Chapter 32
Abala ako ngayon sa pag iimpake ng ilang mga gamit na dadalhin namin ni Drake para sa reunion, paalis na kami mamayang 3 PM kaya nag excuse muna ako sa mga staff ko na mawawala ako ng halos 3 days para nga sa reunion.
Sabi ni Drake ay sa Boracay daw ang destino namin, kaya dinala ko na kung ano ang mga kakailanganin. Excited ako para sa reunion, lalo na at baka magkita kami nila Ayesha.
“Are you done?” Drake asked as he entered the room.
“I’m done,” I said, showing him the suitcase where I had packed both mine and Drake’s clothes.
“Kian and the others are in the lobby waiting for us. Check if you forgot anything, I’ll be in the living room.” he said before leaving.
Suminghap ako, since we discussed my decision to end the relationship after the wedding, his attitude has been cold. I just let it be, thinking maybe he truly didn't like what I said.
Alam ko naman na gusto niyang ipagpatuloy ang relasyon na ‘to. Dahil una palang pinipilit na niya akong magpakasal sa kanya, gumawa pa nga siya ng kontrata na akala ko tungkol sa lupa.
Gusto ko din namang ipagpatuloy, lalo na at mas lalong pang lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya, nakikita ko ulit ang sarili ko noong kami pa, masaya ako na nakakasama at nakakausap ko siya. At kahit kailan palagi siyang dumarating lalo na kapag kailangan ko, pero iniisip ko lang din ang reputasyon niya, ang pangalan niya.
Sa totoo lang ay ayoko na talagang ipagpatuloy pa ‘to, at kung maaari nga lang ay dito palang linawin ko na sa lahat na ginawa lamang namin ito para malinis ang pangalan ko. Alam kong mas lalong papangit at masisira ang pangalan ko, pero napag isip-isip ko, na mas mabuti kung ngayon pa lang itinatama ko na ang gusot na meron sa buhay ko.
Alam kong pagiging desisyones na naman ang gusto kong gawin, pero pinag iisipan ko pa naman.
Tumingin ako sa maleta, hindi ko na iyon binuksan pa para lang icheck dahil alam ko naman na, na dala ko na lahat. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko nga si Drake na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanyang phone.
I cleared my throat to get his attention as I stood outside the room. He looked up, his frown disappearing, and stood up.
“Let’s go,” he said, taking the suitcase from me.
He carried it himself, and I followed him out of the unit.
In the lobby, I saw Kian, along with Vrixie and several other women who were probably from our batch. I frowned slightly when I noticed Lienzo was missing.
“Wala si Lienzo, may surgery siya. Sinabi naman niya na susunod siya.” Si Kian ng mapansin niya na hinahanap ko ang kaibigan nila.
Tumango na lamang ako, nilapitan ako ni Vrixie at hinila sa kamay. Naglakad na kami palabas.
“Excited na ako.” Aniya na kinikilig pa.
“Sina Kathleen at ang iba? Nasaan sila?” Tanong ko sa kaniya.
“Nasa airport na sila. Itong sina Jemima at Diana makikisabay sa atin. Grade 12 Stem sila noon, kaklase nila Ayesha at Zarene.” Aniya na tinuro sa akin iyong dalawang babae na nakita ko kanina.
Tumango na lamang ako. Sumakay kami sa isang van, hindi ko alam kung kaninong van ito. Sa dulo nga kami naupo ni Vrixie, hinanap agad ng mata ko si Drake ng pumasok ang ilan sa van. Pumasok ito kaya agad nag tama ang mata naming dalawa, tumingin siya sa tabi ko kung nasaan si Vrixie.
Nilingon ko din si Vrixie na mukhang walang pakialam. Nagtungo si Drake sa row namin ay naupo siya sa tabing espasyo ni Vrixie. Nilingon ko siya, bahagya akong ngumiti sa kanya at tumingin na lamang sa bintana.
![](https://img.wattpad.com/cover/249287503-288-k570534.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomansaChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...