Chapter 45

10 1 0
                                    

Chapter 45

“Play safe?”

Napalingon ako kay Clara ng magsalita siya. Pinatak niya iyong upos ng kanyang sigarilyo at inapakan niya iyon bago siya naglakad palapit sa akin.

“Hanggang sa mga mata ko nagpapanggap parin kayo?” ngumisi siya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at muling ibinalik ang titig sa akin.

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin, kaya imbes na pansinin pa siya ay nilagpasan ko na lamang siya. Pero bago pa ako makapasok sa loob ng bahay ay hinila na niya ako sa braso ko at muling ibinalik sa pwesto ko kanina.

“Kinakausap pa kita.” mariin niyang sabi.

“Bitaw. Huwag ka ngang gumawa ng gulo.”

“Hindi ako gumagawa ng gulo, kinakausap lang kita, pero basta-basta ka umaalis.” madiin niyang hinawakan ang braso ko kaya napangiwi ako.

“Nasasaktan ako, Clara.” sabi ko dito.

“Anong pake ko?” ngumisi siya at mas lalong diniinan ang pagkakahawak niya sa aking braso.

“Clara ano ba!” mahinang sita ko sa kanya dahil nasasaktan na talaga ako.

“Noong ako ang nasaktan sa pag agaw mo sa taong mahal ko, may pakialam ka ba?”

Nangunot ang noo ko rito. Ito na naman ba siya? Iyon na naman ba ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa sa akin ngayon? Talagang hindi siya maka get over.

“Ilang beses kong uulit-ulitin sa’yo na hindi ko inagaw si Drake sa’yo!” sigaw ko sa pagmumukha niya.

“Hindi inagaw? Eh anong tingin mo sa ginawa mo? Hindi ba pang aagaw iyon?”

Napairap na ako sa kawalan.

“My ghad Clara. You’re wasting your time for this? Then go! Agawin mo si Drake if that’s what you want. Tingnan mo na lang kung papatulan ka niya.” inis kong inalis ang kamay niya sa braso ko saka ako patakad na pumasok sa loob ng bahay.

Hanggang kailan siya magiging ganoon. Masyado siyang patay na patay kay Drake, masyado niyang pinagsisiksikan sa utak niya na inagaw ko si Drake sa kanya.

Naglakad na ako papasok upang tumungo na sa pinagbuburulan ni Lola, pero bago pa iyon ay natigilan na ako.

“Sampid ka lang naman!”

Natigilan ako ng marinig ko ang linyahan na iyon. Nangunot ang noo ko dahil boses iyon ni Tita Calla, nanggagaling iyon sa kung saan nakaburol si Lola.

“Tumigil kana Calla!” sigaw ni Tito Marlon kaya naman tumakbo na ako patungo roon.

Namataan ko nga si Mama na ngayon ay nasa likod ni Tita Sammy, magulo ang buhok niya na tila nakipag sabunutan. Namataan ko nga ang ilang bisita na naririto sa loob, pinagmamasdan lamang ang mga nangyayari.

“Sya ang patigilin mo! Ano pa bang papel niyan sa pamilyang ‘to. Eh patay na si Kuya Lucas! Nakikidalamhati siya dahil sa kanya ibinigay ni Mama ang ilang kayamanan na dapat sa amin ng pamilya ko ibibigay!” nanggagalaiting sabi ni Tita Calla habang dinuduro-duro si Mama na itinatago ni Tita Sammy sa kanyang likod.

Lumapit na ako sa kanila at hinarap na si Tita Calla. Nakita kong mas lalong nanaig ang galit sa mga mata niya ng makita niya ako.

“Wow. Ang isa pang sipsip na apo.” tumawa siya habang nakatingin sa akin. “Lumayas na nga kayo! Wala na kayong karapatang manatili dito! Nakuha niyo na ang gusto niyo hindi ba? Huwag na kayong maging plastik pa! Patay na ang tatay mo hindi ba? Ano pa bang dahilan mo para manatili sa pamilyang ‘to?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 18 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon