Chapter 11
"Thank you po sa pag punta." laking pasasalamat ko sa mga taong naririto ngayon na nag aalisan na.
Buong maghapon akong nakangiti sa mga bisita at sa mga customer. Unang araw palang ay malaki na agad ang benta. Kaya nahihinuha kong papatok ang business ko na ito.
"Chanel."
I looked back at Tita Sammy and the others who were currently standing far from me. It seemed they were about to leave as well, so after speaking with a few people and saying my goodbyes, I approached them.
"Aalis na po kayo?" tanong ko sa kanila at nilingon si Mama.
"Oo hija, hahabol kami sa engagement ni Clara." si Tito Marlon.
"Kung ganon po ay hindi ko na kayo mapipigilan pa na mag stay dito, Tito. Pasabi na lang po kay Clara congrats." ramdam ko sa boses ko ang pagiging bitter, hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang boses na lumabas sa akin.
"Ikaw anak? Hindi ka ba pupunta?" tanong sa akin ni Mama, na mukhang tutungo din sa engagement nila Clara.
Umiling ako. "Hindi na Ma, marami na din po kasing customer. Hindi ko sila maiiwan."
"Bakit hindi mo muna ipakisuyo sa kapatid mo?"
Nilingon ko si Ryan na lumapit sa gawi namin, kararating lang nila ni Rj kanina. Hindi na sila nakadalo ng opening dahil nagkaroon daw ng problema yung sasakyan nila noong nabiyahe sila papunta dito.
"Alin po Tita?" tanong ni Ryan na nilingon pa ako.
"Isasama sana namin si Chanel, engagement party kasi ng pinsan nyong si Clara ngayon." dagdag pa ni Mama.
Umiling muli ako kay Mama. "Ma hindi na po, ayos lang."
It's not that I'm refusing to go with them, but it wouldn't be good if I went there. I don't want them to think that I'm going to cause trouble. Baka hindi din ako tantanan ni Clara, sigurado akong panlilisikan lamang nya ako ng kanyang mata.
"Kung ganoon, ay hindi ka na namin pipilitin anak." si Mama, bahagya itong ngumiti sa akin. "Congrats muli anak,"
Ngumiti ako dito. Nilingon ko naman sila Tita Sammy, ngumiti lang din sila, hudyat ng pagpapaalam at nag pasya na nga silang lisanin ang Pastry ko.
"Bakit hindi ka pupunta?" si Ryan ng maalis ang tingin ko sa pamilya naming lumabas na ng pastry. "We should be there."
"Ryan, opening ng pastry ko."
"I know, pwede ka naman mag sarado ng maaga."
"Marami ang customer, unang bukas pa lamang ay ma benta na. Hindi pwede."
Tinalikuran ko sya at tumungo na sa may kitchen para tulungan ang iba sa pagbabake.
"Baka isipin nila hindi ka pa nakaka move on kay Drake." habol na sabi ni Ryan ng makapasok kami pareho sa kitchen
"Isipin nila ang gusto nilang isipin, Ry. Nagtatrabaho ako. Kung gusto mo ikaw na lamang ang pumunta."
Narinig ko na sa boses ko ang pagkairita. I hate being forced into things, and besides, is that really what they would think? That I haven't moved on, which is why I'm not going? Can't it just be that I don't want to ruin their happy day? No matter where I place myself, it seems they will always find something to criticize.
Ginugol ko ang sarili ko sa pagbabake. Alas otso na ng gabi ng magpasya akong mag sarado. Iisang araw pa lamang ngunit andami agad kita.
Napatingin ako sa may pinto ng may kumatok roon. Bumukas iyon at tumambad si Ryan.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomanceChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...