Chapter 8

46 3 0
                                    

Chapter 8

"How was your visit to Laguna?" Bungad na tanong ni Ryan kinaumagahan ng maabutan ko silang dalawa ni Rj sa dining.

Wala akong ganang umupo sa upuan dahil kakagising ko pa lang. At halos napuyat ako kagabi kakaisip kung saan at papaano ko hahagilapin yung taong pinag bentahan ni Tita Calla ng lupa.

"Nothing's new?" Sagot nya rin sa tanong nya.

I nodded and reached for the pitcher of water on the table, pouring some into a glass.

"Did something happen? We didn't even notice you and Rj come home last night," he asked me.

I glanced at my brother, unsure whether to tell him about the land or not. I was worried he might get upset with Tita Calla if I did.

"Wala naman, hinahanap ka pala nila sa akin." Sabi ko at tumayo.

Nagtungo ako sa may sink para mag timpla ng coffee.

"Bibisita kami ni Rj sa makalawa doon. Busy lang din sa restaurant kaya hindi kami nakasama." Aniya.

Tumango na lamang ako at bumalik na sa hapag.

"Kailan pala ang opening ng pastry mo? Tinatanong kasi sa akin ni Tito Marlon." Tanong niya.

"First week of may."

"Tapos na ba?"

I nodded. "Kulang na lamang ako ng mga gamit sa kitchen. At ilang mga table, pipinturan na lang din at ayos na."

Ngumiti ito at tumango. "So proud of you. Mukhang wala kang pag sisisi na umuwi ka nga dito sa pilipinas."

Wala naman talaga, kung meron man ay iyong makita ko ng ilang beses si Drake. Sana ay hindi na.

Makalipas ang ilang oras ay nag paalam na silang dalawa ni Rj. Si Eli naman ay kalalabas lang ng kwarto sa kwarto na pinagamit ni Ryan.

"A-ate Chanel." Aniyang mabilis na naging aligaga. "Pasensya na po, late na po ako nagising. Nakapag almusal na po ba kayo? Magluluto lamang po–"

Hinawakan ko ito sa kanyang braso upang kumalma.

"Okay na Eli. Kung magluluto ka ay para sa'yo na lamang." Ngumiti ako dito. "Wala ka bang pasok?"

"Meron po, mamaya pong alas dose." Aniya.

Bahagya akong tumango at tumikhim. Inalis ko na din ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Balak sana kitang ihatid, pero pupunta ako sa pinapagawa kong pastry. Okay ka lang ba dito?" tanong ko sa kanya.

Tumango ito ng sunod sunod. "Nako huwag nyo po akong kaisipin Ate Chanel. Masyado na po akong nakakaabala sa inyo."

"Okay lang. Walang problema iyon." Nginitian ko ito.

Nag paalam na din naman ako at hinayaan ko na sya sa kusina para makapag almusal na sya. Ako naman ay muling pumasok sa kwarto ko at naligo na.

When I arrived at my pastry shop and parked on the side, I noticed Eric's car parked nearby as well. I got out of the car and headed towards the glass door, where I saw Eric and Miray seemingly deep in conversation.

May itinuturo pa si Eric sa may bandang counter. Pumasok ako sa loob, napalingon ang dalawa sa akin.

"Good morning Ms. Chanel." Si Miray na malapad akong nginitian.

"Good morning." Bati ko din dito at nilingon si Eric.

Ngumiti ito sa akin at lumapit. "I've been so busy these past few days, it's only now that I got the chance to visit your pastry shop." Aniya na may malapad ding ngiti sa labi.

Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon