Chapter 2
Ilang minuto akong nanatili doon bago nag pasyang umalis. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay lumurok na ang malakas na ulan na kinagulat ko.
Fuck! I don't have an umbrella. Hindi naman makulimlim kanina ngunit bakit bigla na lamang umulan? May bagyo ba?
Nakakainis! Ang malas ko naman ngayong araw!
Inilagay ko ang bag na dala ko sa ulo ko at tumakbo papaalis roon, naka heels pa ako. Ewan ko na lang kung hindi ako madapa nito mamaya. Nakakainis naman, dapat pala ay chineck ko ang weather kanina.
Ramdam ko na ang pagkabasa nang damit ko kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo, nasyadong maliit ang dala kong bag at tanging ulo ko lamang ang kaya nyang matakluban.
At dahil sa ibaba ako nakatingin ay nagulat ako ng may nabunggo ako. Nauntog ang noo ko sa kanyang dibdib. Tiningnan ko ang suot niya. Nakasuot ito ng long sleeve na puti.
Ibinaba ko ang tingin sa suot nitong nabangga ko, naka slacks na itim. Shit! Businessman pa ata ang nabunggo ko. Hell fuck!
Umatras ako at iniangat ang tingin sa nabunggo ko. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko kung sino sya.
Ilang beses akong kumurap, iniisip kung totoo ba ang nakikita ko. Kung sya nga ba ito.
The way his hair was neatly combed, with every strand in its place, spoke of a deliberate effort to present himself with precision. His eyebrows furrowed slightly in concentration. His eyes, deep and penetrating, held a world of emotions. His nose, sculpted and proud, stood out prominently on his face, commanding attention with its elegant shape. And his lips, pressed together in a firm line, revealed little of the thoughts swirling within his mind, leaving an air of mystery in his wake.
He exuded a sense of strength and purpose, a man who had weathered the storms of life and emerged unscathed. His presence commanded attention, drawing others in with the allure of his enigmatic persona.
Hindi ko maiwasang hindi alisin ang titig sa kanya. Sa walong taon na nawala ako dito, hindi ko inaakala na mas lalong titindig ang kagwapuhan nya. Mas lalong nadagdagan at mas lalong nakakaakit.
Parang sandaling tumigil ang pulso ng puso ko. Sa dinami-daming pwede kong mabunggo at makita, bakit ang lalaking ito pa? Bakit sya pa? Ni hindi pumasok sa isipan ko na magkikita kami. Oo pupwede kaming magkita, pero hindi dito, hindi ngayon. Maling araw, hindi ko pinalanong bumalik dito para lang makita sya.
Bakit sya pa?
Bakit ito pa?
Huminga ako ng malalim bago lumayo sa kanyang payong na dala. Masyado akong madikit sa kanya, at hindi na mapakali ang puso ko. Hindi pupwede, maling mali na makita ko sya dito.
Ramdam na ramdam kong nababasa na ako dahil sa pagkakaalis ko sa payong niya. Nagulat ako ng inihaba niya ang kanyang kamay at hinawakan ako sa bewang, muli nya akong nilapit sa payong para hindi ako mabasa. Binitiwan nya rin naman ang bewang ko.
Para akong lalagnatin sa pag iinit ng katawan at mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, ramdam na ramdam ko ang titig niya na mas lalong nagpapainit sa mukha ko. Malamig ang hampas ng ulan ngunit hindi noon madala-dala ang nararamdaman ko.
"When did you come back?" tanong niya sa malalim na boses.
Shit. Ang boses niya, ang boses niyang walong taon ko ng hindi naririnig.
"Uhm..." nilunok ko ang kung anong kaba ang nararamdaman ko kasi hindi pupwedeng mautal ako sa harapan nya, baka isipin nya hindi ko parin sya nakakalimutan. "Kahapon." tipid na sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/249287503-288-k570534.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
Storie d'amoreChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...