Chapter 6
Nagising ako kinaumagahan na sobrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay may martilyong pumupukpok doon. Hindi ko maipaliwanag ang sakit.
Nilingon ko ang paligid, nasa kwarto na ako. Hindi ko maalala ang mga nangyari kagabi, hindi ko alam kung bakit ganito na lamang kasakit ng ulo ko.
Bumangon ako at dumiretsyo sa banyo. Naghilamos ako ng mukha at tumingin sa malaking salamin na naroroon. Kapansin-pansin ang takas na ilang make up sa mukha ko, ngunit ang damit naman ay napalitan.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina, muntik na akong akong magulat ng maabutan ko si Marcus at Drake na naroroon sa kusina at nagluluto. May pinag uusapan pa ang dalawa na tungkol sa trabaho.
Tumikhim ako kaya napabaling sila sa akin.
"Good morning, pasaway!" si Marcus na nilapitan ako.
"Why are you here? Where's my brother?" tanong ko sa kanyang nakakunot pa ang noo.
Naupo ako sa stool at humalumbaba sa may sink. Tiningnan ko ang likod ni Drake na syang gumagalaw dahil sa pagluluto nito ng kung ano.
Anong ginagawa din ng lalaking ito dito? Wala ba syang trabaho?
"Sino sa dalawang kapatid mo ang hinahanap mo?" tanong ni Marcus na sumandal sa sink.
Tiningnan ko ito ng masama. "Yung dalawa na mismo."
"Nasa restaurant sila. Ryan just asked me to come here and cook for you."
Tinuro ko si Drake na abala sa ginagawa. "Eh iyan? Bakit 'yan nandito?"
"Nagpasama ako sa kanya."
Napairap ako sa kawalan. "Ano ba sya alalay mo?"
Nagulat ako ng bumaling si Drake sa amin.
Tumaas ang dalawa kong kilay at nag iwas ng tingin sa kanya. Nakalimutan ko na malapit lamang sya sa amin ni Marcus.
"Gutom na ako, Marcus." sabi ko kay Marcus at kinuha iyong pitcher na nasa ibabaw ng sink.
Naglagay ako ng tubig sa baso at ininom iyon.
Muling bumalik si Marcus sa tabi ni Drake at tinulungan na ito sa pagluluto. Pagkatapos nila doon ay inihain nila iyong pagkain sa hapag ko.
Pinagsilbihan ako ng dalawa. Nakakunot ang noo ko habang ginagawa nila iyon.
"Kumain ka na." si Marcus at naupo sa may dining.
Nilingon ko naman si Drake na nasa tapat ko lang at pinagmamasdan ako.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin habang naglalagay ako ng pagkain sa aking pinggan
"Okay lang." tipid na sagot ko.
Sumubo ako ng pagkain, bahagyang umangat ang dalawa kong kilay ng matikman ang lasa noong niluto nila.
"You will pay us Chanel." si Marcus na pinagmamasdan kami ni Drake.
"Huh? Babayaran saan?"
"Nasayang ang isang araw namin para pag silbihan ka."
"Wala naman kasi akong sinabi na pag silbihan nyo ako." nagkibit ako ng balikat at muling kumain.
Natigilan kami ng marinig namin ang doorbell. Tatayo na sana ako ngunit nauna na si Marcus. Naglakad ito palabas ng kusina.
Napalunok ako habang iniisip na kaming dalawa lamang ni Drake ang naririto.
Marahan akong sumubo ng pagkain habang pinakikiramdaman si Drake na panay ang titig sa akin na nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
Storie d'amoreChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...