Chapter 3
"Babalik na lang po ulit ako dito Mama. May mga aasikasuhin lang din po muna ako, bibisitahin ko din po kayo sa restaurant." sabi ko kay Mama.
Nasa may sala kami, paalis na din ako dahil may aasikasuhin ako ngayon. Kailangan ko ng makapag hanap ng commercial space na sinasabi ni Eric na pwedeng bilhin. Para makapag start na ako ng business ko. Isa pa ay hihingin ko iyong titulo ng lupa sa Batangas kay Lola Immavel. Bibisitahin ko na din ito sa Laguna.
May kinuha si Mama sa may cabinet na pinagpapatungan ng TV. Susi iyon at iniabot sa akin.
"Gamitin mo ang sasakyan na nasa garahe anak, para hindi kana mag commute."
"Po? Nako Mama, hindi na po. Nagbabalak na din po kasi akong bumili ng sasakyan."
Kinuha nya iyong kamay ko at inilagay doon ang susi ng sasakyan.
"Susi ito ng sasakyan ng Papa mo. Dalawa ang sasakyan na naririyan sa garahe. Parehas kong ginagamit para hindi masira. At habang wala ka pang sasakyan, iyang sa Papa mo na lang muna ang gamitin mo."
Wala na akong nagawa kundi ang kunin na lamang ang susi. Makakatulong din sa akin habang wala pa akong sasakyan.
Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa may garahe. Nakita ko nga iyong vios na kulay puti. Ang isa ay kulay pula, iyon ang amin. Matagal na iyon pero nagagamit parin pala.
Pinatunog ko na iyon at sumakay na ako sa driver seat. Kumaway si Mama at si Aling Marie sa akin. Kumaway din ako bago pinaandar iyon. Si Aling Marie ay binuksan ang malaking gate para makalabas ako.
Habang nasa biyahe ay tinawagan ko na si Eric. Ilang ring ay sumagot na ito.
"Busy ka?" bungad ko sa kanya.
"Nas work ako ngayon, Nel. Bakit?"
"Oh... I'm sorry, nakakaistorbo ba ako?"
"Jeyci, ang mga papers padala na lang sa office ko." aniya sa kabilang linya na mukhang may kausap. "Nel, sorry. Can we talk na."
Napangiti ako, pupwede naman nya akong babaan ngunit mas inuna nya pa ako.
"Busy ka ata–"
"Our meeting just ended. I'm heading to my office now. So we can talk now. Why are you asking me if I'm busy?"
"I was planning to look for a commercial space. Gusto ko ng mag umpisa." sabi ko.
"Oh sure, papasama ka ba sakin?"
Tumawa ako. "Of course! You're the one who suggested this to me."
Tumawa din ito. "Okay then I'll half my hour here in the office. So we can start to find commercial space."
"Okay lang ba sa'yo? Kahapon ay naka leave kana kasi nag pasama ang kapatid ko. And now ako naman itong magpapa sama sa'yo."
"It's okay Chanel, I'm not too busy right now. I just have some papers that need signing, but I'll just instruct my secretary to take care of them."
Nakangiti akong nag okay sa kanya at ibinaba na ang linya. Maaasahan talaga ang isang Liam Erico Maurin. Hindi ako nagsisisi at naging kaibigan ko sya.
Pagkarating sa hotel ay ipinarada ko lamang ang sasakyan sa parking lot at pumasok na sa may lobby. Tumungo ako sa elevator at pinindot na ang floor kung saan ang room namin.
Pagkarating ko sa room number namin ay namataan ko ang dalawang mag kuya sa sala at nanonood. Nilingon nila akong dalawa.
"You're here!" si Ryan at tumayo para salubungin ako. "Did you eat breakfast there?" tanong nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomanceChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...