Don't worry."

"Woah, so sweet naman."

Tumawa na lamang ito at hindi na sinundan ang sinabi ko.

We parked at Grandma's antique house here in San Pablo. Tita Lori and Tito Emerson immediately greeted us, along with their two daughters, Lisa and Evelyn.

Marcus and I got out of the car. I was surprised when Tita Lori suddenly approached me and hugged me. She let go of me with a smile, while I was shocked.

"Masaya kaming lahat at nakabalik ka na dito sa Pilipinas." sabi niya na hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

The last time I remember she was also hot headed towards me. She didn't even accept me as her nephew then, so I don't expect the same treatment I will receive from her now after 8 years.

"Hi. I'm glad that you're finally here." si Lisa na lumapit sa amin, nakangiti ito.

I just smiled because I didn't really know what to say. I'm still in shock. And that's all I can do for now. Maybe when I get over what's happening now, I might talk to them.

"Chanel, let's go upstairs. Lola's waiting for you." si Marcus na tinawag ako.

Nag excuse ako kina Tita Lori at Lisa at sumama na sa kanya paakyat sa antique na hagdan.

Namataan ko sa sala ang aming Lola, kasama ang ilang mga kapatid ni Papa. Naroon rin si Tita Calla at ang mga anak nitong si Clara. Sila Tito Marlo lamang ang wala.

"Chanel!" masayang salubong ni Wayne sa akin.

"Wayne!" ngumiti ako dito at nakipag high five. "Kamusta?"

"Ikaw ang kamusta ang tagal mong nawala." aniya.

Tumawa na lamang ako sa kanya, malaki ang pinagbago niya. Nagkaroon ng laman ang kanyang katawan hindi katulad noong huli ko syang nakita. Hindi na rin lubog ang mata nya, mukha na syang healthy person ngayon.

Nilingon ko naman si Lola, ngumiti ito sa akin. Tumayo siya dala-dala ang kanyang tungkod at niyakap ako.

"I miss you hija," aniya.

"I miss you too Lola." sabi ko naman at kumalas na sa kanya.

"You're not with your brothers?" tanong nyang nilingon pa ang likod ko.

"Busy po."

Tumango ito at may sinenyasan sa likod ko.

"May pagkain kaming hinanda sa dining, halika at kumain muna tayo at mag kwentuhan." aya sya sa akin.

Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon