Chapter 18
Sa mga sumunod na araw, puro pag iisip parin sa kondisyon ni Eric ang inaalala ko. I couldn't visit because Tita Eden was still upset with me, and I understood her. I understood why she was so angry at me. I never wanted Eric to do what he did for me. Even though he liked me, he had no right to offer his life for mine.
I pray for him to wake up so I can talk to him. I want to thank him, repeatedly. I owe my life to him. That will forever be the greatest sacrifice I have received from anyone.
"Ma'am. May order po mula sa CNL Celestial Hotel. Room 215 3rd floor." si Sassy na nilapitan pa ako habang abala ako sa pagbibigay ng order sa mga customer.
CNL Celestial Hotel? Ang hotel nila Drake.
"Anong order daw?" tanong ko.
Ibinigay ni Sassy sa akin iyong maliit na papel kung saan may nakasulat na order.
Red velvet cake and strawberry cheesecake. Iyon ang cake na order na agad ko isinaayos sa box.
"Nasaan si Macoy?" tanong ko sa mga staff.
"Naku, kaaalis lang po Ma'am. Nagdedeliver din po."
So wala pala kaming delivery boy dito. Wala akong choice kundi ang bitbit ang susi at lumabas ng shop para ideliver iyong order.
Kahit alam kong hotel ni Drake iyong pupuntahan ko, ay hindi para mag isip ako ng kung ano. Kung oorder si Drake dapat sa presidential office diba? Isa pa alam ko nasa Legacy office siya.
Pagkarating ko sa hotel ay dumiretsyo na ako sa lobby. Pumunta lamang ako sa may receptionist at sinabi kong mag deliver akong cake sa room 215. Dumiretsyo na nga ako sa elevator at pinindot na ang button ng 3rd floor.
Pagkalapag ko sa 3rd floor ay lumabas na agad ako ng elevator. Hinanap ko na agad ang room 215. Sa pinaka dulong bahagi ko nga iyon natagpuan kaya naman dumiretsyo na ako doon. Pumindot lang ako sa doorbell na naroroon, bumukas nga ang pinto. Nakangiti pa ako ng bumukas iyon, ngunit nagulat ako ng makita ko si Almira.
"Almira." nagtataka kong tawag sa pangalan niya.
"Hi," she said with a smile. "Is that my order?" she asked, pointing to the box I was carrying.
"Ah oo." iniabot ko iyon sa kanya.
Tinanggap nito iyong box. "Good thing you told me you could deliver, nag crave kasi ako sa cake." aniya.
"Eh, diba red velvet lang ang favorite mo na cake? Para kanino ang strawberry cheesecake?" tanong ko dito.
"Ah, para sa kasama ko dito." she said. "By the way, why are you the one delivering?"
"Wala kasing available na rider, nagdedeliver din iyong delivery boy ko."
"Oh, I see." ngumiti siya sa akin.
"Almira? Are you not done?" isang tinig ng familiar na lalaki ang nagmula sa loob.
Nagtataka kong inisip kung kaninong boses iyon. Ngunit bago ko pa maisip ay lumitaw na ito sa likod ni Almira. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Drake, naka boxer lamang ito at walang saplot ang itaas. Nag iwas ako agad ng tingin.
Why are they together? Why is he with Almira? Is there something going on between them? But aren't he and my cousin getting married? Oh no... is he a two-timer? A womanizer, I guess. He will never run out of women! This man! After forcing me to marry him, I find him at a hotel with Almira.
How dare he!
"What are you doing here?" tanong ni Drake.
"Sino?" tanong din ni Almira.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomanceChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...