Chapter 44
Namimigay ako ng pagkain sa mga dumadating na nakikiramay kay Lola. Pangalawang gabi niya na, at hanggang ngayon ay wala pa kaming natatangap na balita sa kung sinong gumawa noon sa kanya.Ako lang ang may kutob na sina Tita Calla ang nasa loob ng krimen sa pangyayaring iyon kay Lola. Hindi ganoon ang nasa isip nila Tito Marlon, ibang tao ang pinag hihinalaan nila.
"Excuse me. Pakidalhan nga ako dito ng pagkain." Si Clara na walang hiya akong tinawag habang nakaupo siya sa unahan.
Wala ng laman ang tray na hawak ko. At hindi ako katulong para sundin ang utos niya.
Naglakad ako papunta sa lagayan ng tray at ipinatong ko iyon doon. Lumabas muna ako sandali sa pinag buburulan ni Lola at lumanghap muna ng sariwang hangin. Wala si Drake dito at nasa trabaho, hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung anong dahilan niya bakit siya nag sinungaling sa akin, pero kahit isipin ko iyon ay wala pa akong lakas sa ngayon na magalit sa kanya.
"Didn't you hear me?"
I turned around. I saw Clara, who had apparently followed me.
"Hindi. Ano ba 'yon?" Pagsisinungaling ko dito.
"I said, bring me some food."
My eyebrows shot up. "Oh, so you're ordering me around?"
Nangunot ang noo niya. Tila nainis ata sa sinabi ko.
"Go get me my food!" Utos niya sa akin na tinuro pa ang papasok sa loob.
"Ayoko." Tipid na sagot ko at nilagpasan na sya para sana bumalik sa loob pero hinila niya ang braso ko.
"Simpleng utos lang hindi mo magawa?" Singhal niya sakin.
"Simpleng pag kuha lang ng sarili mong pagkain, hindi mo din magawa?" Pabalik na singhal ko sa kanya.
"What?!" Irita niyang sabi at diniinan ang pag hawak sa braso ko.
"Bitaw. Huwag kang gumawa ng eksena sa burol ni Lola."
Kinagat niya ang ibabang labi niya bago marahas na binitawan ang braso ko.
"Bakit ba kasi ayaw mo na lang sundin ang utos ko?"
Umangat ang isang kilay ko, hindi nagustuhan ang sinabi niya. Napaka kapal naman ng mukha niya.
"Katulong ba ako? Wala ka bang kamay? Hindi mo kayang kumuha ng sa'yo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Umangat din ang isang kilay niya, tila ayaw din magpatalo sa akin.
"Ano bang problema mo? Kung sinusunod mo na lang ako para wala ng gulo."
"Clara hibang ka ba?" Sarkastika kong tanong sa kanya at nilapitan pa siya. "You had time to follow me just to snap at me like that, but you don't have time to get your own food? Tapos tatanungin mo ako kung anong problema ko? Ikaw yung sumunod sa akin dito, at gustong manggulo. Kaya ibabalik ko sa'yo ang tanong mo." Tumikhim ako at tinitigan siya ng mariin sa mata. "Anong problema mo?"
"Ahas ka!" Bulong niya pero ramdam ko na gusto niyang isigaw iyon sa akin.
Napairap ako. Here we are again, she still accusing me that I'm a snake?
"Paulit-ulit kana dyan. Ahas ako, inagaw ko yung fiancé mo. Wala na bang bago, Clara? Kasi sa pagkakaalam ko, pinilit nyo lang si Drake na maging magkasintahan at ma engage sa'yo para sa Hotel ni Papa."
Natigilan siya, nakita ko na mukha siyang naguguluhan sa sinabi ko.
"Hotel ni Tito Lucas? Chanel hindi mo ba alam? Pag mamay-ari namin 'yon. Sa ilalim ng pangalan ni Mommy nakapangalan ang pagmamay-ari ng Hotel."
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomanceChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...