Chapter 40
Kinabukasan nga ay nagtungo kami sa Hotel namin. Tumungo kami sa office floor kung saan naroroon ang ilang mga namamahala sa buong hotel. Lahat ay nag goodmorning kay Drake pati sa akin.
Drake slid his arm around my waist because he noticed some male employees looking at me, so he pulled me even closer to him.
Pumasok kami sa isang malaking pinto, at tumambad kaagad sa akin ang isang malaking office. Nakita kong may table sa isang gilid na sigurado akong pag mamay-ari niya. Sa isang gilid naman ay may table din, pero hindi katulad ng table niya, ang table noon ay malinis at wala pang kung anong nakapatong na mga papeles.
“This will be your office too.” Sabi niya at nilahad sa akin ang table ko.
“Drake, nasa higher position na agad ako? Hindi ba parang ang bilis naman?” Takang tanong ko sa kanya.
“Ikaw ang may ari ng Hotel na ito Chanel. It's a normal.”
Umiling ako. “Drake wala akong alam sa pagpapatakbo ng hotel.”
“I told you I will guide you.”
“Pero–” Before I could finish what I was saying, he cut me off with a kiss.
“No buts please? Hindi kita pupwedeng malagay sa mababang posisyon, bukod sa na nagmamay-ari ka din ng hotel na ito, e maraming lalaki na employee dito. They're all good-looking, but I'm definitely more handsome than any of them."
Tumawa ako at tinampal ang dibdib niya. Naitulak ko si Drake ng may pumasok sa opisina. Tumambad sa amin ang isang babaeng nakasuot ng pang opisina na damit.
“Naku, pasensya na po sir!” Iyon agad ang nasabi niya ng mapansin niya ata na may ginagawa kaming kung ano.
“Come in Melissa, wala kaming ginagawang kung ano.” Sabi ni Drake at naglakad patungo sa kanyang table.
Sinenyasan naman niya ako na maupo na lang muna sa may couch doon. Kaya naman naupo ako doon at sinundan ko ng tingin iyong babaeng nag ngangalang Melissa na lumapit sa lamesa ni Drake.
Maganda ang babaeng iyon, hindi ko tuloy alam kung sino siya sa buhay nang asawa ko.
"She's my wife, Melissa," Drake said, pointing to me while I quietly observed them.
“Ah opo. Si Ms. Chanel po, kilala ko po siya Sir.” Nakangiting sabi noong Melissa at nilingon ako.
Yumuko siya bilang bigay galang, ganoon din ang ginawa ko. I didn't know how she recognized me, maybe because of the news that spread before, labeling me as the third party or something like that.
"Chanel, this is Melissa, my secretary," Drake formally introduced Melissa to me.
Bahagya umangat ang dalawang kilay ko sa pagka gulat. Medyo nagulat lang naman, masyado siyang maganda para maging sekretarya ng asawa ko. She had an angelic face that men would easily be drawn to, with a body perfectly complementing the shape of her face.
I looked at Drake. He must have noticed that my gaze was lingering on his secretary, as he stared back at me. Melissa said something to Drake, which caught his attention and shifted his focus to her.
Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nilang dalawa, nakakunot ang noo ni Drake at tila seryoso siyang pinapakinggan ang mga sinasabi ng kanyang sekretarya niya sa kanya.
“Ilang beses na silang nag report tungkol sa mga staff natin dito Sir. And they want to talk to you.” Seryosong sabi ni Melissa kay Drake.
“Schedule my meeting with them. I'll let them talk to me about this matter.” Drake said with a serious tone.
![](https://img.wattpad.com/cover/249287503-288-k570534.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomanceChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...