Chapter 23
Umalis si Jay pagkaraan ng ilang minutong pagtitigan naming dalawa. Wala na din siyang masabi kaya mabilisan na siyang umalis. Ako naman ay naiwang nakatulala, inaalam pa lahat ng mga sinabi ni Jay.
Yes, I am still in love with Drake. I won't deny that, it never went away. I just temporarily buried and discarded our memories, but they're all still here. I'm still carrying all of it.
Kaya wala akong rason para kalimutan siya.
Pero hindi dahil gusto ko pa at mahal ko pa si Drake ay mabilis na naming maibabalik ang dati. Umaasa ako na sana maibalik namin iyon, pero sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung may kasiguraduhan pa.
Kung wala lamang namagitan sa pinsan ko at kay Drake, baka nagawa kong mabilisang makabalik sa kanya. Pero dahil alam kong na engage sila at muntik ng maikasal, mukhang hindi ko kayang tapatan iyon.
I want to clear everything up first, I want my decisions to be aligned. I don't want to just rush into battle without any weapons or even a shield.
Ayokong sa dulo luhaan na naman ako.
Naabutan ko na agad sina Ryan at Rj sa unit pagkauwi ko. Nasa sala sila at naglalaro ng x-box. Nilingon lang ako saglit ni Ryan pero agad niya iyong ibinalik sa TV.
Dumiretsyo ako sa kwarto ko at inilapag lang ang mga gamit ko sa may table. Pagkatapos noon ay humilata na agad ako sa kama.
Iniisip ko na agad kung anong mangyayari para bukas. Hindi ko alam ang mga pagsubok na darating para sa akin kaya kailangan ko palaging maging handa. Iyon naman ang dapat, hindi ako pwedeng mag pa chill-chill lang, dahil pinanganak ako na mayroong patong-patong na problema.
Bumalikwas ako sa kama nang bigla kong maisip si Eric. Almost three weeks have passed, and I haven't heard any news about him. Since his mom dropped the case against me, I've been forbidden from visiting there.
Hindi ko alam kung kamusta na ba sya, ni wala din akong natatanggap na balita galing kay Ryan. Hindi pa siguro siya bumibisita doon, o hindi kaya ay wala pa talagang balita.
Gusto ko na syang magising, gusto ko na syang makausap, gusto kong humingi ng tawad at magpasalamat sa kanya. Tawad kasi wala siya roon sa hospital kundi dahil sa akin, at salamat kasi dahil sa kanya nagkaroon pa ako ng dahilan para mabuhay at lumaban.
I never thought that he would be the reason why I'm still here, fighting my life's challenges. Ang Eric na basta ka close at nakakausap ko, ay magkakaroon pala ng malaking papel sa buhay ko.
Kung pwede ko nga lang siya dalawin, kung wala nga lamang magagalit. Ay kahit wala syang malay ay pauulit ulit parin akong magpapasalamat sa kanya.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa kung saan. Tinaya ni Eric ang buhay niya para sa akin, kaya hindi ko dapat sayangin 'to.
Tumayo ako at dumiretsyo sa banyo, upang makapag linis muna. Pagkatapos noon ay lumabas na ako, hindi ko na naabutan ang dalawa sa sala, kaya mukhang nasa kusina na sila at nag pe-prepare ng dinner namin.
"When does your school start, Rj?" I asked my youngest sibling while we were in the middle of eating.
"This coming June 17, Nuna." Sagot niya.
"Nakapamili ka na ba ng mga gamit mo?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Don't worry, Nel, I'll take care of his school supplies. The day after tomorrow, we'll go shopping for everything he needs for school," Ryan said, looking at me.
I just nodded. After eating, I washed the dishes, then went to the living room. I found the two of them there, watching the news.
Naupo ako sa mahabang sofa at nakinood na lang din, wala naman na akong gagawin.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomansaChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...