Chapter 43

33 2 2
                                    

Chapter 43

"Hi. Uhm... sorry sa biglaang pag upo. I'll introduce myself first, I'm Chanel Lee-Mendez. Wife of Drake Mendez." Pakilala ko at naglahad pa nang kamay sa kanya.

Bahagya siyang natigilan at napatingin sa kamay kong nakalahad. Umangat ang dalawa niyang kilay sa gulat.

"O-oh..." napalunok siya at kinuha ang kamay ko para kamayan iyon. "Woah... I was expecting for him, pero ang asawa niya ang dumating." Pagbibiro niya pa, para maiwasan ang kabang nararamdaman niya.

Ngumiti ako sa kanya. "He's busy, ako ang pinapunta niya dito." Pagsisinungaling ko.

Bahagya siyang tumango at sumimsim ng juice na inorder niya.

"I see. It's the first time Mr. Mendez has been busy." He shrugged his shoulders. "Anyway, you wanna order? Go ahead, I'll pay."

I shook my head, still smiling. "No, thank you. I'm still full. Can we talk about what you and my husband are going to discuss?"

His eyebrows raised slightly before he nodded. He reached for a paper beside him. Before he could hand it to me, his phone rang. I looked up at him, noticing he needed to take the call.

Dismayado akong tumango sa kanya, tumayo siya at naglakad papalayo sa pwesto ko, dala-dala ang papers na dapat ipapakita niya sa akin. Nilingon ko si Atty. Foster na ngayon ay nasa may pinaka malayong parte. Tiningnan ko iyong gamit niya sa kabilang upuan.

Masama ang gagawin ko pero hindi pupwedeng balewalain ang kutob na nararamdaman ko.

Tumayo ako at kinuha ang bag niya. Naghanap ako nang mga papers doon na naglalaman about sa case ni Drake. Natigilan ako ng may isang papeles akong nakita, nakasulat roon ang pangalan ko kaya hindi na ako nag atubili pa. Kinuha ko iyon at binasa.

Naglalaman iyon ng amount na pinapadala ko sa bank account ni Drake dahil doon sa lupa na ibinenta sa kanya ni Tita Calla. Nangunot ako nang dumako ang mga mata ko sa pag ta-transfer muli ni Drake ng pera pabalik sa bank account ko.

"Noong June lang 'to." Sabi ko at napakagat sa ibabang labi.

Ibig sabihin ay hindi tuluyang nalalagay sa bank account niya ang pera at binabalik niya ito sa akin? Bakit? Anong dahilan?

Muli akong naghalughog ng ibang mga dokumentong naroroon sa bag, ngunit iyon lamang ang nakita ko. Ang iba ay sa ibang tao na case na.

Nilingon ko si Atty. Foster, nanatili siyang may kausap sa phone niya kaya sinilid ko na agad sa bag niya iyong dokumento na nabasa ko at muling bumalik sa kinauupuan ko.

Naguguluhan ako, wala pang namamagitan sa amin ni Drake noong June. Pero bakit niya binabalik sa akin ang pera? Anong dahilan niya? Pananakot niya lang ba na hindi niya na ipapabawi pa iyong lupa para agaran akong mag bayad sa kanya? Para magkaroon kami ng way na dalawa para magkita? Pero ang totoo ibabalik niya lang din sa akin ang pera.

"Chanel?"

I froze and glanced behind me. My eyes widened when I saw Drake. One of his eyebrows was raised, as if trying to figure out why I was here.

"Mr. Mendez!"

We both turned when Atty. Foster spoke. He looked at me and smiled before approaching Drake to shake his hand.

"Your wife said you're busy, so she came here instead," Atty. Foster said, glancing back at me.

Napakagat ako sa ibabang labi at nag iwas nang tingin sa kanila. Inayos ko iyong shoulder bag ko at tumayo na. Humarap ako sa kanila at nginitian sila na parang hindi ako kinakabahan dahil nabubuko na ako.

Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon