Chapter 14

30 3 0
                                    

Chapter 14

"Ginabi ka." bungad ni Ryan ng makapasok ako sa unit namin.

"Dumating 'yung kaibigan ko." sabi ko at dumiretsyo sa kusina para kumuha ng tubig.

"Which friend? Ayesha? Zarene or Leila?" tanong niya na sinundan ako sa loob ng kusina.

"None of the above." nilingon ko sya. "He's not my friend totally, he was a friend of Marcus. Kasamahan nila sa team sa basketball noon."

"Bakit naman masyadong late na ang pagpunta nya sa pastry mo?"

Siniringan ko sya ng tingin, ngayon ko lamang sya nakitang ganito na mukhang nagiging matanong.

"Actually nanggaling na sya sa pastry, but I'm not there."

"Why? Where did you go?"

Nangunot ang noo ko. "Are you interviewing me?"

"No. I'm just worried."

"For?"

"Dahil late kana umuwi."

Mas lalo atang nag salubong ang dalawa kong kilay. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, alas diez pa lamang ng gabi. Alam kong hindi ito ang normal kong uwi, ngunit minsan talaga ay inaabot ako ng ganitong oras.

"Ry. May sakit ka ba?" nilapitan ko ito at hinawakan ang noo niya. "Wala naman–"

"Stop." aniyang inalis ang kamay ko na nasa noo niya. "I'm not sick. I'm just worried, okay?"

Nation ang tingin ko sa kanyang kanang kamay na nag alis ng kamay ko sa noo niya, may benda iyon. Nilingon ko sya.

"Anong nangyari dyan?" takang tanong ko na agad hinawakan ang kamay niya. "Napaano ito?"

"Nabasag iyong baso kanina, nasugatan ako. Malayo ito sa bituka."

Bumuntong hininga naman ako. "Dapat nag iingat ka, malaki ba ang sugat mo?"

"Maliit lang, I told you malayo ito sa bituka." kinuha na niya ang kamay niya sa akin.

Habang pinagmamasdan ko sya at ang kamay niya ay sumigaw si Rj na nagmula sa sala.

"Hyung!!" iyon ang sigaw niya kaya natigilan kami parehas ni Ryan.

Hindi na agad kami nag pahuli pa, mabilis kaming tumakbo papunta roon.

Nag iiyak na ito ng maabutan namin. Agad akong lumapit sa kanya, si Ryan naman ay kinuha ang cellphone na hawak ni Rj, na nasa isang linya ng tawag.

"Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko dito.

Tinitigan ako ni Rj, umiiyak lamang ito nang umiiyak. Inalo ko ito at nilingon si Ryan, nakatayo lamang ito habang may kausap sa phone. Nilingon niya ako, napansin ko ang pamumula ng kanyang mata. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"We will be there." iyon ang huling sinabi ni Ryan bago ibinaba ang linya.

"Ryan." tawag ko sa kanya at hinarap sya. "A-anong nangyayari?"

Kitang-kita ko kung papaano niya nilalabanan ang nagbabadyang luha sa kanyang mata. Kahit anong pigil niya sa pagpatak ng luha niya, ay nagawa pa din noong makaalpas.

"Ryan..." nag aalalang sabi ko dito at hinawakan siya sa braso. "A-ano bang nangyayari?" kinakabahan na ako.

"Wala na sya, Nel." umiyak na ito.

"Huh? Sino?"

Napaupo ito sa sofa at tuluyan ng umiyak.

"Ryan!" hinawakan ko ito sa balikat niya. Pinipilit kong iangat niya ang kanyang mukha. "Sinong wala na?! Sagutin mo ako!"

Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon